III

5 1 1
                                    


"CHAD!!!!!! CHAD!!!!!!!"

Imbes na dumiretso ako sa suite ko ay naisipan kong puntahan nalang si Chad. Ang dami kong tanong! Kailangan ko ng sagot! As in now na! Hindi na ako nagbalak pang mag-ayos ng itsura ko though I'm sure I look like shit! Pangsampung tawag ko na 'to kay Chad pero hindi pa rin siya lumalabas! Aba! Ang isang 'to! Baka mamaya nag uwi pa 'to ng isang hooker! I swear to god I will bitch slap him! Natigil ang pagpapantasya ko sa pwede kong gawin sakanila ng lalaki niya ng biglang bumukas ang pintuan sa suite ni Chad. Isang malditong Berchad Zandoval ang sumalubong sakin! Gulong gulo ang buhok at nakatopless lang. Tinapunan niya ako ng iritadong tingin and its intensity matched mine.

"What the fuck, Greyc! Ang aga-aga tapos--"

Hindi ko na siya pinatapos sa kung ano man ang sasabihin niya at dali dali ko siyang hinila at pinaupo sa bakanteng couch sa sala niya. Tinitigan ko siya ng seryoso at pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa. Nagtataka niya akong tinitigan at bago pa man ako nagsalita ay may nakita na akong naglalarong ngiti sa labi niya.

"Tell me, Greyc. Are you here to interrogate me about what happened last night?" He gave me a playful smirk and I was about to slap the shit out of him when he caught my right hand.

"Chad, I deserve a reasonable explanation! I deserve an acceptable reason!"

Bahagya pa siyang natawa sa inasta ko. Okay fine, nakuha ko yang line sa isang sikat na local film at talaga namang very appropriate ang quote na 'yon sa sitwasyon ko ngayon. Di ko na alam kung sisigawan ko ba siya sa sobrang frustration ko oh iiyak nalang ba ako para maawa siya saakin........ To cut the long story short, I ended up screaming at him while crying and begging. I looked like a complete idiot.

"Shhhh, Greyc. Calm down, okay?"

Hindi niya pa rin mapigilang matawa, samantalang nagkakaroon na ako ng anxiety attacks. Huhshet ano bang kagagahan ang ginawa ko kagabi?! Ganon ba ako ka-wasted at wala akong matandaan? Napansin na yata ni Chad na bigla na akong natahimik at hindi ko na siya pinapansin. Kailangan ko na talaga malaman kung ano ang mga nangyari! Hindi ako papatulugin nito! Bigla niya akong ihinarap sakanya kaya natigil ang pag-o-overthink ko, niyugyog niya ako at pinakalma.

"Oo na, eto na nga oh. Magkukwento na."

Inakbayan niya ako at diretso niya akong tinignan sa mata. "Ready ka na ba malaman ang mga kahihiyan slash kagagahan na pinagagawa mo kagabi?" Napalunok ako sa sinabi niya at tinapunan niya ulit ako ng mapaglarong ngiti.

"Here it goes..."

(FLASHBACK)

"Greyc!!!! Gising!!!!"

Nakaramdam ako ng bahagyang pagtapik sa may kaliwa kong braso. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Chad na sa tingin ko'y wasted na rin dahil sa bloodshot eyes niya. Luminga linga ako sa paligid namin at nakita kong iilan nalang kaming nandoon. What the hell?! Nakatulog pala talaga ako dito?

"Tapos na ba? Uuwi na tayo?"

Dahan dahan kong menasahe ang sentido ko. Shoot! I really should refrain myself from moving kundi isusuka ko lahat ng kinain at ininom ko dito. Napahawak ako sa braso ni Chad para tuluyang iaangat ang sarili galing sa pagkakaupo.

"Yes! Let's go, girl!"

Ipinatong ni Chad ang aking kaliwang braso sa batok niya at ipinulupot niya naman ang kanang braso niya sa beywang ko. Binigyan ko siya ng malagkit na tingin at kahit na lasing ako, ay nakita ko pa rin kung paano nag 360 degrees eye roll ang mga mata niya. Napansin kong hindi na ako tuwid maglakad at dahil dyan mas inilapit ko pa ng husto ang katawan ko sakanya at mapaglarong inilapit ang nguso ko sa pisngi niya. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya at bahagya akong natawa sa reaksyon niya. Sus! Choosy pa talaga siya ha!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dulo't SimulaWhere stories live. Discover now