Tula Ng Pusong Sawi

9K 19 3
                                    

I.

Dahil sa iyo ako ay parang nagbigti

Noong tinanong kita't sinabi mong hindi

Puso ko ngayo'y puno ng pighati

Tila ito nabasag at nagkahatihati

II.

Tanda mo pa ba noong tayo ay paslit pa

Pinagtapat ko sa'yong minamahal kita

Ngunit ang tugon mo tayo'y mga bata pa

Kaya't nagtiis hanggang sa tayo'y pwede na

III.

Ngayon tayo ay binata at dalaga na

Akala ko may pag-asang maging akin ka

Ngunit mayron ka na palang ibang sinisinta

Pag-ibig ko ngayo'y tila balewala na

IV.

Masakit mang iniwan mong puso kong bitin

Walang magagawa kundi ika'y limutin

Siguro'y ang pinakamainam kong gawin

Tanggaping ika'y hindi nakatakda sa'kin

                                                                                                                        -FIN-

                                                                                                              

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon