EP4: First Meeting

57 3 2
                                    

NOTE: Lahat po ng bayan sa Korea na mamemention sa storyang ito ay totoo maliban na lamang sa mga lugar gaya ng cafe's, companies at iba pa, pati narin ang mga pangalan ay mga gawa gawa lamang. Kung meron man itong kapareha pasensya na po at gawa lamang ito nang kathang isip at siyang nagkataon lang maliban na lamang po kung naka saad ang panghihiram ng pangalan ng totoong tao. Maraming salamat.

APRIL 3, 2014 (Thursday) 8:21am

My First Day was..... *FLASHBACK

ANG NECKLACE KANINONG NECKLACE YUN? AT SINO ANG LALAKING YUN? SIYA KAYA ANG MAY-ARI NG NECKLACE NA ITO?

Naisipan kong umalis sa Hotel at libutin ang Capital City ng Korea, ang Seoul. Sayang naman ang pagpunta ko rito kung hindi ko mapapasyalan ang mga pinapangarap kong puntahan nung 2nd at 3rd year ako dba? Kaya pumunta ako sa shopping destination ng Korea and it's MYEONG-DONG.

Pagdating ko sa Myeong-dong medyo ginutom ako kahit kabebreakfast ko lang ng Bacon and Pancakes pero ganun paman pumasok parin ako sa isang Café na nag ngangalang Main Café at nag order.

"Cashier: 안녕하세요, 주문받을 수 있나요? annyeonghaseyo, jumunbad-eul su issnayo?"

"Me: 미안 해요. Mian haeyo, I can't speak in Korean. Actually I am not a Korean."

"Cashier: I'm sorry also maam, i didn't notice because you look like one."

"Me: its alright, so my order are 3 French Macarons, 1 Strawberry Frappucino for dine in and 1 Strawberry Shortcake for take out."

"Cashier: Okay maam, that would be ₩17,572.00" (702.88 pesos)

At binigyan ko naman siya ng  ₩20,000.

"I received ₩20,000.....

She gave me the Beeper and umupo na ako sa isang sulok na malapit sa isang bintana. Habang hinihintay ang order ko minamasdan ko lang ang mga taong naglalakad sa labas lalo na ang mga fashion statements nila, nasabi kong iba talaga dito kesa sa Pilipinas pagdating sa Fashion.

Pagkalipas ng ilang minuto nag beep na ang beeper ko ibig sabihin nun ay ready na ang order ko, pumunta na ako sa may cashier at kinuha ang inorder kong 3 French Macarons, 1 Strawberry Frappucino at 1 Strawberry Shortcake.

Dala dala ko na ang order ko, nang may biglang nag sigawan sa labas........

Lumingon nman ako dahil malay mo si Lee Min Ho, Si Kim Soo Hyun? Ang XnO? nanggg pumasok yung taong sinisigawan nila nung oras rin na yun ay

Booogsh!



Lintek na tubig yun lahat ng dala dala ko, ang aking French Macarons, ang aking Strawberry Frappucino ang aking  strawberry shortcake ang aking ₩17, 572.00 nasayang lang... pero dapat magpasalamat parin ako dahil may sumalo sakin, isang lalaking napaka gwapo. As in napaka gwapo tlaga kaya lang ang maling part nun ayyyy...

Pagka dulas ko nahawakan ko ang polo niya, at siyang naging dahilan para pumutok ang butones nang polo niya at yung dala dala kong strawberry frappe ay natapon sa buong katawan niya. Ang masaklap pa roon ay maraming tao sa labas at kinunan pa kami ng litrato pati ang mga nasa loob ng cafe

Nilunok ko ang laway ko at hinila niya ako papalabas ng Cafe.

....................

Isinakay niya ako sa isang magarang kotse...... Habang nag dadrive siya, hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita sa sitwasyon namin ngayon kasi ang awkward kaya, hindi pa nga ako nakapag sorry at hindi rin siya nag salita simula nung hinatak niya ako papalabas sa cafe kanina, pero nagsalita parin ako.

KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon