Perfect two -What is happening
It's already Sunday,bukas pasukan na.Satingin ko kailangan ko na talagang lumabas dito sa kwarto ko,since kasi nung pumunta dito sila kuya hindi na ako masyadong lumabas ng kwarto ko unless kakain ako o kung may iuutos sa'kin si eomma.Iniiwasan ko kasing pag-usapan namin yun ni mama pero sa tingin ko hindi talaga ako makakapag-look forward ng maayos sa umpisa ng pasukan kung hindi namin 'to pag-uusapan.
Since Sunday ngayon,yayayain ko nalang si eomma na magsimba para makapag-sorry narin ako sa ginawa kong pagsagot-sagot sa kanila nung friday.
Lumabas na ako sa kwarto ko papuntang kusina,and there I saw eomma,sipping on here coffee.Kahit medyo nag-aalangan ay tumabi parin ako kay eomma.
"Good Morning,ma"I said smilingly and gently kiss her chick.Ngumiti lang sya as she greeted me in reply."Good Morning anak,buti naman at naisipan mo naring lumabas"
Napasimangot nalang ako at napatingin sa baba.Napalunok ako ng ilang beses bago ako tumingin kay eomma.
"Sorry po ma,hindi ko naman po sinasadyang gawin yun...hindi ko lang po talaga napigilan yung sarili ko...Sorry po talaga"ngayon binaling ko na ang tingin ko sa kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.Bumuntong hininga si eomma at itinaas ang ulo ko para makita ko ang mukha nya.Ngumiti si eomma sa akin at niyakap ako.
"Anak,alam ko namang hindi mo sinasadya yun,pero hindi mo parin dapat sinagot-sagot ang kuya mo...Mas pinili lang naman nya ang makabubuti para sa E.G.C."ngayon inalis na ni eomma ang mga kamay nya mula sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mata."Nao-mi,hindi ako ang pinagsalitaan mo ng masama kundi ang kuya Sammuel mo kaya sa tingin ko sakanya ka dapat mag-sorry,hindi ba?"
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni mama.Sa totoo lang kasi tama sya,kay kuya ako dapat na mag-sorry kasi sya yung sinagot-sagot ko,samantalang wala naman talaga syang ginawang masama.Yung Kompanya lang talaga na yun ang may kasalanan!,kung sumama nalang kasi sana saamin sina kuya edi sana hindi sya mapipilitan na magpakasal!tss.Kung pwede lang sana kaso hindi.Kawawa naman ang kuya ko...
Medyo naguguluhan sigiro kayo.Pero oo,tama ang pagkakaintindi nyo.Hindi kami magkasama sa iisang bahay.BAKIT?,well wag nyo muna yan itanong dahil kakarecover lang ng utak ko sa pagkakabeast mode,ayaw nyo naman sigurong i-activate ko ulit diba?.Mabalik tayo sa usapan,ganito nya kasi yun.Ako at si eomma,dito kami nakatira sa probinsya at sila kuya naman ay nakatira sa city.Kahit malayo pumupunta parin dito sila kuya pero madalas si kuya sam lang,madalas kasi may mga out of town business trips kasi sya kaya madalas syang nakakapasyal.Si kuya Z naman paminsan minsan lang nakakapunta kasi madalas syang busy sa school.Buti pa nga yung dalawa kong kuya at nakakapasyal pa kahit papano eh si ateh Clare wala,nga nga!,kahit mangamusta nga lang sa text wala sa personal pa kaya!?.Kung pumasyal man sya dito,aba!,papafiesta ako!.Ni minsan kasi ay hindi pa sya nakakapunta dito,imagine that!,halos 4 years na ang makalipas pero wala paring paramdam...
Teka!,mabalik tayo sa usapan namin ni eomma...
"Tama po kayo ma,dapat mag-sorry ako kay kuya lalo na't wala naman talaga syang ginawang masama...ang dapat ko talagang sisihin ay sila!..yung kompanyang yun!Dapat kasi-"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ng pagtingin ko kay eomma ay she's already wearing the 'stop-being-rude-nao-mi' look nya na nakapagpatigil saakin.
Feeling ko tuloy,imbis na matapos na ang usapan na ito ng mabilis at matiwasay ay mas mapapahaba pa dahil sa mga pinagsasabi ko!.Naku nao-mi!,konting preno rin naman!.Masyado na kasi ang harurot ng dila mo kaya pigilan mo naman kahit konti!.Naku!ewan ko ba,bakit ba kasi 'pag yun na ang pinag-uusapan ay bigla-bigla nalang ang harurot na bunganga ko ng walang tigil.Siguro ay gano'n lang talaga ang galit ko sa kompanya nila or more likely ay sakanila!hmp!.Napatigil nalang ako sa pag-iisip tungkol sa hatred ko sa 'KANILA' dahil muling nagsalita si eomma kaya napaangat nalang ang ulo ko at automatikong hinarap sya.
YOU ARE READING
PROJECT: Make Her PERFECT
RandomMay tao bang perpekto? Pwede bang maging perpekto ang isang tao? Paano kung hindi mo naman hinahangad na maging perpekto? Makakayanan mo bang mabuhay sa mundong perpekto para sa iba pero impyerno para sa iyo..... Isang bangungot na pilit mong tinat...