AUTHOR'S NOTE:
Hi, miss forgottenglimmer! Natutuwa ako tuwing binabasa ko yung Secretly Married mo. Hindi pa ako tapos pero napakilig at napaiyak na ako nung story mo. Hehe, keep up the good work at sana you can help me to promote this story talaga.. Isa ka sa mga nag-inspire sa akin dito. :-)
TIM'S POV
Itong Bea na 'to, feel na feel ang pang-aasar sa akin. Bakit ko ba kasi siya naisip lokohin dun sa text ko sa kanya kagabi. Ayan tuloy asar ng asar. Tss.
"Isa! Hindi mo ba ako titigilan Ma. Beatrice?!?! Dalawa! Oy tigil ka na sa pagkiliti mo dyan!! Tatlo!"
"Arte nito! Ang sabihin mo, gustong-gusto mo naman!" Tawa pa rin siya ng tawa.
"Ganyan ka ba talaga? Kapag may umaamin sayo fumifeeling ka? Anong magugustuhan ko dun? Ew ka." Hahahahahaha kunwari pa ako, eh kinikilig naman talaga ako.
"Halata kaya, nagbablush ka oh!"
Bigla akong napahawak sa cheeks ko. Tapos tawa pa rin nang tawa si Bea. Pasalamat talaga siya........
cute na cute pa rin siya habang tumatawa. Yung smile niya, nako... Mahuhulog ka talaga. Lalo na talaga akong naiinlove. But it hurts me when I realize that I can't be with her. :( Tsk, pero okay lang! Savour the moments!!!
Bigla akong napatigil sa pag-iimagine at nagsalita, "Ihh, pasalamat ka talaga mahal kita!"
Hindi ko namalayan, napasigaw pala ako. Biglang napalingon yung mga classmates namin na nakarinig. Si Bea naman, kinuha niya yung pagkakataon para makaganti sa habang kinikiliti pa rin ako.
"Classmates narinig niyo yon!? Mahal daw ako ni Tim!!" Ayon, tawa pa rin ng tawa.
Nagulat ako sa sinabi niya. Para bang linoloko na lang niya yung nararamdaman ko. Magwo-walkout na sana ako kaso biglang dumating yung teacher namin. Kainis, panira. Tss.
"Hoy Mr. Padilla, saan ka pupunta?"
"Wala po Ma'am, sa CR po." Naiisip ko talaga na parang pinaglalaruan na lang niya yung pag-amin ko talaga. Pinahiya pa ako para makaganti. Tss.
"Wag na, magbebell na niyan. Pasok!"
*rrrrrrriiiiiiinggggggg!!!!!!!*
"Uy galit ka? Nagjojoke lang naman ako." Haay, katabi ko nga pala siya ngayong 1st subject. Ano ba isasagot ko?
"Hindi."
"Oy Timong!! Galit ka no? Sorry na!!"
"Tss. Wag ka ngang maingay Ms. Ma. Beatrice Bernardo. Nakikinig ako sa teacher."
"Naman Tim. Sorry, joke lang talaga yung kanina."
Di na lang ako umimik. "Uy!!!! Sorry na!!"
"Ms. Bernardo, ano ba kinaiingay mo dyan? Nakikinig ka ba sa discussion ko?"
"A-a-ahh.. O-opo."
"Sagutin mo nga itong pinapasagot ko!"
Buti na lang, matalino siya at nasagot niya. Ano ba kasi at hindi ko siya kinausap. Ayan tuloy siya pa nahuling nagsasalita.
Nasakto pa siya sa masungit naming teacher na si Mrs. Feliciano. Hindi man napapagalitan sa klase si Bea. Nakikinig yung palagi eh. Kasi nga honor student.
Nako, napagalitan pa dahil sa akin...
Katapos niyang sumagot, umupo siya at tumahimik na lang buong period. Nakooooo... Nagi-guilty ako.
KATAPOS NG SUBJECT
Nilapitan ko si Ma'am Feliciano. "Aa-ah, Ma'am. Dun po sa kay Bea kanina, ako po yung nangungulit sa kanya. Nasakto lang po na siya yung nakita niyong nagsasalita. Hindi niya naman po kasalanan. Sorry Ma'am."
"Ikaw Tim ha. Isa sa mga best students yang si Bea. Wag mong dinadamay-damay sa mga trip trip mo. Osige, buti at sinabi mo. May klase pa ako, behave. okay?"
"Yes Ma'am. Sorry po ulit."
Pagkatapos ng insidenteng yun, ang tagal na din naming hindi nag-usap ni Bea. Parang nagkaroon ng gap. Oo, nasaktan ako sa ginawa niya....
Pero namimiss ko na siya. Wala naman ako magawa kasi baka mapagalitan na naman siya kapag ako kasama niya. At.... umaandar na naman katorpehan ko.
Most of the time, Ariane is always present to cheer me up. Siya lang naman kasi nakakaintindi kasi best friend ko siya at alam niya ang sa aming dalawa ni Bea. Lagi kaming nagkukwentuhan at nagkukulitan.. pero si Bea pa rin ang naiisip ko.
Minsan, habang salita nang salita si Ariane, titingin ako kay Bea... at makikita ko siyang nakatitig din sa akin.
Ano ba pinapahiwatig ng babaeng 'to? Lalapitan ko na ba siya? Dahil sa totoo lang, sabik na sabik na akong makasama siya.
Sabik na akong kurutin yung ilong niyang matangos, pisilin yung mataba niyang cheeks, at titigan yung brown niyang mga mata. Pero di ko alam, at inuunahan ako ng kaba ng katorpehan.
TIM!!! Lalaki ka. Kayanin mo!!!!!!
"Di ba, Tim?" Nagulat ako nang bumalik ako sa senses ko.
"Oo nga Ariane, tama ka dun." Sabi ko na lang kahit di ko naman alam pinagsasabi niya. Lels. Hahaha.
"Hmm, tingin mo kakausapin ko na si Bea? Baka kasi galit pa siya sa akin eh. Tapos baka sungitan ako. Alam mo naman yun eh."
"Ewan ko sayo Tim. If you really want to do something, you'll find thousand reasons to make it happen. If not, you'll find thousand excuses to procrastinate."
Natauhan ako bigla. "Oo nga no? Galing ni bespren! Umi-english pa!"
"Hahaha. Thank you thank you. Quotes yun eh! Nabasa ko sa GM. Hahahaha!"
Papalakad na ako papunta kay Bea...... "Go Tim!" sabi ni Ariane.
Nang kaharap ko na siya.........................
bigla siyang tumayo at iniwan ako. Nakita ko, papunta siya dun sa direksyon ni........ Hala! Bakit siya? Gusto niya yung mokong na yun? Waaaaaaaahhhhhhhhhh.
Author's Note:
Boring yata itong chapter na ito. Sorry. Comment naman kasi kayo para malaman ko please. :(
BINABASA MO ANG
Magkakaibigan...magkakainlovean?
FanfictionPaano kapag nainlove sayo ang dalawang bestfriend mo? Paano kung nagseselos pala sayo yung babae mong friend kasi gusto niya yung nainlove sayo? Paano kung nagalit sayo yung isa mo pang kaibigan dahil close ka sa boyfriend niya? Paano kung nainlove...