First time.

8 1 0
                                    

08:30am

Laboratory

Stef's P.O.V.

One week. One week na din nakalipas simula nung first day ng school. Okay lang naman. I don't have a lot of friends. Actually, si Kath lang ang kaclose ko talaga. I'd rather be alone than to join big groups of people. Pero pag iniinvite ako ng certain groups ng block namin, siyempre sumasama ako out of courtesy.

Sa bahay, wala. My parents are still as cold towards me as always. I'd prove them wrong, I swear. Magaaral akong mabuti if that's what it takes for them to stop being cold.

Kaya andito ako ngayon kahit na ayoko ng kurso ko. Bio101 lab namin ngayon. Second meeting namin to. Pero first lab work. Last meeting kasi intro lang. At naaalala niyo pa ba? Oo, kapartner ko si Dela Merced. Nandun kami sa may harap.

'Class, get your microscopes now. By table. Leave your I.D on the counter.' Sabi ng prof.

Tinignan ko si Dela Merced. Tulog. Ano ba yan. Paano kami kukuha ng microscope. Nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya at bumulong.

'Huy. Gising ka na. Kelangan daw natin kumuha ng microscope e.'

Wala. Di man lang kumilos.

*Poke*

'Huy. Ano ba! Di ako pwede bumagsak dito.'

Wala pa din.

AH GANON? Sinipa ko yung isang foot ng chair na innupuan niya. Nahulog yung arms niya na gingawa niyang pillow. Nauntog ulo niya dun sa counter.

0________________________0

'OUCH! T@*Gsha!?@**!!!! What the h*ck is your problem?!'

0______________________0

Scary.

'Ano?! Di ka sasagot?!'

0_____________________0

Tongue-tied. Super scary.

'Ganyan ka ba talaga papansin?! Binigay ko na nung isang linggo pa ang gusto mo diba? Sa lover's lane?! Gusto mo ba malaman pa ng lahat ng tao dito kung ano yun?!'

Binigay? Gusto ko? Wag niyang sabihin na yung kiss yun!

 'Excuse me. Ginigising kita, ayaw mo magising! Bakit pumasok ka pa?!' sagot ko. Namumula na ako sa galit at tumataas na boses ko.

'EH ANO BANG PAKI-' simula niya. Pero huminto siya kasi may humawak sa likod niya.

Matt's P.O.V.

Ang aga agang pang inis ng babaeng to! Anong akala niya sakin? Bingi? Gusto ko sana suntukin mukha niya nung bumulong siya sa tenga ko eh. Sa lahat talaga ng minamalas sa mundong ito, ako ang one time bigtime.

Hindi ko na lang papansin kasi baka mamaya lal----

'OUCH! T@*Gsha!?@**!!!! What the h*ck is your problem?!'

Tinignan ko siya. I don't know how I look but she looks kinda dazed. At nairita ako dahil mukha siyang tanga.

'Ano?! Di ka sasagot?!'

Nakatingin lang siya sakin ang laki ng mata niya. Inis na inis ako sa babaeng ito talaga. Bawat feature niya, parang gusto ko sigaw sigawan. UGH. Ayaw mo talaga ha?

'Ganyan ka ba talaga papansin?! Binigay ko na nung isang linggo pa ang gusto mo diba? Sa lover's lane?! Gusto mo ba malaman pa ng lahat ng tao dito kung ano yun?!'

YUNNNN! Matt - 1/ Stefy- 0! Kitang kita ko na namula siya. Yee-ha! Tatalikod na sana ako. End of conversation na para sakin. Kaya lang...

 'Excuse me. Ginigising kita, ayaw mo magising! Bakit pumasok ka pa?!' 

ABA AT TALAGANG HINAHAMON AKO NG BABAENG 'TO.

'EH ANO BANG PAKI-' Simula ko. Kaya lang may humawak sa likod ko.

Hindi maganda 'to. Mainit ang ulo ko at kung sino ka man, baka hindi maganda pakisama ko sayo. Pasensyahan na lang tayo, ser! Humarap na ako at napatikom ang bibig ko.

Si Kathrice.

'Ano ba yan. Ang aga aga, you two are arguing. Wag na kayo magaway noh. Baka marinig kayo ni prof! ^_^' Sabi niya. Nagsmile na naman siya.

Ang ganda niya. Ang ganda ng dimples niya at...

ang sexy niya.

0_________________0

MATT! Ano ba naman yang isip mo. PERV ka talaga.

Hindi uy. Lalaki ako kaya ako ganto magisip. Shupi ka muna, conscience ka.

'Tss. Yang kaibigan mo ang sabihan mo.' Sabi ko sabay walk out. Makakuha na nga lang ng microscope.

Pumunta ako dun sa counter. Mahaba pa rin ang pila. Sabagay, mas okay na 'to. Kesa naman yung andun ako kasama yung babaeng yun. For some reason, nagiinit ang ulo ko sakanya. Don't get me wrong, I'm trying to like her. Pero, I don't know.

Tatlong tao na lang tapos ako na. Lahat sila katabi partner nila. Sus. For what.

2 tao na lang.

1 tao na lang.

Nung ako na...

'Boss, kailanga yung ID niyo na magpartner.'

'Para san, kuya? Wag na. Walang kwenta yung partner ko. Este, wala siya. NagCR yata.'

'Tawagin mo tapos pila ka ulit. Bawal isang ID lang eh. Ako mapapagalitan ng prof niyo. Sorry.'

Ah, lintik! Kainis talaga. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang ikinabwiset ang apelido ko. Kung hindi ako Dela Merced, sana di ko kapartener yung babaeng yun. Bumalik ako sa seat ko. Nakaupo si Kathrice. Naguusap sila. Pag lapit ko, tinignan ako ng masama ng Stefy na yun. Si Kath naman nagsmile.

'Hoy. ID mo akin na.'

'Ayoko nga. Baka itapon mo pa.'

'Bilisan mo.'

'Eh ayoko nga e. Manigas ka.'

'Pwede ba? Ibigay mo na lang.'

'Manigas ka. Kathrice, labas muna ako ha? Naaalibadbaran ako dito. MAY MASAMANG HANGIN.'

Masamang hang---

'ANO TINAWAG MO SAKIN?!'

Tinignan niya lang ako at di dumerecho sa paglalakad. Tinatalikuran ako?! Dumerecho ako at...

'KYAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!'

STEPH'S P.O.V.

'KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!'

Binuhat ako ni Dela Merced. At kahit mukha akong baboy dahil yung mukha ko ay nasa likod niya at yung paa ko ay kakawag kawag sa may mukha niya, kahit pano, may naramdaman ako.

Yes.

Ngayon lang ako binuhat ng lalaki.

^__________________________^

Oh no.

Kilig ba 'to?

Keeping The Promise. (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon