Chapter Two

32 5 0
                                    

Serenity

Patakbong palakad na ang aking ginagawa dahil hinahabol ko ang oras, na sana wala pa ang prof namin sa 1st period. Bakit ba kasi ako nagpuyat?

Aish kainis!

Kaya ngayon nagkakandahika na ako kakamadali tinanghali kasi ako ng gising, obviously.

Si Kuya o si Mama hindi manlang ako ginising. Nagalit nga ako sa kanila eh ang katwiran naman nila- akala wala akong pasok kaya hindi pa ko bumabangon .

Sa susunod sandamakmak na alarm clock na ang itatabi ko sa pagtulog.

Pag akyat ko ng hagdanan, butog butog na ang pawis  ko at pagod na ako. Pero kailangan ko pang habulin ang klase.
Pinilit Kong maglakad papunta ng classroom.

Pagpasok ko bumungad sakin ang mga nagkakagulo kong mga classmates.

Nakakasar! Nagmadali pa naman ako para makapasok agad tapos ito lang ang bubungad sakin?!
Kulang na lang gumapang ako kanina, tapos-hays!

" Serenity?! Serenity! Ikaw nga! Anyare sayo Sis? Saan ka bang giyera sumabak? Ba't ngayon ka lang ?!"
Pagbungad sa akin ni Abby.

Eh sino pa ba mahilig magsisigaw?

Hawak niya ang magkabilang balikat ko saka niya ako pinagyuyugyog.

" Sis!! Ayos ka pa ba? Magsalita ka naman! Uy! Wag mo pang isuko ang katinuan, babalik din si-- Ano kung sino man yung hinihintay mo!"

Ano bang pinagsasabi nito. Loka-loka talaga.
Tinawanan ko siya.

" Sis! Wag ka munang mabaliw! Matthew ! Matthew si Serenity! Nasisiraan na yata!"

Nakakahiya talaga 'tong babae na ito.

Napatingin tuloy iyong iba naming blockmate nasa unahan kasi kami ni Abby malapit sa pintuan.

Nilapitan agad ako ni Matthew na puno ng kalituhan at pag-aalala ang itsura nang marinig nyang magsisigaw si Abby.

" A-ayos ka lang ba Serenity? Ano bang nangyari sayo?"

Tanong niya sakin at pinasadahan niya ako ng tingin  pataas at baba. Kalmado lamang syang magsalita pero halata sa kanya ang pag-aalala.

Masyadong perpekto na sana si Matthew kaya lang hindi ko talaga kaya turuan na siyana lang sana. Samantala si Abby sumobra yata sa pag aalala.
Inayos ko iyong gulo-gulo kong buhok pati iyong damit ko saka ko pinunasan iyung muka ko na puno ng pawis.

" Ayos lang ako, natawa lang ako sa itsura mo Sis, saka na-late kasi ako ng gising eh sa pagmamadaling pumasok mukha na akong ewan. Ang aabutan ko lang pala nagkakagulo kayo." Pagpapaliwanag ko sa kanilang dalawa.

" Seryoso Sis?? Akala ko talaga Kung napapano ka na." Sabi ni Abby.

" Oo, akala ko nga kung ano nang nangyari sayo medyo late na kasi."
Sa sabi na naman ni Matthew.

Ganun? Ang maalalahanin naman nilang dalawa.
Pinagmasdan ko silang dalawa napansin kong perfect match sila.

Napangiti ako sa naisip ko.

" Eh bakit ngumimgisi ka dyan ha sigurado ka ba Sis na okay ka lang. Nag aalala na kasi ako sayo." Concern niyang sabi at mahinahon na rin siya sa wakas.

Nginitian lang ako ni Matthew saka sya bumalik sa kanyang upuan.

Nagulat naman ako nang biglang lumapit sakin si Abby 'yong tipong kulang na lang maduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

" O-oy ano bang ginagawa  mo?"
Tanong ko sa kanya.
" Sabihin mo..Kayo na ni Matthew no? Sanaol!!" Malisosya niyang bulong sa akin at pigil na pigil pa sya sa kilig.

Waiting for himWhere stories live. Discover now