Echos Chapter

99 15 17
                                    

Pt4 - The Unicorn Fight (Echos lang tong chapter nato)

AUTHOR'S NOTE : As in echos lang talaga. xD Pero basahin nyo na din. :)

"Prrrr" sabi saken ng isang Unicorn.

"Prrr pr prrrr." sagot ko.

Oo tama kayo. Nagkakaintindihan kame.

Nakikiusap ako sa kanila na wag muna nilang sakupin ang Earth.

"Prrrr!" galit na sabe sakin ng Unicorn.

Parang toro ito ay naghahanda para umatake gamet ang kumikislap nyang mga sungay.

Sht. Hinanda ko na ang aking magic wand na kulay violet at may mga flowers na pink.

"Kaylangan ko silang pigilan! PARA SA EARTH!" sigaw ko.

Naramdaman kong may tumusok sa tagiliran ko.

"H-hinde ako p-pwedeng mamatay."

At tinusok ule ako ng Unicorn. Wala siyang awa. Paulit ulit nya pa iyong ginawa.

"Psst! Fatima! Huy!"

"Miss Santos! Miss Santos!"

Naririnig ko na ang mga boses ng mga taong importante sakin.

Ganito pala pag mamatay na ano.

P-paalam.

"MISS SANTOS!"

At parang bula nawala ang Unicorn sa paligid at lumitaw ang aming...



CLASSROOM. =______=

at nasaharap ko pa ang matandang dalaga naming teacher.

"Miss Santos, naligtas mo ba ang Earth sa pagtulog mo?"

Umiling iling ako. Nakakahiya. Kill me now.

"Hmmm. So ang pagtulog mo sa aking klase ay walang naitulong sa bansang to at ikaw ay naging perwisyo pa."

"Ma'am hindi nyo alam kung gaano kahirap makipaglaban sa mga magical creature." bulong ko

"Anong sabe mo?!" naguusok na sabe saking nang matandang to.

"W-wala po, ma'am."

"DETENTION!"

*Echos lang talaga sya no? XD Don't worry matino na ung susunod ko UD. Gomenee~~ As if namang may reader. Lol. xD

To Turn Him To The Right Path (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon