GHIGH: GHIGH's CARD

11.5K 405 34
                                    


Chapter 3: GHigh's Card

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 3: GHigh's Card

Alyx's Point of View

"San ka ba nanggaling? Ang tigas talaga ng ulo mo no, sinabi ko ng wag kang aalis dito." May halong inis na sabi ni Sebastian nang makita nya kong nakatayo malapit sa fountain.

Tinignan ko lang at hindi na sumagot sa tanong. Hindi ko obligasyon na magreport sa kanya, tss. Ano sya boss?

Habang naglalakad kami, bigla naman akong nakaramdam ng gutom. "Nagugutom ako."

Tumigil kami saglit at pumunta sya sa unahan ko. "Anong nangyari sa labi mo? Ba't parang may sugat?" Nagulat naman ako nang biglang lumapat ang daliri nya malapit sa labi ko at itinaas ang baba ko para makita nya ng husay ang sugat malapit sa labi ko.

I rolled my eyes and remove his hands on my face. "'Wag mo kong hawakan. Its none of your business! Ang mabuti pa ibili mo na lang ako ng pagkain. Tss."

Napaawang ang labi ni Sebastian. "'Wag mo nga akong ma-english english dyan. Trabaho ko ang bantayan ka, responsibilidad ko kapag may nangyaring masama sayo. Pinagkatiwala ka sakin ng daddy mo kaya-" Pinutol ko ang sasabihin ni Sebastian.

"I said stop." Iyamot na sabi ko sa kanya. "Hindi na ko bata para pangaralan mo, tsaka ano ba? Kung hindi mo lang din ako ibibili ng pagkain, pwes dyan ka na! 'Wag kang susunod!" Nagpatiuna ako sa paglalakad at iniwan na sya doon. Ang dami nyang satsat, bwisit!

__

Pagkatapos kong bumili ng makakain, napagdesisyonan ko ng pumunta sa Principal's Office. Gusto ko ng malaman kung saan ang assigned room ako. Sana lang talaga hindi ko kaklase si Sebastian sa kahit anumang subjects!

"San ka na naman pupunta?" Maang nya sakin nang makita nyang tumayo ako sa upuan.

Inirapan ko na lang sya at hindi na sinagot ang tanong nya. Ang init talaga ng dugo ko sa lalaking 'to! Ewan ko kung bakit, siguro kasi against din sya sa mga gusto ko!

Nang makapasok kami sa malaking Principal's Office, tumambad na agad samin ang itsura ng Principal.

"Good morning." Bati nya nang makita kami.

Ngumiti lang ako pero si Sebastian ay bumati din sa kanya.

"I assumed that you're the daughter of Mr. William Servantes and Mrs. Cindy Servantes?" Malumanay na tanong ng medyo may pagkamid-40s na babae sa'ming harapan. Nakasuot sya ng pulang skinny na dress at nakapusod ng maayos ang kanyang buhok. Well-ordered din ang mga gamit sa kanyang table kaya napag-isip isip kong walang asawa ang babaeng ito.

"Yes," Tanging sagot ko.

Inalok nya kami ng upo pagkatapos noon. "What's your name Hija?" Nakangiting tanong nya sakin habang may chinecheck na kung ano sa monitor na nakalagay sa gilid ng table nya.

Gangster High: Rebirth of the Gangsters -Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon