Chapter 1: Trial Forest

189 2 0
                                    

Chapter One: Trial Forest 

Ipinakalat ng mga kawal ng Serdin ang balitang naghahanap ng mga malalakas na tao na bubuo sa bagong henerasyon ng Grand Chase. Maraming umayaw dahil sa takot nila sa balitang kumalat tungkol kay KazeA'aze na pinatay niya ang reyna ng Kanavan at ang dating Grand Chase. Pero meron ding malalakas ang loob na sumugod sa kastilyo at sinabi na gusto nila mapabilang sa Grand Chase. 

Babae: Alis na po ako!  

Lumabas siya ng kanyang bahay at tumungo sa kastilyo ng Serdin. 

Babae: Kailangan ko ng umalis. 

Isang pang babae ang umalis din ng kaniyang bahay at tumungo ng kastilyo. 

Babae: Hindi dapat ako mahuli. 

Isa ring babae ang pumunta rin ng kastilyo. 

Pinapasok ng mga kawal sa loob ng kastilyo ang mga taong nais mapabilang sa Grand Chase. Puro lalaki ang mga nagsipuntahan. Bukod sa tatlong dalagang bababe na pumunta rin. Tumungo ang mga tao sa malaking kuwarto ng kastilyo kung nasaan ang trono ng reyna. Pumunta sa gitna ng parang isang entablado kung nasaan ang trono si Knight Master. 

Reyna: Nasaan ang reyna?! 

Knight Master: Hindi muna siya magpapakita sa publiko dahil alam natin kung ano ang sinapit ng kanyang kaibigan na reyna ng Kanavan 

Lalaki: Teka, sino ka ba? At bakit ikaw ang nakikipag-usap sa amin? 

Knight Master: Ako ang kanang kamay ng reyna. Tawagin niyo na lng ako sa ngalang Knight Master. 

Marami ang nagtaka at nagulat. Rinig na rinig sa malaking kuwarto ang bulungan. 

Lalaki: Ikaw ang kanang kamay? Isa ka lang namang babae --- . 

Nagulat ang lalaki at may biglang lumipad na espada at muntikan ng tamaan ang kanyang paa. Nakita niya na galing ang espada kay Knight Master. 

Knight Master: Hindi lang mga lalaki ang mga malalakas... 

Napaupo ang lalaki sa sobrang gulat sa nangyari. 

Knight Master: Ngayon, hindi lahat kayo ay puwedeng maging kasama sa Grand Chase. Dadaan kayo sa isang pagsubok. Doon natin malalaman kung nararapat ba kayo maging isang Grand Chaser. 

Lalaki: Ano bang kailangan naming gawin?! 

Isa pang lalaki ang nagtanong. 

Knight Master: Pupunta kayo sa gubat, di kalayuan dito. At my isang halimaw doon, isa siyang puno na nagngangalang Treant. Kailangan niyong makakuha ng isang mansanas sa kanya. Pag nakakuha kayo, makakasali kayo sa Grand Chase. 

Lalaki: Ganon lang!? Ang dali lng naman pala! Hahaha. 

Knight Master: Tignan lang natin kung madadalian kayo. Hindi lang iyon ang haharapin ninyong pagsubok. Pagpasok niyo pa lang sa gubat ay mahihirapan na kagad kayo sa dilim. Madali lang rin maligaw doon. Maraming tao ang pumasok doon at hindi na nakabalik. At kapag narating niyo na ang kinalalagyan ng Treant, mahihirapan rin kayong matalo siya. 

Natahimik ang lahat ng tao dahil sa sinabi ni Knight Master. Meron ding biglang nanginig dahil sa takot. 

Knight Master: Ngayon, sino ang matapang at kayang harapin ang pagsubok? 

Biglang tumahimik ang lahat. At natatakot magtaas ng kamay. Pero meron pa ring nagtaas, kasama na rito ang tatlong babae. Ang maraming taong nagpuno ng napakalaking kuwarto, ay nabawasan at umabot na lang sa benteng katao. 

Knight Master: Sila na lang ba ang pupunta sa pagsubok? 

Walang sumagot sa mga tao. 

Knight Master: Kung ganon, ang mga hindi na pupunta sa gubat, makakaalis na kayo. 

The Grandchase Story (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon