ㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇKC's note:♥
Eto na yung chapter 3 na hinihintay mo PATRICIA.Siguro naman at satisfied ka na ngayon na natapos ko na'to
Perfect Three - Tragedy
Pabigat ng pabigat ang mga yabag ko habang palapit kami ng palapit sa kinaroroonan nila kuya Z,ni hindi na ako makalakad ng maayos buti nalang at nandito si Nathan na nakaalalay saakin.
Nakaupo si kuya Z sa isang bench habang nakasubsob ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.Nang makalapit kami sakanya ay hinawakan ko ang kanyang balikat na naging dahilan ng pag-angat ng ulo nya upang mapatingin saakin.
Nung sabihin saakin ni Nathan ang lahat ay hindi ako naniwala,pakiramdam ko ay pinagtri-tripan lang nila ako.Pero ngayong makita ko si kuya Z.Pakiramdam ko ay bumagsak saakin ang langit at lupa.
He look so frustrated and hopeless.Walang tigil ang pagbuhos ng mga luha na pumapatak sa mga mata niya.Nang magtama ang mga mata namin ay humagulgol na si kuya at niyakap ako.Malinaw na malinaw na ang lahat,pero ayokong tanggapin,ayokong maniwala at kahit kailan ay hinding hindi ako maniniwala!
Alam kong hinding hindi ako iiwan ni eomma,hinding hindi sya magtatago ng lihim saakin,sasabihin nya kung may problema man,kahit anong mangyari lagi kaming magkakasama.Hindi pa patay si eomma kaya walang dapat iyakan!
Paulit-ulit ko yang sinabi sa sarili ko dahil yan lang ang alam kong totoo at ang dapat paniwalaan ko.
Kahit halos walang lumalabas na boses galing sa bibig ko at tuloy tuloy narin ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko ay sinikap ko paring magsalita.
"Bakit ka ba umiiyak kuya?Wala manang dapat iyakan eh!"kahit nanginginig at halos mabasag na ang boses ko sa sobrang iyak ay nagawa ko paring kalmado ang tono ng boses ko,kahit na sa loob loob ko ay hindi ko na alam ang gagawin para mapakalma ang sarili ko.
Hindi sumagot si kuya pero naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya saakin.
Hindi ko na mapigilan ang hikbi ko.Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko...hindi ko alam kung paano.....basta ang alam ko lang ay,HINDI ITO TOTOO!
Pinilit kong pahintuin ang sarili ko sa paghikbi at muling sinubukang kausapin si kuya...Hindi pwedeng pati sya ay sumuko at maniwala sa kalokohang 'to!
"Tigilan mo na nga ang pag-iyak kasi mukha ka ng timang!,Hindi pa patay si---"hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahol bigla nalang humiwalay si kuya sa pagkakayakap nya saakin at hinawakan nya ang magkabila kong balikat.Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"N..nao-mi....t-tama na....wala na s..si mama"mahinahong sabi saakin ni kuya sa pagitan ng mga hikbi nya...
Gusto kong sumigaw,gusto kong magwala!...hindi totoo ang sinasabi nila!.Hindi pa patay ang mama ko!,pero kahit na anong pilit ko,walang lumalabas sa bibig ko....puro hikbi at hagulgol lang ang lumalabas.Wala na akong nagawa kundi ang umiling at umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/91779167-288-k10659.jpg)
YOU ARE READING
PROJECT: Make Her PERFECT
RandomMay tao bang perpekto? Pwede bang maging perpekto ang isang tao? Paano kung hindi mo naman hinahangad na maging perpekto? Makakayanan mo bang mabuhay sa mundong perpekto para sa iba pero impyerno para sa iyo..... Isang bangungot na pilit mong tinat...