Chapter One

102 1 0
                                    

"Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ito ni Lola sa akin , Yanne?" si Rome na pabalik-balik sa paglalakad sa harap ng matalik na kaibigan. Nasa loob sila ng kanyang pribadong opisina, dalawang taon na simula ng gawin siyang CEO ng kanyang abuela na si Donya Esmeralda sa MRC. 

" She must have some reasons, Rome", si Yanne  habang umiinom ng kape. May simpatiya ang tinig para sa kaibigan.

"My grandmother has always been a romantic fool. Ang akala sa buhay ay isang pocketbook romance. Why, this is some kind of thing that happened only in fictions". naiirita niya sabi

Hindi sumagot ang kaibigan at hinayaan na lang siyang ilabas ang init ng ulo. Nagbigay ang lola niyang  si Donya Esmeralda ng ultimatum na magsawa bago dumating ang ika-28 na kaarawan niya and that is 3 months from now. Kung tutuusin ay nasabi na sa kanya ng kanyang Lola tatlong taon na ang nakalipas  na nais nitong mag asawa siya sa edad na beinte-otso ngunit binalewala lamang niya ito dahil akala niya ay isang biro lang ang lahat. Noong isang linggo lamang uli nito pinaalala sa kanya.

LAST WEEK 

"Ahem", sabi ng isang tinig. Dahilan para itigil ni Rome ang pagbabasa ng sandamakmak na papeles sa ibabaw ng kanya mesa. 

Lola! ,anya at dali-dali tumayo at lumapit sa abuela upang yakapin at  halikan sa pisngi. Anong ginagawa niyo rito, akala ko ba nasa asyenda Romano kayo? Kelan pa kayo dumating?  tanong niya rito. Her grandmother is Donya Esmeralda Nathalia Romano, 60 years old and  the former CEO ng MRC  bago ito ipinasa sa kanya. Ngayon ay naka base na ito sa Asyenda Romano , mas nais daw nitong manirahan sa Asyenda para na rin makasagap araw-araw ng sariwang hangin na wala sa Maynila. Kadalasan ay siya ang dumadalaw dito kapag di masyadong hectic ang kanyang schedule sa trabaho. Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay di niya ito nadadalaw dahil sa busy siya sa trabaho kaya naman nagtataka siya kung bakit nandito ang matanda.Dahil simula ng magretiro ito ay di na ito lumuluwas except kung merong selebrasyon sa kompanya na kailangan ang presensya nito. Isang kurot naman sa tagiliran ang natanggap niya mula rito.

 Ouch, granma! What was that for? reklamo niya sabay haplos sa nasaktan tagiliran.

"Don't Granma me Romina! galit na sabi nito, nakangiwi naman niyang hinahaplos ang tagiliran na nakatikim ng kurot mula rito. Ano itong nababalitaan kong masyado ka raw workaholic at tine-terror mo ang iyong mga empleyado?

  Tsk, nagsumbong na naman ang mga empleyadong loyal sa Lola niya. Ginagawa lang naman niya iyon para katakutan siya and prove to them that she can handle the company gaya ng ginawa ng kanyang Lola. And also patunayan sa Lola niya na hindi ito nagkamali na gawing CEO ng MRC.

At ilang beses ko na bang sinabi sayo na ayaw na ayaw kong nagpapalipas ka ng gutom, ano ng oras? Aba't alas tres na ng hapon anito pagkatapos tignan ang suot na relo.

Sinabi ni Cecil na hindi ka pa kumakain at madalas ka daw mg over time minsan ay halos hindi ka na umuwi sa bahay mo.  Cecil is  her secretary, mas matanda ito sa kanyan ng limang taon.

I didn't ask you to kill yourself ng pa unti-onti. Di porket ikaw na ang namamahala ng kompanya ay pababayaan mo na ang iyong sarili. Sinabi kong maghanap ka na ng mapapangasawa para tulungan kang e-manage ang MRC ", patuloy na sabi nito. 

Napabuntong-hininga na lang siya." Granma, can we talk about this later, I still have a lot of papers to do and may meeting pa ako later sa isang kliyente", malumanay na sabi niya at pasimpleng hinilot ang sumasakit niyang ulo. 

Is this love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon