"Girl, sure ka ba na okay ka na?"Nilingon ko si Chad na ngayon ay nagsusuot na ng kanyang sapatos. Kanina pa siya nagaalala saakin, hindi ko naman siya masisisi kasi maging ako'y nalilito sa mga pangyayari. Pag dating namin ng hotel ay humahagulgol pa rin ako sa di ko malamang rason, walang ibang ginawa si Chad kundi patahanin ako. Dala ng pagod, nakatulog ako agad at ngayon na nga na pagkagising ko ay niyaya ko siyang mamasyal at kumain sa labas.
"Of course I'm okay, don't worry about me."
I gave him an assuring smile and I continued brushing my long brown hair. Suot ko ngayon ang isang simpleng puting fitted dress na lampas tuhod at isang pares ng nude heels. As for my make-up, light lang ang ginawa ko, hindi naman kami magpaparty ni Chad. May sinuggest siyang place just around the corner kung saan pwede kaming mag unwind, syempre hindi mawawala ang liquor no! Drinks on him nga eh. I grabbed my nude pouch and now I'm all set. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naabutan kong nakatulala pa rin si Chad saakin.
"Ano? Type mo na ba ako ngayon?" I gave him a fierce look and I flipped my hair para mag mukhang seductive. Pero tanging pagkamuhi ang nakita ko sa mga mata niya.
"Ang laswa mo, girl! Kinakabahan na talaga ako sa'yo!"
Tumayo na siya at bahagyang inayos ang kanyang itim na pullover at tinupi niya hanggang siko. Naglakad ako palapit sakanya at tinulungan ko siyang ayusin ang sleeves niya. Unlike my taste, Chad's into dark colors. Kaya sobrang nagcocontrast ang kulay ng outfit namin ngayon. But oh well, we somehow balanced each other. Tinignan ko ang repleksyon namin ni Chad sa wall sized mirror, one look at us and I know that people may conclude that we're a couple. After all, we really do look like one! Isinantabi ko na ang mga impossibleng imahinasyon ko at niyaya ko nang umalis si Chad. Ipinatong niya sa braso ko ang isang gray leather jacket dahil daw baka lamigin ako mamaya. Sus! If I know ayaw lang niyan na mag sleeveless ako kasi lagi nalang daw saakin nakatingin ang mga lalaki. Overprotective ba siya? Uhh, nope! Kasi, gusto niya na sakanya naman daw tumingin! Nakakaloka 'tong isa to.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng suite ko ng bigla nalang kusang tumigil ang mga paa ko sa harap ng pintuan ng katabi kong suite. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba pero habang tinititigan ko ang pintuan ng suite na to ay para bang may nagsasabi saakin na pumasok ako dito. Huhshet I'm getting weirder every hour! This is so not normal.
"Chad, nararamdaman mo ba iyon?" Nilingon ko ang nagtatakang mukha ni Chad.
"Ano nanamang drama mo girl? Anong nararamdaman? Bakit? May bad energy ka bang nasesense sa hotel na 'to?!" Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Chad at binalewala ang mga pinagsasabi niya I know I'm being impulsive but I just wanted to take a peek from whoever's inside of this room. Hinawakan ko ang doorknob and I was about to turn it ng bigla akong hinila ni Chad palapit sakanya.
"Greyc?! What the fuck are you doing? Gusto mo bang maakusahan tayo ng trespassing?" His furrowed eyebrows gives off a lowkey warning that I shouldn't continue whatever it is that I'm planning to do.
Hinila niya ako papunta sa harap ng elevator at saktong pagbukas ng metal na pinto nito ay ang pagbukas rin ng pintuan ng katabi kong suite. Biglang kumalabog ang dibdib ko at halo halong mga bagong emosyon ang nararamdaman ko. Bago ko pa man makita kung sino ang nasa loob ng kwartong yun ay hinigit na ako ni Chad papasok ng elevator. Parang bula na naglahong bigla ang mga sensasyon na naramdaman ko kanina lamang. Napatingin ako sa magarang salamin na nakapalibot sa dingding ng elevator. I found myself wiping off a tear or two from my eyes before Chad could even see it. What the hell is wrong with me? Why am I having a sudden outburst of foreign feelings? Siguro malapit na ako magkaroon ng period?
"Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Hindi na ako kinakabahan sa'yo, In fact natatakot na ako!" Bahagyang umiwas saakin si Chad at nakita ko sa mga mata niya ang pagaalala. "This is so not you, Greyc. Please tell me what's going on." And with that being said, ikinukwento ko sakanya lahat ng nangyare sa panaginip ko habang nasa byahe kami papunta sa isang local bar.
YOU ARE READING
Dulo't Simula
FantasyNoon pa man, at Hanggang ngayon. Ikaw pa rin, at Sa'yo pa rin.