Chapter 1 - Biglaang Pag-Amin

179 4 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Agad naman naka-update eh. Mehehe! Well, might as well take advantage of the time kasi wala naman kami pasok this week! Friday lang pasok namin. Hihi. Siguro maa-update ko 'to lagi this week.

Here's the first chapter!

ENJOY!

-----------------------------------------------------------------------------

BEATRICE'S POV

First day na first day, nawala na ako sa mood. Paano naman kasi, hindi ko na classmate sina Kurt, Marie at Paul. Kami lang natira ni Tim at Ariane sa section namin. Bago kami magkakahiwalay-hiwalay, hinug ko nang mahigpit sina Marie at Ariane. 

Papasok na sana ako nang may narinig akong familiar voice, "Uy, mamimiss kita."

Bigla akong napa-smile at lumingon. Pagkaharap ko, biglang sumalubong sa akin ang dalawang braso na yumakap sa akin nang mahigpit... Okay, ang awkward... O.o Napansin din siguro niya kaya bumitaw siya bigla sa pagkaka-hug niya sa akin.

"Ano ka ba Kurt, over ah. Malapit lang naman room namin eh, magkikita naman tayo. Pero mamimiss din kita best friend!" Ewan ko pero biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Ah, oo. Best friend.... oo." Umalis siya nang hindi man lang nagpapaalam. Narinig ko pa siyang nagsalita nang pabulong, "Best friend nga lang pala." 

Noon kasi, kaming dalawa ni Kurt ang laging inaasar sa classroom. Mag-uusap lang kami, agad may "Uyyyyyy! Ang sweet!" ka nang maririnig. Siguro, naiilang na din siya kaya simula nun ay iba na ang turing namin sa isa't-isa. Haaay, nakakamiss ang dating closeness namin!

Hala, eto na teacher namin. "Good morning class!"

"Good morning, Ma'am!"

Habang nagdidiscuss ng mga guidelines at rules ang teacher namin, lumilipad ang isip ko. Ewan ko pero si Kurt ang pumapasok sa isip ko. Nararamdaman ko na may mali. May problema sa amin. Sana mamaya makakausap ko na siya para maayos na.

Aba, sino naman 'tong lalaki na 'to? Tumitingin-tingin sa akin. Ugh, ayaw ko talaga nang tinitingnan ako. Lalo na, lagi akong conscious sa mukha ko. Rabbit-toothed ako eh. Haay, ang pangit ko talaga. Kaya nga di ako makapaniwala na maganda ako sa tingin ng iba. Oh, tumitingin na naman. Maka-snob nga... Hala! Grrr. Ang yabang nito ah. Pa-smirk-smirk pa. Aba, kumindat pa! Akala siguro nito gusto ko siya. Yuck! Over my dead body. Never. Ew, ang feeling! Pumapout pa na parang nagkikiss. Sira na talaga araw ko!! Ihh, feeling pogi pa 'to! Bea, easy ka lang. Calm down. Bago mong classmate 'yan. Calm down.

AFTER CLASSES, 4:30 PM

Sama-sama kaming 6 na magbabarkada sa favorite hang-out place namin. Tuwing naglalakad kami sa daan, partner by partner. Trip namin yun. Ngayon, si Kurt ang kasabay ko maglakad. Ang ingay ng dalawang pairs, tapos kaming dalawa, nakakabinging katahimikan naririnig ko.

Tinapik ko siya sa balikat, "Kurt, may problema ba? Napano ka dre?" Tumingin siya sa akin nang may lungkot sa mata niya.

"Ah, wala. May tatanong sana ako sayo." Bigla akong kinabahan.

"Ano yun?" 

"Eeehhhh, kasi... Ah... Kung liligawan kita, papayag ka ba?"

"Ngek! Baliw ka no? Hahahahaha!! Natawa naman ako." Tinignan ko siya, oops seryoso pala. "Ah, seryoso? Hm, pero best friends tayo di ba? Ano na naman ba naisip mo?"

"Matagal na kitang gusto. Hindi mo ba napapansin?"

"Ha? Kurt, sorry..."

"Bakit? Hindi mo ba ako gusto?"

Magkakaibigan...magkakainlovean?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon