MSVAMCG 12 : Go with the Flow

68 0 0
                                    

Primo

Unang pumasok sa aking isipan ay ang pagiging seryoso pagdating sa aking pag-aaral. Ayoko namang madisappoint si ama kahit papaano. At isa pa, ako ang nagsketch para sa magiging disenyo ng building.

Katulong ko si Marcus na magdisesyon kung anu ano ang aming ilalagay na department. Mas nakakagulat pala dahil ipinatayo ito ni kuya Mario nang hindi ko nalalaman.

Nang matapos ang klase ko sa ikalawang araw ng aking pagpasok doon ay nakapaglibot na ako sa buong University. Sobra pa sa expectation ko ang aking mga nakita. Kumpleto lahat sa gamit, high-tech at high standards. Kaya nga "EXPECT the UNEXPECTED."

Bago makarating sa main building nito ay padadaanan mo muna ang mga kakahuyan upang lakbayin ang hindi kalayuan. Mula sa malayo ay matatanaw po ang may anim na palapag na gusali.

Pagdating sa malaking gate ay kailangan mo lang i-press ang left thumb mo sa monitor. Ilalabas mo lang ang kamay mo sa bintana para ayos na.

May napakalawak na open field para sa mga larong soccer, football, volleyball at iba pa. Kung maaraw ay open ang ceiling nito pero kapag maulan at nagkataon na may laro ay automatic itong sumasara dahil sa glass nitong bubong.

Sa loob ng napakalaking gymnasium ang basketball court at para sa sayaw halimbawa ang cheerdance competition, mga upuan para sa mga audience. May theather din para sa mga stage play at pagkanta. May isa pang sport complex para sa swimming.

Basta lahat ng in-sketch at napili namin ay napatayo ng walang kulang sa detalye pero may mga idinagdag pa si Mario.

Wala ngang ibinalita sa akin si ama, hindi ko din siya masisisi dahil tuwing itatanong niya kung ano status namin ni kuya ay ilag ako. Bilyonaryo siya pero ako? Multi-Trillionaire.

Kakatapos ko lang ubusin ang blood shake na binili ko kanina at hindi man lang ako pinagpawisan sa paglilibot. Hinihintay ko nalang ngayon dito sa parking lot si kuya Mario na dumating para sunduin ako.

Nauuna kasing natatapos ang klase ng third year college sa second year kaya naglilibot pa siya sa campus para i-check kung wala nang natitira. Delikado ang mga mortal lalo na sa gabi.

*BRRRRRRRRRRRRRM*

Tunog pa lang ng tambutcho ng kotse ay kilala ko na.

"Sweety.. sorry sa paghihintay." humihingi siya sa akin ng pasensiya.

"Ok lang kuya, bago lang ako dito nung dumating ka." ngumiti ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat. "Mabuti naman kung ganun, hindi ako late sa kauna-unahang paghatid ko sayo. Halika na."

"Ang gentleman mo talaga kuya. Swerte ng magiging mate mo!" ngiti lang ang kanyang tugon sa akin.

Sa loob na kami ng kotse at ipinaharurot niya ito palabas ng parking lot. Binuksan ko ang phone ko at ang mobile data para makapag-open ng facebook. Daming mga nagpop-up sa notification bar ng phone ko.

"What are you doing sis? Tutok ka masiyado sa ginagawa mo." tanong ni kuya.

"Nag-open lang ng account ko sa facebook kuya. Mas dumami ngayon ang nagme-message sa akin, pati sa notif's ko, lalong lalo na sa mga gustong magpa-accept ng friend request."

"First day of school mo ay marami nang nakikipagkaibigan sa iyo." kuya

"As if naman. Eh ang paplastik ng mga iyan. Gusto lang makipagkaibagan para sumikat."

Saglit na tumingin siya at binalik ang tingin sa pagdadrive.

"Primo, how's your school? Dinig ko ang pambabara mo kay Ashley Trinidad." umiba ang awra ni kuya at napalitan ng pagseryoso.

"Feeling niya kasi close sila ni kuya Marcus kaya ko binabara. Ya'know I am bitch."

"Bad mouth!" sinaway ako ni kuya. Ayaw niya kasing nagmumura ako especially if kasama ko sila.

"Sorry."

"Ok, continue...." kuya

"And boys are drooling over my dead body. Hahaha! Simula pagpasok hanggang sa paglabas ko ng room 4A ay nasa akin ang atensiyon nila. That's why I love it. Most of all I love your University."

"Naku, malilintikan talaga sa akin ang mga yun, pinagnanasahan nila ang aming prinsesa. Kaya nga simula palang ayaw ko ng pirmahan ang mga papales mo para lang hindi ka makapasok dun." kuya

"Don't worry. Just go with the flow lang kuya. Chaka kakapasok ko lang sa school mo tapos aayaw ka na agad?"

Pinindot niya ang red button para awtomatikong umandar ang kanyang ferrari at tumingin sa akin. "Hindi naman sa ganun sweety. Gusto lamang kitang protektahan sa mga tao."

"Kuya naman eh. Kaya ko na ang sarili ko. Sila dapat ang protektahan mo laban sa akin, dahil kapag ako ay hindi nakapagtimpi sa mga babaeng malandi, ay papatayin ko." nagsalubong ang dalawa kong kilay. Lumabas si Prenumba na aking anino at pinaglalaruan ang hibla ng buhok ko.

"I'm the only one BITCH here." sabay na sabi namin habang nakangisi.

"Okay, okay. Ikaw lang ang aming prinsesa na soon to be reyna." kuya

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Matagal pa kuya. At kung dumating man ang panahong yun, ay sisiguraduhin kong handa na ako at nasa ayos na ang lahat."

"Eh ikaw kuya, handa ka na ba maging hari?" tanong ko kay kuya Mario.

Taas noo niyang sinabi ang... "Nasa sinapupunan palang ako ni ina ay bihasa na ako sa pamamalakad at pakikipaglaban upang ipagtanggol ang kaharian ng Alacard."

"Yeah. Siguro kung hindi dahil sa akin, nabubuhay pa si ina at masaya sila ni ama sa kaharian." malungkot kong sabi.

"Whatthe!... Ssshhh don't say that princess.." kuya

Ayaw ni ama at nila kuya na sisihin ko ang aking sarili sa pagkamatay ni ina. Namatay siya sa panganganak sa akin sabi ni ama. Hindi niya daw kinaya ang kapangyarihang bumabalot sa pagkabampira ko. And the rest is never been untold.

"Alright, andito na pala tayo sa bahay ko. Ipasok mo nalang kuya at magmovie marathon tayo."

"Okay." kuya

Tumango tango lang siya ng tuluyan na kaming nakapasok sa mansyon ko. Sinalubong kami Harry na kakabalik lang galing misyon at ni Nana Belen na abot tenga ang ngiti.

Masaya siya ng makitang magkasama kami ni kuya Mario. Labingwalong taong gulang na ako ngayon pero nung ika-labinlimang taon ko ay tuluyang naganap ang gabing yun.

Dito ko na pinakain ng hapunan si kuya Mario matapos ang aming movie marathon. Si Marcus naman ay busy sa Alacard, pinatawag ni ama. Friendly ang kuya kaya marami ang gustong makilala at maging kaibigan siya.

Friendly naman ako pero sa mga boys lang nu! hahaha. I'm good in seducing, so beware. *wink*

Ms. Seductive Vampire and Mr. Cold Gangster (ON GOING)Where stories live. Discover now