Meet the cast!

454 7 5
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hello! I'm Tricia. Okay, first story ko 'to. Please support and add a comment for suggestions!

A little info about this story:

Punong-puno ng conflicts yan! Hahaha!

Dedicated to modernongmariaclara dahil ang HPS niya ang nag-inspire sa akin na magsulat ng story!

----------------------------------------------------------------------------------

MAGKAKAIBIGAN...MAGKAKAINLOVEAN?

Anim silang magkakaibigan...at hindi ko na alam kung magiging magkaibigan pa sila hanggang sa huli.

Hi. Ako si Beatrice. Matalino, ako ang top honor student sa klase namin since Kindergarten. Sabi ng iba, maganda ako. Pero ang totoo, parang hindi naman. Ewan ko ba, hindi ako bilib sa sinasabi nilang ganda ko. Wala akong confidence pagdating dun. Inggit pa rin ako dun sa mga babaeng kahit hindi mag-ayos, napakaganda... kahit na maraming nagkakagusto sa akin sa campus. Popular na rin ako sa school, syempre top student ako at maganda nga daw sabi nila. 

Hi. Ako si Tim. Palabiro, masayahin, mahilig maggitara. Kahit na palabiro ako, madalas akong nag-iisa at malungkot. Tuwing ganun ang nangyayari, ang gitara ko ang kasama ko. Ewan ko ba para kasing laging may kulang sa akin. Dahil siguro wala na sina Mama at Papa. Kaya tuloy nadadaan ko na lang sa pag-aasar at pag-iinis 'tong nafifeel ko.

Hi. Ako si Kurt. Laging sineseryoso ang mga bagay-bagay. Ako ang pinakamatino sa aming anim na magkakabarkada. Minsan lang ako tumawa, basta seryoso talaga ako. Hindi ko gustong niloloko ako, kapag nangyayari yun umaalis ako agad sa tropa. Suplado pa nga akong natuturingan kapag ganun.

Hi. Ako si Ariane. Masasabi mong maganda ako, oo. Napupuno ng kung ano-ano ang locker ko tuwing Valentine's Day, Christmas, at kapag birthday ko. Binibiro nga nila ako, suki daw ako ng mga flower vendors dahil lagi kong piang-oorder ang sarili ko ng mga bulaklak tuwing may okasyon. Hahaha. Pero ang totoo, sa dami ng mga nagbibigay sa akin, wala akong matipuhan sa kanilang lahat.

Hi. Ako si Paul. Varsity ako ng table tennis sa school. Mejo mahina sa academics pero nakakabawi  dahil sa pagiging athletic ko. Galante din ako sa tuwing nanliligaw ako. At lagi akong nagsasawa. At ayun, umiiyak lahat ng dumadaan sa akin.

Hi. Ako si Marie. Simple, nerd, walang hilig sa sports at sa pag-ibig. Basta ang gusto ko lang ay makapasa ako at magtrabaho para maayos ang future ko. Kahit ganito ako na nakasalamin, at walang fashion sense, blessed ako dahil nandyan ang mga kaibigan kong sina Ariane at Bea na puno ng fashion sense at kahit papano ay tinanggap pa rin nila ako bilang kaibigan nila.

Hi. Ako si Stephen. Gwapo, matalino, heartthrob ng school, mahilig sa sports. Focused ako sa studies, at sa pagdodota. Wala akong hilig sa mga babae, ni magtext man nga hindi ko ginagawa kahit may cellphone ako. May mga babaeng lumalapit sa akin, pero di ko naman type. Kung may matype-an man ako, di ko rin papansinin. Basta ang alam ko, pogi ako at masaya ako sa mga kaibigan ko. Hindi ako kasama sa grupo nila. Hm, ano kaya role ko?

Sa tingin mo, magiging magkakaibigan pa ba sila kung magkabuhol-buhol ang relasyon nila. Si ano magkakagusto kay ano. Magseselos si ano. Aawayin ni ano si ano. Oh, friends forever pa kaya o magkakalimutan na lang?

Magkakaibigan...magkakainlovean?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon