Hindi ko alam kung bakit,
Oh kung paano,
Pero pakiramdam ko masyadong pamilyar ang mukha mo para sa una nating pagkikita.
Pakiramdam ko matagal ko nang kabisado ang bawat pagkislap ng mga mata mo,
Kung paano mo hawiin ang iyong buhok gamit ng kaliwa mong kamay,
At kung paano kumorba ang gilid ng labi mo sa tuwing ngumingiti ka.
Hindi ko alam kung bakit,
Oh kung paano,
Pero pakiramdam ko parang ibinabalik ako ng uniberso sa'yo.
— Greyc
YOU ARE READING
Dulo't Simula
FantasyNoon pa man, at Hanggang ngayon. Ikaw pa rin, at Sa'yo pa rin.