Perfect one - Weird

30 4 5
                                    

ㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇ

Kim-chi's note:♥

Yey!,finally mauumpisahan ko na ang chapter 1,pasensya na kasi walang dedicated to dito kasi cellphone lang ang gamit ko pero dini-dedicate ko parin 'to kay Reamaeee,thank you ulit!.

Pagpasensyahan nyo na po kung panget tsaka salamat sa mga pumatol sa story ko.구맙삼니다!!!

Enjoy reading!!!♥

ㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇ

Perfect one - Weird

Sobrang excited ko yata,kasi kahit na alam kong may tatlong araw pang natitira bago magpasukan eh sobrang aga ko paring nagising.Tinignan ko ang cellphone kong nasa tabi ko lang,hay 6:30 palang pala.Humiga-higa pa ako ng ilang minuto at tuluyan na akong bumangon sa higaan  at iniligpit na iyon,dumiretso ako sa kusina at nakita si eomma (uhm-ma(mom).Sobrang ganda talaga ng nanay ko kahit na nakatalikod.Nilapitan ko si eomma at niyakap sya habang nakatalikod.

"Ang aga mo yatang nagising ah,may pupuntahan ka ba anak?"Gulat na tanong ni eomma habang yakap ko parin sya.Hinigpitan ko yung yakap ko nung nakita kong ngumiti si mama.Medyo nagtaka lang ako,ang tamlay kasi ng smile ni eomma.

"Wala po akong pupuntahan ma."sabi ko at inalis na ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya."excited lang po yata ako para sa pasukan,kahit may 3 days pang natitira bago magpasukan".

"Ilang araw nalang pala"komento ni eomma habang hinahango ang niluto nyang adobo."Ba't 'di ka mamasyal at enjoyin ang natitirang araw bago ang pasukan?"sabi ulit na parang nangungumbinsi.

"Wag na po ma,dito nalang ako.Samahan ko nalang po kayo dito."sagot ko naman habang kumukuha ng plato at nagsandok na ng kanin.I don't know if it's just me or talagang there's something wrong with eomma."Tsaka,wala naman po akong kasama."Uupo na sana ako ng biglang may pumasok at nagsalita.
    
"Goodmorning!"akala ko kung sino na si tan-tan lang pala!

"Ang aga mo naman para mag-explore dora at napadpad ka pa sa bahay namin"pataray kong sinabi sakanya in a joking way.Nagkibit balikat lang sya at tumawa ng bahagya.

"Ikaw pala nathan,naku wag mong intindihin yang si nao-mi,natutuwa lang yan na makita ka.Upo ka muna."umupo naman tong singkit na 'to sa tabi ko.

"Nako okay lang po,sanay naman na po ako kay tin-tin"Sabay pisil sa pisngi ko kaya sinimangutan ko sya.Tumawa naman si eomma at inabutan ng plato si nathan,inabot naman nya ito kaagad at nagthank you kay eomma.

"Ano namang masamang hangin ang umihip sayo at napunta ka dito?"pataray kong tanong pero sumingit naman si eomma bago ko maipagpatuloy ang pagsusungit ko.

"May pupuntahan ka yata ah?"tanong ni eomma kay nathan habang sinasandukan nya ng pagkain ang plato nito.Ganyan talaga si eomma,sobrang maalaga,biruin nyo sinandukan pa ang mokong.Minsa nga kahit hindi nya kakilala ay ganyan parin sya.

"Ah,opo.Magpapasama nga po sana ako kay tin kong pwede nya akong samahan."sabi ni tan-tan,at saan naman kaya pupunta itong intsik na toh?

"Saan ba kayo pupunta?"tanong ni eomma habang sumusubo ng pagkain.Tinignan ko rin si nathan ng nagtataka.Bigla naman siya sumagot bago pa ako magtanong.

"Magpapasama po sana ako kay tin na bumili ng school supplies,'di pa po kasi ako nakakabili ng mga gamit ko"muntik nang mawala sa isip ko,mali nakalimutan ko pala talaga.Ngayon nga pala kami bibili ng gamit nya.Sinabi nya na kasi 'to saakin last week,nawala lang sa isip ko sa sobrang excited para sa new school year

"Oo,nga pala!.Sorry nawala talaga sa isip ko"sabi ko

"Kaya ako na nga mismo ang pumunta dito kasi alam kong makakalimutan mo"sinabi nya na parang alam na alam nya nang mangyayari to.Grabe,pinamukha pa talaga saaking makalilimutin ako!

PROJECT: Make Her PERFECTWhere stories live. Discover now