Yassi's POV
Sa wakas na tapos na yung task ko. Ang alam ko pag nanalo ako dito, may chance ako makapasok sa dream team.
"Yassi, pasok tayo!" Aya saakin ni nonong na kabatch ko.
*brrrrr* " aircon sa loob eh."
Napatingin ako kay tanner kase bigla siyang umalis.
Nagulat ako ng bumalik siya na dala na yung gamit ko.
Woah... Nung unang kita ko pang sa kanya mukha siyang mannequin, maputi, matangkad pero ang pinaka nakaka attract sa kanya is yung pagiging gentleman nya..
Nagdecide na kaming pumasok at dumiretso na ko sa cr para magbihis.
Paglabas ko nakita ko si Baninay,Cora, Aura. Nilapitan ko sila. Well, hashtag#Friendly hahaha.
"Hi!" Bati ko sa kanila
Binati rin nila ako, at nagchikahan kami ng nagchikahan. Hahaha. Nung inabot na ko ng uhaw, nagpaalam muna ako na iinom lang ako ng tubig.
Pag punta ko sa kusina nadatnan ko si Kuya Jerome na nagluluto.
"So... Ikaw talaga nagluluto?" Sagot nya "hmmm."
"Anong work mo sa labas?" Tanong ko ulit. Okay, ako na chismosa.
"Nagstart ako as a Nurse, traveler nurse. Na promote as assistant director kaya parang sinuwerte ako bago umuwi."
"Bongga.." Sabi ko.
Nandito rin pala si Tanner, Kaya chinika ko narin. Hahaha
"You Tanner, Where are you from?"
Tanong ko."Colorado.." Simple sagot niya. Ang tahimik niya, mukhang mahiyain.
"Colorado.. Uhmm. You're based there or here?"
"There."
"Ilang months kana sa ph?" Tanong ko.
"4 months and a half." Sabi niya habang may ginagawa siya sa lababo.
"Infairness ah! You speak quiet a lot ah."
"Nako! Dito yan natuto!" Sabi ni kuya jerome.
"Inside the house? Wow."
"Oo." Sagot ni kuya jerome.
"Dito lang." Pa slang niyang salita. Tch. Cute.
Tumahimik ulit kaya nagtanong ulit ako.
"When is your birthday? When is everyone's birthday?" Tanong ko.
"Si Cora sa Thursday." Sabay pa nilang sabi.
"Wow, malapit na."
"Ikaw kailan birthday mo, yassi?" Tanong ni kuya jerome.
"Ako.. May 11."
"May 11??" Parang gulat na tanong ni tanner.
"Siya! May siya... May --" hindi na natuloy ni kuya kuya siguro di nya alam hahaha yung may lang talaga alam nya.
"May 12..." Sagot ni tanner.
"May 12?!" Gulat ko din tanong. Tadhana na ba to? Hahaha wait, yas! Wag mag assume baka masaktan ka lang okay?
--
Fast forwardNandito na kami sa lamesa. Tahimik ng onti pero biglang nagtanong si tanner.
"So.. You grow up in the philippines?"
"Me? Yess...when i was 6 years old and i have 6 dogs."
"Wooowww"- housemates
"Ako din." Sabi ni tanner.
Myg tadhana bakit ka ganyan? Please wag mo kami paglaruan.
"Ikaw riiin??!"
Nagtanong uli ako. Kase alam nyo yun? Yung di mo na alam isusunod mong isagot? Hahaha
"Ano na yung pinakanamimiss nyo?" Tanong ko
"Cookies." Mabilis na sagot ni tanner.
"Oreooooos *0*"
Tanner, pumasok ka sa confession room.
Kaya ayun, pumunta siya sa confessiong room, hindi rin naman siya nagtagal. At in announce nya na yung sinabi ni kuya. Magshoshowdown kami ni Baninay sa pag te twerk. At ka group ko si Tanner and kuya jerome.
Pero hindi ko na ikukwento dahil sila baninay ang nanalo... Eh ang premyo pala nun ay cookies. Naguiguilty tuloy ako. Kase walang cookies si tanner. :3
Ayun, chikachikahan lang kami pero maya-maya lalabas muna ako ng bahay kase may aasikasuhin ako sa labas.
Paglabas ko naalala ko si tanner... Gusto nya talaga sa cookies.. Ano kaya kung dalhan ko sya? Pwede naman daw sabi ni kuya. Kaya ako pumunta ako sa market binilhan ko siya ng 7 na cookies. Yung isa ibibigay ko sa kanya pero yung 6 itatago ko sa iba't ibang parte ng bahay kase nga kung gusto mo ang isang bagay, kailangan no itong paghirapan.
Pero yung last na cookies hindi nya mahanap... Kaya pinili nya yung consequence. Lumapit na ako sa kanya... At inapak ko ang mga paa ko sa kanya... Anlapit namin sa isa't isa...
Lumalakas ang tibok ng puso ko pero Hindi dapat yassi! Wag ka mag expect, wag ka mag assume! Gusto mo ba bumalik sa camp sawi kung magkataon?!Ayun, at inumpisahan namin maglakad napatingin ako sa kanya.. Ang lapit na ng mukha namin... Tapos bigla pa siyang ngumiti.. Ngumiti nalang din ako at inenjoy itong mga oras na ito.
Nung nakarating na kami sa room ng girls, tinuro ko na kung nasaan yung last na cookies. Ngumiti siya ng malaki at sabay na kami lumabas sa kwarto ng girls pero nagulat ako nung yinakap nya ko....kaya yinakap ko na lang din siya.