Chapter 16

1.4K 21 1
                                    

Kira POV

"Saan ka galing?" Tanong ni Mark pagkaupo na pagkaupo ko palang sa upuan namin

"Buti nalang wala pa si Sir.. tsaka bakit namamaga yung mata mo? Umiyak ka ba?"

Hindi ko alam ang isasagot napabuntong hininga nalang.. wala din ako sa mood sa sagutin ang mga tanong niya baka ano pang masabi ko

Buong oras ng subj namin wala akong ginawa kundi tumingin sa malayo. Hindi ako nakikinig sa lesson..at hindi din pumasok si Dexter. 2hrs pa naman to tsss

Pag katapos ng subj namin.. agad akong umalis. Gusto kong mapag isa.

Pumunta ako dito sa park. Buti pa dito walang Mark o Dexter akong nakikita.

Nakakainis! I love Dexter I really do pero anong ginawa ko????

"Hey" napatingin ako sa nagsalita

"Art" sabi ko tska siya umupo sa tabi ko

"Bakit ka andito? Diba may pasok ka pa?"

"Uhmm oo. Gusto ko lang mapag isa"

"Dahil ba yan kay Dexter?"

"Pano mo nalaman?"

"Nakita ko kayo" at ngumiti siya sa akin

"Alam mo bang ako ang una niyang nilapitan noong umuwi siya dito?" Napatingin ako sa sinabi niya

"Hah?"

"He's asking me kung papayag ba daw ako na makipagbalikan siya iyo. Pero hindi ako pumayag dahil alam ko lahat ng kalokohang ginawa niya sayo"

"Hah? Ano ibig mong sabihing kalokohan?" Hindi ko gets ang pinagssbi ni Art sa akin

"I guess hindi mo pa alam. Tss. Sabi ni Dexter ssbhn niya na sayo"

Lumipat ako sa harapan niya..

"Ano ba yon? Bakit hindi mo pa sabihin sa akin. Maiintindihan ko naman kung hindi kayang sabhin ni Dexter sa akin e"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

Tumango ako..

"Sigee.. Alam mo ba na sobrang mahal na mahal ka ni Dexter?"

"Oo alam ko yon" sagot ko

"Manahimik ka.. di pa ako tapos. So ayon nga mahal na mahal ka niya. Pero nabulag siya sa panandaliang kasiyahan. In short na bad influence siya ni Celine"

"Celine?! As in Celine na pinsan niya na bestfriend ko? I mean bestfriend natin?"

"Oo" sagot niya

"How? How come?"

"Gumagamit siya ng bawal na gamot. At si Celine? Hindi siya tunay na pinsan ni Dexter. Ampon lang siya. Hanggang sa na fall si Celine kay Dexter. Ginawa lahat ni Celine para makuha si Dexter. Nilasing ni Celine si Dexter at may nangyari sakanya.. --"

"Stop" pigil ko. Dahil hindi ko na kaya pang marinig ang mga susunod na ssbhin niya. Sapat na ang mga impormasyon na yon

Hindi ko alam ang ssbhin ko. Automatic na tumutulo ang luha ko. Hindi ko alam na ganito
Pala ang nangyari this past few years.

Ang bestfriend ko drug user

Ang Ex boyfriend ko naka one night stand niya ang bestfriend ko...

Ano pa? Si Mark din ba may tinatago sa akin? Lahat nalang ba ng mga mahal ko sa buhay may itinatagong sikreto?

Natapos ang araw na to na hindi ko halos pinasukan an lahat ng subjects ko. Panigurado pag nalaman ni Mama to papagalitan nanamn ako

Halos hindi ko nakita buong araw ang tatlo. Si Mark, Dexter at Celine

Exchange Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon