GHIGH: PERFECT SUBJECT

10K 377 28
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Chapter 4: Perfect Subject

Alyx's Point of View

It's recess time. Mamaya pa daw uwian ang detention namin ng gagong nagpanggap na Professor. Tsss, ngayon lang ako naka-encounter ng ganong klaseng lalaki. Ang lakas ng loob magpanggap! Sabagay, hindi naman maipagkakaila na parang takot ang ilang estudyante sa tindig at tingin ng lalaking 'yon kaya walang makaangal.

"Alyx! " Andito na naman ang gunggong na 'to? Ang laki laki ng school, lagi na lang kaming nagkikita.

Inirapan ko lang sya at hindi na pinansin. Panigurado akong pangangaralan na naman ako nito. Naglakad na lang ako at hinayaan syang nakabuntot sakin.

"Diba sabi ko mabilis lang? Bakit parang nawala ka na buong maghapon. Nakakalimutan mo bang kargo kita?" Hinawakan nya ko sa braso at pinaharap sa kanya.

"Hindi naman kita obligasyon kaya wala akong pakialam kung maligaw ka dito. Napipika na ko sa pangingialam mo ha! Pabayaan mo ko kung saan ko gustong pumunta, wag kang mangialam." Inis na sita ko sa kanya at hinila ko pabalik ang braso ko. "Bwisit." Bulong ko nang umalis ako sa harapan nya.

Hinayaan ko na lang ulit sya na sumunod sakin papuntang canteen.

Habang naglalakad kami papuntang canteen, may mga epal na namang humarang ng dinadaanan ko. Sila yung mga walang modo na nakaaway ko kanina habang nag-iikot ako sa school. For God's sake! Kelan ba nila ako titigilan? Pati ba naman dito sa canteen naghahanap sila ng gulo.

"Nagkita na naman tayo." Mayabang nyang usal nang magkaharap kami. Tinignan ko ang maliit na silver name tag na nakalagay sa suot nyang damit, Niccolo. Ano ba yan? Hindi talaga binabagayan ng name ang ugali nila! Sinamaan ko lang sya ng tingin at hinayaang magsalita ng kung ano ano doon. Hindi ba sya natatakot sa pwede ko pang gawin sa kanya?

Nang bubuksan ko na ang glass door ng snack bar, may biglang pumigil sakin sa pamamagitan ng pagkapit sa likod ng bewang ko. "'Wag kang bastos, kinakausap pa kita."

"Fuck." Inalis ko ang kamay mula sa bewang ko. "Wala akong oras makipag-usap sa katulad mong bastos."

Nang walang ano-ano'y nagulat ako nang biglang tumagsak sa lupa ang katawan ni Niccolo.

"Who the hell are you?" Galit na sigaw ni Niccolo kay Sebastian habang pinapahid ang munti nyang dugo sa labi.

Bago pa makasagot si Sebastian, pinigilan ko na sya at pumwesto ako sa gitna. Mas magkakagulo lang kung hindi ko pa aawatin ang dalawang tigre sa harap ko. Nakakainis na dahil nagsisitinginan at pinapalibutan na kami ng mga estudyante dito. Parang mga sanay na sila sa senaryong katulad nito.

"That's enough, tara na."Hinawakan ko ang kamay ni Sebastian at mabilis na umalis sa gitna.

Hindi na ako pumunta pa ng canteen. I lost my appetite! Sino ba namang gaganahan kumain kung bawat oras na lang puro kalokohan ang mga nangyayari? Ganito ba talaga ang GHigh o I mean, ganito ba talaga ang mga estudyante ng GHigh?

Gangster High: Rebirth of the Gangsters -Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon