But....

33 0 0
                                    

10:10am

UST Lover's Lane

Dalawang minuto. Dalawang minutong nakatayo sila Stef at Matt sa gitna ng Lover's Lane. Dalawang minuto ring nagdikit ang kanilang mga labi. Lahat ng tao na dumadaan, kinikilig sakanila. Ang sweet ng postura nila talaga. Nakahawak pa si Matt sa likod ni Stef. Parehas silang nakapikit. Kung tutuusin, pagkatapos ng dalawang minuto na ganun, karamihan nang mga magkasintahan, abot tenga ang ngiti. Kaya lang,  sila Stef at Matt, iba ang sitwasyon. Yung tawanan na may halong kilig, nauwi sa...

'OUCH!'

Malakas na sigaw ni Matt. Napatingin ang mga dumadaan sa lakas ng sigaw niya.

'What's your problem huh?' dadgdag niya, habang hinihimas ang pisngi na kakatapos lamang suntukin ni Stef.

'Seriously? What's my problem? Huh.' sagot ni Stef, masamang masama ang tingin kay Matt.

'Bakit, hindi ba yan naman talaga gusto mo? Yan lang naman talaga gusto ng mga babae sakin. O ayan. Binigay ko na sayo, nagiinarte ka pa. If I know pag alis na pag alis ko tatawagan mo best friend mo at  kung sino sino pa at ipapagyabang mo na hinalikan kita.' sabi ni Matt, may bakas ng ngiti sa labi niya. 'Don't worry, sanay na ako. Girls are like that talaga.' dagdag pa niya.

Lumapit si Stef sakanya ng isang hakbang, isang kamay nakahanda na para sampalin siya. Nakahanda na si Matt masampal talaga. Umiwas na nga yung mukha niya eh. Mga ilang segundo rin sila nakaganon bago ibaba ni Stef ang kamay niya at tinignan saglit si Matt.

'Ba...' simula ni Matt. Nakangiti pa siya. Pero di na niya natapos. Sabay ng pagbukas ng bibig niya ang pag irap ni Stef sakanya at kasabay nito ang pagtulo ng luha niya. Binangga siya nito bago siya tuluyang iwang nakatayo magisa sa Lover's Lane. Nawala ang ngiti sa labi ni Matt.

10:50am

UST MAIN BUILDING

1F CR

STEF'S POV

'May tao ba?'

'Ewan. Kanina pa sarado yan eh. Baka under maintenance.'

'Hindi. May paa oh. Baka nagpoopoo. Hahaha.'

Eh di maghanap kayo ng ibang cubicle. Naisip ko. Actually kanina pa ako dito. Habit ko na to noon pa. Pag naiiyak ako, Nagtatago ako sa CR. Hindi ko rin alam bakit. Hindi siya hygienic pero eto lang yung way para malabas ko yung sama ng loob ko. No, hindi ako nagpoopoopoo pag ganun noh. Nakaupo lang ako sa seat ng toilet bowl and I cry. I cry till wala na yung sama ng loob ko.

Oo, masama loob ko. First kiss ko yun. Hindi kapanipaniwala noh? Madami nagsasabi niyan. Pababy effect daw ako. Pero anong magagawa ko? Hindi ako nagbboyfriend. Hindi sa ayaw ko ha. Matagal ko nang gusto maexperience. Pero ayaw ng parents ko. Hindi ako makatakas. Once, may nanliligaw sakin, nakahalat sila, pinaimbestigahan nila. Natakot si guy, di na nagparamdam sakin kahit kelan. I was starting to like that guy. Naisip ko tuloy asan na kaya siya. Anyway, since first kiss ko yun, I wanted it to be special. Corny pero totoo. Gusto ko yung feel na feel ko siya dahil mahal ko yung tao. Kaya I am so disappointed.

Pinahiran ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. Stef, kiss lang yan. Walang meaning. Walang kahit ano. Sabi ko sa sarili ko. Binuksan ko ang cubicle. Nagulat ako haba ng pila. Lahat sila nakatingin sakin. Siguro kasi halatang halata na umiyak ako. Di ko sila pinansin. Deretso ako sa sink. Naghugas ng mukha, nagmake up. Pag tingin ko sa relo ko, 10:55 na. Male-late na ako. Tumakbo ako ng mabilis paakyat sa third floor.

10:58am

Room 315

UST Main Building

Matt's POV

10:58am. Dalawang minuto na lang. Wala pa rin siya. Pano ko alam? Malamang, magkatabi kami. Hindi ko alam bakit ganto ang blockmates ko. Parang high school pa rin sila. Isang prof lang nagsabi na alphabetical order, di na nagbago ng seating arrangement. Hayyyy.

Tumingin ulit ako sa relo ko. 11:00am. Late na siya. Pero late din yung prof kasi wala pa. Ano ba namang school to. Ta-try ko na nga munang matulog. Mas gusto ko matulog kesa makijoin sa ibang mga nagsisimula nang magkakilalanan.

Hindi pa man ako nakakapikit may kumalabit sakin. Iniangat ko agad ulo ko dahil akala ko siya na. Pag tingin ko, hindi siya. Pero babae din. Maganda siya, sa totoo lang. Mahaba ang buhok. Maputi. Sexy. Kikay rin. Super kikay base sa make up niya at sa red nails niya.

[Kath's picture on the right side. ^_________________________^]

'Hi.' Sabi niya. Ngumiti siya at napansin ko agad ang dimples niya. 

Ngumiti ako. 'Hi.'

'So, I'm Kathrice. You can call me Kath.' sabi niya, sabay alok ng kamay niya.

Tinignan ko kamay niya bago ko ito kinuha. Ang lambot. Siguro princessa to sa bahay. Tulad ko, buhay donya din to sigurado. 'Matt.' sabi ko.

Pagkatapos nun, naupo siya sa tabi ko. Nakipagkwentuhan. Sa totoo lang wala ako sa mood makipagkwentuhan pero magaan siya kasama. Galing rin siya sa mayaman na pamilya. Sabi na eh. Anak naman ng sikat na businessman. Pero siyempre tingin ko mas mayaman kami. Kami pa. Tuwa siya nung nalaman niya na home schooled ako. Di niya siguro expected na may ganun kayaman sa Pilipinas. Sa paguusap namin, alam ko na agad na attracted siya sakin. Siguro ako din konti. Ayoko sa easy girls pero si Kath kasi ang gentle niya. Parang napakainosente. Di tulad ng iba.

Hinaharot ako ni Kath. May kiliti raw ba ako kasi napakaseryoso ko raw. Kanina pa raw kami naguusap, di man lang ako tumatawa kahit tina-try niya ako patawanin. Hinahanap niya kiliti ko at hinuhuli ko ang kamay niya. Maya maya, huminto siya, sabay sabi ng 'Oh, sorry.'

'Huh, bakit?' Sabi ko. Dun ko napansin na hindi pala ako ang sinabihan niya.

Sa harap niya, nakatayo si Stef or Stefy, nakatingin sakaniya.

'It's okay. Wala pa din naman palang prof. I'll go out muna.' sabi niya, nakangiti, sabay talikod, palabas ng room.

Parang may naramdaman ako nung ngumiti siya. Di ko maisip kung ano.

Keeping The Promise. (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon