Chapter 2 - Simula ng Bagong Simula

73 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

 Readers, pasensya na at binago ko ang story. Hindi na kasi ako inspired ituloy yung isa. Halos kamukha din naman nito, same characters. Tapos inayos ko na din siya at linagay ko yung cast ng growing up para hindi kayo malito at kakilala niyo sila.

Kung gusto niyo din ako panggawa ng cover, okay lang. Hihihi

Please comment or suggest anything below. Thank you!!! :)

-------------------------------------------------------------------------------------

BEA'S POV

Kauwi niya ng bahay nila... 6:30 PM

I feel horrible. Ngayong araw na 'to, dalawang tao ang nasaktan ko.. Best friend ko pa!! Nakawala talaga sa mood. Bwisit pa yung bago kong classmate na kindat ng kindat. Feeling naman niya cute siya. Grr. Ka-banas eh.

"Bea bakit ngayon ka lang? 6:30 na! Tignan mo hindi ka pa tuloy naka-saing. Karating ko dito sa bahay galing trabaho pagod na pagod na ako, tapos ako pa gagawa ng trabaho mo? Beatrice naman, be responsible!! Hindi yung kung anong gusto mo yun na lang gagawin mo. Magsaing ka na!!"

Eh, ayan na naman si Mama! Grrrrr bakit ba ang galing niyang tumayming. Kung kelan badtrip ako dun niya ako lagi pinapagalitan. Ihh nakakainis na talaga!! Kailangan kong malibang. Pagkatapos kong nagsaing, nag-GM ako.

------------------------------ 

GOOD EVE! ;3 

Kajirits sa bahay. 

Nakakawala sa mood. 

Nakakalungkot. 

Ano ba yan!!

Anyways, text tayo?  

------------------------------

1 msg received. 2 msgs received. 3...4....5...10 msgs received.

Wow, ang daming nagreply ha? Hahahaha! Sabi ko na nga ba kapag madrama marami ako makakatext eh. Hahahaha! Nung binuksan ko isa-isa, isa lang sa mga msgs na 'yon ang nagustuhan ko. Parang feeling ko, the rest are just simply curious. Eto yung msg:

From: Tim

Cheer up. Smile. Be happy! Be Budoy! :-)  Napano na naman ba?

Ma-replyan ko nga. Hihihi.

To: Tim

Salamat Tim! As always, napagalitan na naman sa bahay.

Habang tinatype ko yan, naalala ko may nangyari pala kanina between us. Tinuloy ko pagtatype:

About dun sa kanina pala, sorry talaga Tim. Pero hanggang dito lang talaga.

From: Tim

Sugurin ko na ata mama mo eh! Lagi ka na lang pinapaiyak. Sigurado umiiyak ka ngayon! Cry baby ka kasi. :P Hahahahaha.  

Ah, okay lang yun. Padalos-dalos naman kasi ako sa pagpopropose sayo. Nabasted tuloy ako. :( Haha de joke, okay lang yun.

To: Tim

Alam mo pa talagang umiiyak ako no? Leche, di na talaga ako magsheshare sayo inaasar mo ako. 

Uy pasensya talaga no.. Sana wala mabago.

From: Tim

Uy joke lang yun! Oo naman, best friend mo pa din ako Beatong!!

To: Tim

Salamat Timong! Hahahahahaha. Sige matutulog na ako, good night! ;)

From: Tim

Mahal na mahal na mahal na mahal kita walang hanggan... Good night, i love you!! :* :*

To: Tim

Ahhhhhh?????

From: Tim

Ay sorry wrong sent. Hahahaha.

To: Tim

Tim naman eh. Leche. >:(

From: Tim

Di nga, pinapatawa lang kita nun nagjojoke lang ako. Oh tawa ka na. HAHAHAHAHA. Good night, wag mo akong papanaginipan okay? Hahaha joke ulit good night!

KINABUKASAN, CLASSROOM

"Uy, bakit di ka na nagreply kagabi?"

"Matutulog na nga ako di ba? Nakatulog na ako."

"Ah ganon? Sorry ah!?" sarcastic na sabi ni Tim.

"Ay, sorry naman no! Di ko alam dapat pala magpasorry. Sorry po Timong!! TIMONG!!!! TIMONG!!!"

Nag-smile lang si Tim. "Oo na. Pasalamat ka kaib......"

"Pasalamat ako mahal na mahal na mahal na mahal mo akong walang hanggan? Pasalamat ako 'Good night, i love you' with dalawang kiss emoticon?!" Tumatawa nang malakas si Bea sa pang-aasar niya tapos binigyan niya ng seductive lip bite si Tim. Tska niya tinataas-taas yung dalawa niyang kilay.

Namula si Tim. "Oy hindi ah! Na-wrong sent lang ako!! Ikaw naman gustong-gusto mo! Tska yung sasabihin ko dapat kanina eh pasalamat ka kaibigan kita! Sus, mafeeling ka naman no!"

"E bat nagba-blush ka muna?" Tawa pa rin ng tawa si Bea.

Sasagot na sana si Tim kaso may biglang nagsalita.

"Oh edi kayo na sweet!" Si Ariane, na mukhang wala sa mood at masungit."

"Linalandi ako nitong bestfriend mo Ariane oh." Sabi ni Tim sa kanya.

"Yuck ka Tim." sagot naman agad ni Bea.

Mas nagmukhang wala sa mood si Ariane. "Napano siya? Uy Ariane napano ka?" sabi na Bea na halatang confused.

Bumulong si Tim sa tenga ni Bea at nagsabing, "May problema 'yan. Tapos may dysmenorrhea pa daw sabi ni Marie. Hayaan mo na. Pero wag kang kikiligin ha, kahit malapit 'tong labi ko sa tenga mo. Baka ma-tempt ka kasing i-kiss ako."

"Ah talagang....." Biglang pinagkikiliti ni Bea si Tim sa tiyan at kinurot sa pisngi. Buti, nakaganti siya bago nag-ring ang bell.HMMMMM Ano kaya yung ganti niya?

ANO, MAGULO BA READERS? TELL ME YOUR SUGGESTIONS NAMAN OH. PLEASE >:)

Magkakaibigan...magkakainlovean?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon