Chapter 2 - Trial Tower

175 3 4
                                    

Chapter Two: Trial Tower

            Pagkagising ng tatlo, pumunta kaagad sila sa kuwarto ni Knight Master.

Knight Master: Handa na ba kayo?

“Oo!”, sigaw ng tatlo.

            Pumunta sila sa isang napakataas na tore. Halos nalula ang tatlo sa sobrang taas nito.

Knight Master: Akala niyo na tapos na ang pagsubok sa Trial Forest? Hindi pa. Dito naman natin susukatin ang abilidad ninyo na makipagtulungan sa mga kasapi ng grupo niyo.

Archer: Ano po ba ang dapat naming gawin?

Knight Master: Pumasok kayo sa loob ng tore. Talunin ninyo ang bantay nito na nasa tuktok. Ang pangalan ng bantay ay si Wendy.

Swordsman: Hindi po namin kayo bibiguin.

Knight Master: Aasahan ko iyon. Sige, pumasok na kayo.

            Pumasok ang tatlo sa loob ng tore. Pagkapasok nila, pansin ang pagkadilim nito. Konti lang ang ilaw na nakalagay.

Mage: Ang dilim naman!

Archer: Huwag muna natin pansinin iyon. Kung tayo ang magiging Grand Chase, magpakilala na tayo sa isa't isa.

Swordsman: Ako si Elesis. Swordsman ng Kanavan Kingdom.

Elesis: (Kainis! Mukhang kailangan ko pang alagaan ang mga batang ito!)

Mage: (Mukhang hindi matalino ang isang ito.)

Mage: Ako nga pala si Arme ng Violet Magician Guild.

Archer: Ako si Lire, galing sa Eryuell Island.

Arme: Isa ka pa lang elf.

Elesis: Teka, nandito na ang mga halimaw. Mamaya na natin ipagpatuloy ang pag-uusap.

            Bumaba ang mga Slimes galing sa hagdanan papuntang pangalawang palapag. Mas maraming halimaw ang naririto kaysa sa Trial Forest, kaya nagulat ang tatlo.

Arme: Ang raming Slimes! Hah! Seither!

Lire: Salamat muli, Arme.

Elesis: Umatake na kayo! Sumusugod na sila!

Lire: Huwag kang mag-alala. Hindi ko sila hahayaang makalapit.

            Walang tigil sa pagtira ng mga pana si Lire. Hindi makasugod ang mga Slimes dahil sa ginawa ni Lire. Dahil doon, si Elesis naman ang sumugod.

Elesis: Hah! Mega Slash! 

            Gumawa ng tatlong saksak sa mga Slimes sabay isang malakas na hampas ng kanyang sword si Elesis.

Lire: Kainis!

            Hindi na matamaan ni Lire ang mga Slimes, dahil mabilis na umilag ang mga ito. Isang Slime ang bumunggo kay Elesis na nagpatalsik dito pabalik.

Elesis: Lire! tamaan mo naman sila!

Lire: Ang bibilis nila!

Arme: Huwag kayo mag-alala. Hah! Stone Curse!

Lire: Aba! Ang galing mo Arme, naging bato silang lahat!

Arme: Tapusin niyo na sila panandalian lang iyan!

The Grandchase Story (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon