Whaattttttt?!

16 0 0
                                    

11:15am

UST MAIN BUILDING 3F

Stef's P.O.V.

Tama nga sabi nila. Pag talaga first day, walang prof lagi. Gaaahhh. Sunod sunod lang kamalasan ko.  Ngayong araw. :( Ayaw ko man manisi, pero siguro kung kumuha ako ng kurso na gusto ko, hindi puro bad vibes ang makukuha ko ngayon. Chineck ko relo ko. 11:15am. Di ba dapat free cut na? Kaso, baka dumating yung prof, malinitikan pa ako. First year na first year, alam ang cutting. And besides, may class pa din naman kami after nito kaya babalik at babalik din ako.

Haaayy. Eh pano ba yan? Nandun sa upuan ko yung isa naming magandang blockmate. Kaharutan pa yung mayabang na lalaki. Sus. Matapos niya akong halika----.. STOP. Ayokong isipin. Pero teka. Walangyang lalaki yun! Bakit niya ako hinalika----.. UGH! Enough, Stef. Papasok na lang ako uupo sa ibang seat habang wala pa ang prof.

Pag pasok ko, tahimik na naman lahat. Sorry naman haaaa. Di ko sinasadya na malakas pagbukas ng pinto. Di ko naman kasalanan na 400 years na ang UST. Malay ko ba kung pati pinto hindi pinapalitan. Ay teka nga. Ano ba pinagsasasabi ko. Seat. I need a seat. Ayun sa dulo.

Dumerecho ako dun. Ramdam ko nakatingin pa din sila sakin. Awkward naman. :| So, pinatong ko na lang ang ulo ko sa kamay ko at nagkunyari na matutulog ako. Maya maya.

*Poke*

'HAHAHAHAHA!'

Oops. Tinaas ko agad ulo ko. Nakatingin lahat sakin. At sa tabi ko, may isang babae na nakatingin. Eto yung kaharutan nung mayabang na lalaki kanina eh. Naupo ako ng derecho at tumingin sakanya. 

'So-Sorry. Malakas kasi talaga kiliti ko. Napalakas tuloy tawa ko.' Sabi ko, habang nakatingin pa din sakanya. Grabe, ang ganda niya.

'Okay lang yun, ano ka ba. Kathrice Young. You can call me Kath.' Sabi niya, sabay abot ng kamay niya. Shinake ko naman.

'Stefani De Fierro. Stef na lang.'

Tapos nagsmile siya. Sa sobrang ganda niya, tingin ko, magiging lesbian na ako sa babaeng ito.

'Uhm.. so bakit pala? May itatanong ka ba?' tanong ko.

'Wala lang. Just wondering if we could be friends? I was roaming around since kanina pa. Introducing myself to people. Ayoko talaga ng feeling ng being alone e.' 

'Ahh. Don't worry pag may kailangan ka, you can always approach me.'

'Talaga?! Wow. Ang sweet mo naman! Gusto mo sabay tayo pag break time?'

'Okay lang. Wala ka bang ibang kasabay pa?'

'Wala eh. Yung iba kasi parang nilalayuan ako for some reason. :(' sabi niya. Nakapout pa siya. Parang bata lang. Pero ang cute niya talaga.

'Ang ganda mo kasi, Kath. At halatang halata na super yaman niyo. :)'

Namula siya tapos pinalo niya yung braso ko. Nagulat naman ako.

'Ikaw naman! Basta mamaya ha! Wala pa naman prof. Kwentuhan muna tayo!'

Tapos ayun. Nagkwentuhan nga kami. At nalaman ko na mayaman nga siya. Favorite color niya pink. Only child siya. At wala siyang friends talaga. Lahat raw lumalayo sakanya dahil natatakot sa sobrang yaman nila.

'Pero alam mo, yung guy na yun. Si Matt, hindi siya naaamaze sa yaman namin! Mas mayaman raw sila. Natawa nga ako eh. Grabe. Ang pogi niya din noh? Suplado nga lang. Pero mabait naman sakin kanina nung ako unang nagapproach.' sabi niya.

Napatingin ako kay Matt na nung oras na yun eh tulog na naman. Tss. Pogi? Oo, pogi pero adik! Isa siyang adik! Una, namumula ang mata. Pangalawa, nanghahali--- STOP. Basta kung ano ano ginagawa niya randomly.

''Stef? What's wrong?'

'Ah eh, wala, Kath. Oo nga. Siguro nga may pagkasuplado lang siya.'

'Hayyyy. Kapag ganyan siya ng ganyan lalo ako nagiging interested sakanya. :('

Napatingin ako kay Kath. Nakapout na naman siya. Napangiti naman ako. Parang ang sarap niya maging kaibigan. Siguro kasi alam ko ang feeling na maging Ate dahil ate din naman ako sa bahay. Feel na feel ko na gusto ko siyang alagaan as a big sister, kahit magkaedad lang kami.

*Dudududu.. Dudududud... Dudududud..*

Hm. Bell? Ano ba yan bakit ganun ang tunog. Parang tulad nung napapanuod ko sa JDramas. Maya maya, pumasok na ang prof.

'Sige Kath ah. Balik muna ako sa harap. Baka kasi by alphabetical order din gusto nitong prof.'

'Sige. Mamayang uwian sabay tayo ah? Gusto ko lagi ikaw kasama ko ah? Friends na tayo di ba?'

Ngumiti ako sakanya tapos um-oo. Bumalik na ako sa seat ko.

Dahil first day, wala. Intro na naman about sa sarili.

Pag tingin ko sa relo ko, time na.

Nagaayos na ako ng gamit ko. Di naman din ako nakikinig eh. Tapos biglang nagsink in sa utak ko ang last na sinabi ng prof.

'Yung mga katabi niyo, sila din lab partners niyo sa laboratory subjects niyo ha. Wag na yung kayo pa mamimili at mahirap yung magulo pa.'

Parang nagkamini heart attack ako. Binilang ko agad by two's yung nasa first row.

*Gulp*

Okay. Kapartner ko lang naman sa lahat ng laboratory subjects si Mr. Dela Merced.

Help me, Lord.

Keeping The Promise. (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon