Serenity
Panibagong araw at isa na namang araw na umaasang na darating syang muli na tipong hinihintay mong isigaw niya ang iyong pangalan dahil sabik syang makita at mayakap ka na puno ng pagmamahal-
" Hoy! Babaita!"
Naman Oh! Epal talaga kahit kailan.
Mangugulat na lang bigla kitang nag mo-moment ako dito?
Inirapan ko si Abby saka kunwari akong may hinahanap sa libro na nasa desk ko.
" Wag ka ngang Ano! Hoy! Pansinin mo ako,kitang nagsasalita ako no? Bastusan?!--
"Hindi ' Hoy' ang pangalan ko Abby, Okay?"
Sabi ko sa kanya saka ko sya tiningnan ng seryoso.
"Oh-kay..Serenity, ehem tulala ka po kasi kanina. Hindi mo ba ako naririnig? Kanina pa kita tinatawag kulang na lang lumabas na ugat ko sa leeg kakasigaw ng SERENITY! SERENITY!-
Tinakpan ko agad ang bibig ni Abby ng magsimula syang magsisigaw. Wala talagang hiya ito sa katawan. Hays!
Tinanggal niya agad ang kamay ko hindi na siguro makahinga.
" Tumigil ka nga kakasigaw muka kang takas sa mental." panenermon ko sa kanya.
" Eh ako mukang takas sa mental, ikaw naman mukang retarded!" Pagtataray niya saka sya umirap.
Aba! Inirapan talaga nito akong bruha na to?!
" Ay! Ayoko na nga magmaldita hindi pala bagay sa beauty ko.Pero Serenity, maiba ako hinihintay mo pa rin ba si-
Kahit hindi niya tapusin alam ko na ang itatanong niya.
" Nathan? Oo naman..Lagi ko syang hinihintay hanggang hindi pa rin sya bumabalik ay matiyaga akong maghihintay bakit mo naman natanong ha?"
Linya ko sa kanya sa tuwing nagtatanong siya sa haba niyan kabisado ko na.
Alam kong masasabi mo na, na isa akong martir na naghihintay na bumalik ang taong pinakamamahal mo na wala namang katiyakan kung babalik pa ba sya.
Pero ako? Never akong magsasawang maghintay, kung para naman sa kanya.
Magsasalita pa sana si Abby ng dumating na ang professor namin para sa 1st period. Napabalik sya sa kanyang pwesto at ako tinuon ko na lang ang aking pansin sa dinidisscuss. Anyway, magpapakilala muna ako..
Ako nga pala si Serenity Garcia 20 years old , graduating na ako this year sa college sa kursong HRM. Simple lang ang aking personalidad at buhay tulad ng iba.
At mag-aapat na taon na akong naghihintay sa taong mahal ko na si Nathan Castillo.
Yung babae kanina na parang si Daldalita? Iyon ay si Abigael Suarez ang aking baliw na best friend.Kalog kasi saka super daldal, halata naman di'ba?
Tungkol sa waiting for my love ay waiting pa rin hanggang ngayon. Simula nang umalis si Nathan para mag-aral sa ibang bansa ay wala na akong naging communication mula sa kanya kahit simpleng chat or call wala, as in wala kahit isa. Kahit ganoon hindi ako galit sa kanya, dahil alam kong meron syang mga dahilan.
Pagkatapos ng klase ay lunch time natapos na kasi ang dalawang subject kanina.
Naglalakad ako papuntang cafeteria hindi ko na nahintay si Abby kasi gutom na talaga ako eh kaninang break time hindi na ako nakakain ginawa ko pa kasi iyong assignment ko noong oras na 'yon.(An: wag tuluran si Serenity na tamad gumawa ng ass.'-'V)
H-hindi ako tamad no, ano kasi nakalimutan ko lang talagang gawin. Hayss gutom na talaga ako, tipong nagwawala na lahat ng alaga ko sa tiyan.
Nang makarating ako ng cafeteria ay bumili agad ako ng burger,spaghetti, fries, shake at empanada...parang nagjollibee na ako ah.

YOU ARE READING
Waiting for him
Fiksi RemajaWaiting for someone that there's no assurance. As long as I breathe there is still a chance by somehow? Started: December 18, 2016 Completed: March 6, 2017