LEARN TO UNLEARN

12 0 0
                                    

Hirap. Sakit. Bigat. Lungkot.

Apat na salita. Apat na pakiramdam na unti-unting pumapatay sa kasiyahan ng isang tao.

Hindi ko alam kung bakit ikaw pa rin. Halos isang taon na rin nung naghiwalay tayong dalawa. Sa maniwala ka't sa hindi, walang araw na hindi ka nawala sa aking isipan. Inaalala yung mga panahong magkasama tayong dalawa. Inaalala kung gaano tayo naging masaya. Inaalala, kung paano natin ipinaglaban ang isa't isa.

Ngunit mahirap at masakit mang tanggapin, pero alam kong wala na talaga. Hindi na mauulit muli ang mga alaalang nabuo natin. Yung mga pangarap na magkasabay nating binuo, unti-unti na din itong guguho kasabay ng hanging hindi ko alam kung saan patutungo. Hindi ko na mahahawakan muli ang mga kamay mo na nagpaparamdam sakin na ako'y ligtas pag ikaw ang kasama ko. Wala ng magpaparamdam sa akin na masarap pala talagang mabuhay sa mundo lalo na pag ikaw ang kasama ko. Wala na'ng lahat ng iyon.

Ngunit mahirap man, dapat ko na ding tigilan ang matagal na pag-asang naglalaro sa isipan ko na baka pwede pa ulit. Na baka parehas lang tayong nagpahinga para pag pinagtagpo tayong muli, handa na tayong pumasok ulit sa relasyon na may pangako ng panghabambuhay na magkasama nating haharapin. Na baka pag nagkita tayo ulit, tama na ang mali at pwede na ang hindi.

Tama na. Nakakapagod na rin. Nakakapanghina na rin. Araw-araw kitang hinihintay kahit alam kong wala naman akong hinihintay.

Tama na. Sobra na akong nahihirapan. Alam kong masaya ka na at masaya na rin ako para sayo. Yan naman ang pinangako ko sayo simula palang nung maging tayo. Ang maging masaya ka, kahit hindi na ako ang dahilan ng kasiyahan mo.

Tama na. Dapat ko ng putulin ang pag-asang nakabaon sa puso at isip ko. Alam kong wala na. Alam kong tapos na. Alam kong wala ng naghihintay para sa ating dalawa.

Alam ko na darating din yung panahon na mawawala na'ng lahat ng hirap at lungkot na nararamdaman ko sayo. Darating din yung panahon na hindi na ikaw ang unang maiisip ko pagkagising ko sa umaga, at huling tao na maiisip ko bago ko matulog sa gabi. Darating din yung araw na hindi na ikaw ang hinahanap ng mga mata ko kahit saan man ako magpunta.

At alam ko, darating din yung panahon, na hindi na kita hihintayin, at hindi na ako aasa.

- C

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LEARN TO UNLEARNWhere stories live. Discover now