Part 18

1.1K 21 1
                                    

Kira POV

"So alam mong pupunta ako dito?" I asked. Nanonood kami ngayon ng movie A walk to remember. Napagdesisyonan namin na mag movie marathon nlang since hindi kami papasok this day.

Nalaman ko din na dito na sa condo ni Celine titira si Dexter at hindi ko alam kung bakit

"Yep" sagot niya "Mark told me"

"Okay" after I said that.. Tinignan ko yung phone ko para tignan kung nagtext si Mark. I told him na once okay na si Celine itext niya ako pero hanggang ngayon wala pa rin siyang text

"Lets go outside?" Dexter asked

"Akala ko ba dito lang tayo buong araw?" Sabi niya buong araw kami dito sa condo pero biglang nagbago ang isip niya

"Yes, but I realize nakakainip pala. I'm not really fan of movie right?"

He's not a fan of movie lalo na't mga pinili kong movie is mga romantic..

"So saan mo balak pumunta?"

Bigla niya akong hinila palabas "Lets go.." buti nalang at maayos ang suot ko at nakaligo ako kanina.

"Saan tayo pupunta? Baka magising si Celine at hanapin niya ako. Kailangan ko pa siyang makausap" dire-diretso kong sabi. Kailangan namin mag usap ni Celine. Pero hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Dexter.

Napansin ko nalang na nasa NLEX na pala kami

"Bakit nasa NLEX tayo???" Tanong ko

"Basta"

"Hahanapin ako ni Celine"

"Hindi yan" pangiti ngiti pa siya... "Alam naman niya na magksama tayo"

"Paano mo nasabi?"

"Basta.. daming tanong" sungit nito. May monthly period ata to.

After 2hrs na biyahe nakita ko yung Sign na Pampanga

"Pampanga?! Anong ginagawa natin dito?"

Hala bes! Ano nalang sasabihin ni Mama sa akin. Tska hindi pa alam ni Mama na okay na kami ni Dexter.. hindi lang pala si Celine ang kailangan kong makausap, pati din si Mama

"Malayo kasi ang Tagaytay for Skyranch kaya dito nalang sa Pampanga" nakangiti niyang sabi habang ang higpit ng hawak niya sa manobela

"Pwdeng sa Starcity nalang.. mas malapit"

"Boring.. sawa na ako don" edi siya ng sawa sa Starcity. Tss. Ako nga dalawang beses lang ako pumunta doon. Una noong 7th birthday ko buhay pa si Papa non tapos yung pangalawa fieldtrip noong highschool kami

Wala na ako magawa. Hindi na ako makatanggi e andito na kami e.

Pagkapasok palang namin sa Sm Pampanga tinanong na agad ako ni Dexter kung saan ko gusto kumain. Halos parehas lang naman ang mga SM e. May jollibee, mcdo etc

"Kaw bahala" sabi ko habang naglalakad lakad kami.

"It's our first date as couple again, I want it to be memorable" sabi niya while playing with fingers "Lets go upstairs"

Umakyat kami at dinala niya ako sa

FOODCOURT?! Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Sabi niya first date namin to pero sa foodcourt niya ako dinala

"Bakit dito?" Habang naghahanap ng pwdeng maupuan dahil sobrang daming tao. 12:30 na kasi

"Hindi pa kasi ako nakakain dito. If hindi mo gusto dito. Sa iba nalang" hihilain niya na sana ako paalis pero pinigilan

Exchange Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon