"Pa, ang ganda ng bago nating bahay. Sana maging masaya ang buhay natin dito, thankyou pa kase 'di moko pinababayaan kahit wala na si mama" sabi ko habang nagliligpit ng gamit
"Siyempre anak kita pwede ba kitang pabayaan? Tsaka maganda rin itong bahay malapit sa school na papasukan mo at malapit sa restaurant natin"
Tinignan ko si papa, alam ko nahihirapan siya. Alam ko nangungulila siya kay mama pero ano bang magagawa ko? Gusto ko mang ibalik si mama kay papa wala na. Wala na kasi si God na yung kumuha sa kaniya at wala na kaming magagawa...
"Wag ka ng malungkot pa, sigurado ako ayaw ni mama na nakikita tayong malungkot" hinagod ko ang likod ni papa, hayst naaawa ako sa kaniya... Ma, wag mo naman hayaan na malungkot si papa ng ganito.
"Pa, akyat na po muna ako sa kwarto ko magpapahinga muna ako nakakapagod maglipat" wika ko habang paakyat, hindi ko na narinig pa ang mga sinabi niya.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong inilock ang pinto at humiga. Inilabas ko ang cellphone ko umaasang mag rereply pa siya
Kasabay ng paglipat namin ay ang paglimot niya sa akin...
Hindi ko na namalayan na unti unting bumigat ang panakip mata ko at naka tulog sa sobrang pagod......
----
"Ringgggggggg""Ahhhhh! Ang sarap matulog" nag unat muna ako bago bumangon. Panibagong araw na naman at panibagong eskwelahan nanaman ang papasukan ko...
Nga pala, ako si leighxyn Rivera Chua 16 years of existence. May tuwid na buhok na abot bewang, mala manikang mata at tangkad na pang miss universe charot hahaha.
Sinimulan ko na ang mga ritwal ko tuwing umaga at sinuot ang uniform
Magiging masaya kaya ako sa bago kong school?
Nang makababa ako naabutan ko si papa na nagluluto, Kilalang chef si papa mayroon kaming 5 branch dito sa luzon at dalawa sa visayas. Hindi kami mayaman pero masasabi kong sapat ang kinikita ni papa para buhayin at pag aralin sa kilalang paaralan... Ang Xander Tan University, ang sabi sa akin ni papa kaya Xander Tan ay dahil pangalan iyon ng anak ng may ari ng school na magiging kasyosyo ni papa sa negosyo. Binabalak ni papa na bilhin ang canteen ng school para makapag tayo siya ng restaurant sa loob.
Nang matapos akong kumain nag paalam nako kay papa para pumasok
"Pa, pasok na po ako" "muah"
Kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ko, oo may kotse ako. Gaya nga ng sabi ko kanina hindi kami mayaman pero naibibigay niya lahat ng gusto ko, pwera sa isang taong 1 taon ko ng hinihiling. Si Xander Tan....
---
Authors note:Stop muna hehe, makikilala niyo rin si Xander maya maya. Pasyensya kung medyo maikli first story ko to so nag aadjust pako at medyo wala pang idea sa pag cut ng parts thanks for readingggggg mwuah :*

YOU ARE READING
COVETOUS
Novela JuvenilNaranasan mo na ba? yung mag karoon ng isang desire sa isang tao o bagay na alam mong hindi mapapa sayo o may nag mamay ari ng iba?