↑ Marcus at the media ❤
Primo
Kung may nalalaman na kayo tungkol sa pagkatao ko--este pagkav....
"Binibini?" boses iyon ni Marcus sa labas ng aking mansyon.
Tinatamad akong bumangon, nakahiga pa rin ako ngayon sa aking kama kaya hindi ko na siya sinagot.
Naririnig ko na ang mga yabag ng paa patungo dito kaya agad akong naglaho.
Eh kung pwede naman siyang mag magic di pa niya ginawa, baka kasi may makakita eh.
eeeeeeeeeeeeeekkkkk....
Tunog ng pagbukas nitong pinto.
"Alam kong nariyan ka lang binibini kaya magpakita kana sa akin." ani Marcus.
Napangisi ako. Alam niya na andito ako pero hindi niya matukoy kung nasaan banda.
Mapagtripan nga ang isang 'to. Dahil nanatili akong nakalaho.
Tumayo ako na walang ingay na ginagawa. Tinago ko ang aking presensiya at lumapit sa kanya.
Hinaplos haplos ko ang kanyang mukha.
"S-s-sana ay itigil mo na ang ginagawa mo binibini, hindi mo alam kung ano ang pede kong m-m-maramdaman." pautal niyang sabi.
Patuloy ko siyang hinahaplos sa mukha at hinahalikan sa pisnge. Nakita ko namang namumula na ang kanyang mukha.
HAHAHAHA!
"Primo tumigil ka." maawtoridad na saad ni Marcus.
Hindi ako nakinig sa kanyang sinabi at muling hinaplos ang kanyang mukha. Pagkatapat ng aking daliri sa kanyang noo ay pinitik ko siya ng napakalakas.
Nagitla ako nang makitang nakaupo na siya habang sapo ang ulo. Ayt nakalimutan ko.
"Pasensiya na Marcus, binibiro lamang kita ngunit hindi ko sinasadyang masaktan ka."
Tinulungan ko siyang makatayo.
"Sa susunod kasi, mag iingat ka buti nga at napaupo lang ako. Hindi yung tumilapon." Marcus
"Ano ang pakay mo kaya ka napunta rito?"
"May naisip akong solusyon para hindi ka mabored dito." sabi niya
"Kuya, ano yun?"
Lumaki ang kanyang mata nang marinig ang pagtawag ko sa kanya ng kuya.
"A-anong si-sinabi mo?" hindi talaga siya makapaniwala.
"Wala."
"Joke lang Primo, nabigla lang ako. Si Yves nalang ang magsasabi sayo." pabitin pa siya
"Ewan ko sayo! Pabitin effect ka pang nalalaman eh!" sabi ko habang nakanguso.
"Teka.. andun pa rin ba siya?" tanong ko
"Malamang dahil alasdose pa lang ng tanghali." Marcus
"Paano kaya kung bisitahin ko siya doon?"
"Hindi maaari Primo, isa rin yun sa dahilan kung bakit ako naparito. Wala si Harry para bantayan ka." Marcus
"Nasan siya?"
"Pinatawag siya ni ama at mukhang matatagalan pa ang kanyang pagbabalik." paliwanag niya sa akin
"Edi mas mabuti. Hahaha." tumalon ulit ako sa kama.
Tumabi naman siya sa akin at ngayo'y parehas na kaming nakatingin sa ceiling.
"Malaki na ang baby mo Primo." paninimula ni Marcus sa usapan.
"Oo nga kuya. Bilis talaga ng panahon eh."
"Hindi mo ba papakawalan yan?" tanong niya.
"Matapos kong alagaan ang baby ko ng ilang taon, basta basta ko nalang papakawalan? Never."
"As I expected, yan ang isasagot mo sa akin." Marcus
"Sabihan mo si Yves, pagkauwi niya galing University ay puntahan niya ako dito sa mansion."
"Okay." Marcus
"Tara sa baba, may inihanda ako sayo Marcus." paanyaya ko sa kanya.
Nagluluto kasi ako ng iba't ibang pagkain para naman may silbi ako sa bahay ko. Sila Harry, mga katulong at butler ko lang ang pinapatikim ko nun.
Kinakain naman nila yun KAHIT papaano. Kapag ako na mismo ang nag alok eh, walang sino man ang pwedeng tumanggi.
"Hindi ako gutom." Marcus
Masarap naman ang niluto ko.
"Sayang naman yun. Okay lang, tatapon ko nalang."
Kunyare ay magtatampo ako kaya tumalikod ako sa kanya. Hindi naman niya ako matitiis kaya papayag yan, maya-maya tingnan lang natin, haha.
"Halika na sa baba." Marcus
Pilit niya akong pinaharap sa kanya. Imbis na mahirapan pa siya ay sumunod naman ako .
"Dinuguan pa naman yon.." bulong ko
Nagteleport kami papuntang dining area, nakakapagod kasi kapag nilakad pa namin ito. Ang haba haba nung hagdanan eh.
Kasalukuyan ko siyang hinahandaan ng pinggan para makakain na siya. Naglagay ako sa ng bagong luto na dinuguan. Dugo ng baboy ang ginamit ko, pati na rin ang laman-loob nito.
Nagtataka ka ba? Paano ako naman ako nakaluto e nakahilata lang ako sa kama buong umaga. Kasi nga... ginamitan ko lang naman ng magic!
"Oh.. red wine para hindi ka naman malugi sa kakainin mo."
"Hehe salamat." Marcus
Inumpisahan niya ng kumain habang ako ay nakatingin lang sa kanya, magkatapat kasi kami. Makita ko lang masaya si kuya, masaya na rin ako.
Dagdag lang siya ng dagdag at sabay inom ng red wine. Hindi niya namalayang naubos na ang isang bowl na dinuguan.
Napangiti ako. "Yan ba ang hindi gutom, Marcus??" tanong ko sa kanya.
"Hah? May sinabi ba ko sayo? Eh masarap kaya!" Marcus
"Hahahaha."
"Mas masaya sana kung pati siya ay nandito, katulad ng dati." Marcus
Napalitan naman ng lungkot ang kaninang masayang pag uusap.
"Ganon talaga kuya Marcus. Salamat dahil andito ka sa tabi ko."
"You are my princess. Lab na lab kita eyy." Marcus
Sana ay magkaayos na kami ni Kuya. Kakalungkot isipin sa sobrang tagal na walang pansinan. I badly miss him so much.
YOU ARE READING
Ms. Seductive Vampire and Mr. Cold Gangster (ON GOING)
VampireThe one and only princess of Alacard palace. She's fearless and heartless when it comes to killing those bad ass. Don't try her because you will see the smoking H E L L. A most powerful half-blooded among pure-blooded vampire until she met the one...