GHIGH: DIE FOR YOU

3.6K 169 66
                                    

Chapter 27: Die For You

Sebastian's Point of View

"Fucking assholes!" Pabulong kong mura nang kumirot ang balikat ko dahil sa paghampas sakin kanina gamit ang baseball bat.


Wala pang sampung minuto ay napatumba ko na silang lima. Sinipa ko pa ang isa rito na magtatangka pang bumangon. Gamit naman ang braso ko ay pinunasan ko ang dugo sa pumutok kong labi. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng dugo sa tabi ng kilay ko. Shit.


Napatingin ako sa dinaanan ni Alyx kanina noong nakatakas ito. Alyx can't fight because I know she's lacking of strength kaya mas mabuti pang paunahin ko na s'ya even though I don't want to. I hope she'll remember the password I gave.


Naglakad ako papunta sa green lobby na itinuro ko kay Alyx at habang naglalakad ay hindi ko naiwasang mapangiwi nang hawakan ko ang kaliwang braso ko. Parang nagkaroon ito ng fracture dahil sinalag ko ang baseball bat na ipapalo sana sa tagiliran ko.


"Sakit ah," Bulong ko pagkatapos umiling.


Nang makarating ako sa green lobby ay nagtaka ako kung bakit parang walang nagbago. I didn't turn on the lights because they might see me. Hinawi ko ang nabasang buhok ko sanhi ng pawis at mahinang napamura.


"Shit, where is she? Hindi s'ya nakapunta rito." Mahinang bulong ko sa sarili.


Lalabas na sana ako sa lobby nang biglang tumunog ang maliit na earphone sa tenga ko. Hinawakan ko ito at priness para mas marinig ko ang sasabihin ni Gavin.


"Where are you?" Parehas kami ng tanong at sabay din namin iyong sinabi.


Siya muna ang pinagsalita ko.


"We're here at the basement. Kasama ko na s'ya," Sandali s'yang tumigil sa pagsasalita at parang nahihirapan. "Are you with Alyx?" Tanong nito.


Marahan naman akong napasuntok sa pader at muling hinawi ang buhok ko. "I'm not with her. Sinugod kami ng bantay at pinauna ko na s'yang tumakas para pumunta sa underground but I think, she didn't come here." Paliwanag ko.


Narinig ko naman ang mahina nitong mura bago ulit magsalita. "Where I can meet you? May alam ka ba na mas safe?"


"Underground." Sagot ko. Nandito na rin naman ako sa green lobby kung saan malapit ang underground kaya rito ko na lang din s'ya papupuntahan.


"Okay." Tanging sagot n'ya bago mawala ang connection sa maliit naming earphone.


Gavin know where and how to go in the underground because of me... because I am a Wicked-Shadow and I know all the secret of Wickies. Walang alam si Gavin doon. Hindi rin nila alam kung sino ba talaga ang totoong kalaban. They don't know that their enemy is the one who's beside them from the start, the man who still take care of them and send them in GHigh to get information.


They still don't have any idea who is the leader of Wicked-Shadow. It is Virtouso na mas kilala bilang William Servantes. Their father-- no, I mean, they thought he's their father but it's not. Hindi ko alam ang totoong kwento kung paano napunta kay Virtouso si Gavin at Alyx. I didn't see how he raise his children dahil 5 years pa lang naman akong nagtatrabaho rito sa Wicked-Shadow.


Planado na ang lahat simula noong pumasok si Alyx sa GHigh. Kasama na rin ang pagsama ko sa kan'ya roon para magkunwaring body guard n'ya. Pumasok ulit ako kahit maaga akong natapos sa pag-aaral para lang matuloy ang misyong makuha ang loob ng mga tao sa GHigh. Naging parte lang ako ng Wicked-Shadow because of my father who's now dead. I don't know how he die but I know how Virtouso play his card. Alam kong may kinalaman s'ya rito.


Gangster High: Rebirth of the Gangsters -Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon