MSVATMCG 10 : School Heart-trobs

70 1 0
                                    

Kent Soondeok

Ako nga pala si Kent Soondeok, tawag sa akin ng mga closefriends ko ay Kent at sa bahay lang ako tinatawag sa ngalang Kenken. Half-pinoy and half-korean.

Daddy ko ay pure korean. Siya ay nakababatang kapatid nung daddy ni Jae Hyun at ang mommy ko naman ay pure pinay. Kaya singkit ang mata ko dahil naman sa daddy ko. *beautiful eyes*

"Sh*t! Why did you do that Kent? You want me to die?" sigaw ni Dwight at tumingin ng masama sa akin. Pinapantasya niya kasi yung mga model ng undies ng isang sikat na magazine kaya binato ko siya ng limang dagger na kakaimbento ko lang.

Tinapat ko ang isang box na puno ng cookies sa kanyang mukha. Nagdala ako kasi bake ito ni tita Cristelle. "Bat muko pinagbibintangan? Kita mong kumakain ako ng cookies dito ohh! Si Taek nagbato sayo!" tinuro ko si Taek na busy kakatingin sa kanyang phone.

Binato naman ni Dwight si Taek ng isang dagger. Shooooot! "Dwight Nigel!" Taek with deadly glare.

Lumaki ang kulay blue na mga mata ni Dwight ng makitang hawak hawak nito ang sinalong dagger.

"Tch ambagal, kulang ka pa Nigel.." ang tinutukoy ni Taek ay kulang pa sa training.

"Minsan nga dalaw tayo sa Heaven hahaha, nice one bro. Pfft.." I winked at him.

"Takte! Ugghhh crazy Soondeok!" ungol pa ni Dwight sabay sabunot sa kanyang abo na buhok.

HAHAHAHAHA!

Alam niyang hindi ko siya titigilan kapag pumatol siya sa trip ko. Ako na naman ang nanalo! YES! Asar talo pa man din ang bestfriend ko na yan.

"Asan si Yves?" napahawak nalang ako sa aking dibdib ng magsalita si pinsan sa likod ko. Magaling talaga siyang magtago ng aura kaya hindi ko napansin.

Nakita ko namang nakangisi si Taek nang magtama ang aming paningin. At bumulong sa hangin ng karma.

"Putspa! Ano ka ba Jae Hyun! Muntik na akong atakihin sa puso jan sa panggugulat mo eh!" saway ko sa kanya.

"It's your fault. Sadyang matakaw ka lang sa kape." simpleng sabi ni Jae Hyun.

"Ehhh masarap kaya magtimpla si Tita, angkop sa taste ko!" pagmamayabang ko.

"Gago! Dinamay mo pa ang nanay ko. Psh!" sagot niya

"Tara na at baka malate pa tayo. Parang trip ko pumasok ng class today." dagdag pa ni Jae Hyun.

"May dalawang transferees sabi ni Yves." Taek.

Agad namang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Dwight at ngayo'y ngumisi ng nakakaloko. "Bagong chikababes ba yan?" saad pa nito.

"Wala ka nang naisip kundi puro BABAE nalang DWIGHT NIGEL!" sermon ko sa kanya.

"Kahit ano pang sabihin mo KENT SOONDEOK, liligawan ko siya kung maganda lalong lalo na kung sexy!" Dwight

Nakikinig lang si Jae Hyun at Taek sa bangayan naming dalawa. Ayaw nilang makialam kaya---Haisst!

"Binabalaan kita Dwight Nigel.." malalim na boses ni Yves ang umalingawngaw sa gitna ng paguusap namin.

"Ay anak ng nanay mo!" ang nabitiwan kong salita, nakatalikod kasi ako sa may pintuan nang bigla niya akong inakbayan. Handa na sana akong suntukin kung sino man yun pero nakailag din naman agad.

"Don't jump into conclusion. Kilalanin mo muna bago mo pormahan, iyak ka niyan..." Yves while nakapoker face.

"Let's go now." aya pa niya sa amin.

Tumayo na kaming lahat at lumabas ng rest house. Sa tingin ko, siya ang may PMS ngayong araw. Ang seryoso kasi ng mukha niya, nakakatakyut ko!

- - -

Naglalakad kami ngayon sa hallway. Ang mga estudyanteng may kanya kanyang gawain ay napapatingin sa direksiyon naming lima. Sabi nga nila, kami ang dreamboy ng mga kababaihan, nasa amin na ang lahat. By the goodlooks, yaman, talino at multi-talented.

"Hi babe Nigel, my name is Thristia Marie! This is my number...."

"Kyaaaaaaahhhh! Ang gwapo mo talaga Kent! Kyaaaaaahhh!"

"Yves so kyuuuuuuut! waaaah!"

"I love you Taek, my lovey dovey! Mwaaaaahh"

"Ang hot mo talaga Jae Hyun! Omyyygossssshhhh!"

Tilian dito, tilian doon. Buti nalang at nakasuot ako ng earphones, kung hindi, basag na siguro ang eardrums ko. Itong mga kasama ko, wala lang sa kanila--sa amin ang mga bagay na yan dahil sanay na kami. Araw-araw ba naman may nag aabang at nagbabantay sa mga kilos mo. Tsk, obsess sa kagwapuhan namin. *evil grin*

Nakatapat na kami ngayon sa nakasaradong pinto ng aming classroom. Ang room 4A. Department ng BSAdM or Bachelor in Science of Business Administration and Management. Air-conditioned ang campus kaya palaging nakaclose ang door.

Pumasok na kami upang makaupo sa assigned chairs. Kaya nga dito mo lang kami makikita na magkahiwalay.

Strikto kasi yung matandang prof namin pagdating sa klase lalo pa't siya ang first subject teacher.

Ang tibay nga eh, siya lang ang nakakatagal sa ugali ng mga estudyante dito especially sa section namin.

Kahit college na ay may mga bullies pa rin at higit sa lahat hindi pa natatapos ang isang subject, walk out na ang teacher dahil sa mga kalokohan.

Habang kami ay nanunuod lang sa mga laro na parang pangbata. Napakaweak nila talaga.

"Goodmorning class." bati ni Mr. Nepomucino. English teacher namin.

Nabobored tumayo ang kanyang mababait na estudyante kaya inisnob lang ang pagbati niya.

"Sir, may I ask you?" tanong nung lalaking baduy pumorma.

Harsh right? Atleast nagsasabi lang ng totoo. Gray ang aming uniform with black tapos susuotan ng red na red na rubber shoes, tapos magulo pa ang pagkakaayos ng buhok.

"You are asking me already Philip." sagot naman ng matanda.

Hanep, barado siya ni tanda.

WAHAHAHAHA!

Nagtawanan naman kaming lahat as usual, maliban nalang kay Taek na nagbabasa ng libro sa pinakalast row at kay Jae na nakatingin lang sa labas ng bintana dahil doon siya nakapuwesto.

"Ah.. ehh...." sabay kamot ni Philip ng batok.

"Split it, I'm waiting..." inip na sabi ni tanda.

"Karamihan ng mga students, sinasabi na may new transferees. Totoo po ba iyon?"
"Bakit Philip, may nakita kana bang bagong mukha? Diba wala?" sarkastikong sabi ni Lyka, ang maldita naming presidente ng classroom.

"Muntanga lang, e wala naman! Wahahaha..." hawak pa ni Andrew ang kanyang tiyan kakatawa. Tumawa na rin kaming lahat. Stating the obvious, huh.

"SHUT UP EVERYONE!" sigaw ni Mr. Nepomucino kaya napitigil naman sila. Nakakatakot kasing magalit yan, parang kakain na tao sabayan pa ang panlilisik ng kanyang mata.

"YES----" pagkasabi niya ng salitang yun ay napatingin ang dalawa kong bestfriend. Aba! I can sense na interesado sila."--- but they are not going to attend this class because of important matter. So now, let's proceed to our discussion." dagdag pa niya.

Akala naman namin ay madadala na siya sa aming pinag uusapan yun pala.... HAISST! Patuloy parin ang aming klase.

→ → → → → ↭ ← ← ← ← ←

Hello guys? Kamusta po ang UD ko? Just leave a comment para malaman ko kung may nakakakuha ng story ko.

May idea na ba kayo kung sino ang dalawang tranferees? Abangan po sa next updated. Thankyouuuu!

Ms. Seductive Vampire and Mr. Cold Gangster (ON GOING)Where stories live. Discover now