kabanata 20- Kaya pala

126 4 0
                                    

dedicated sa kanya kasi sabi nta sana daw makapag dedicate ako kaso di ko alkam kung maganda to.. Thus, UD to kaya Enjoyin na lang >:)

******

 Cupid's POV

Umaga na naman..

Ibig sabihin kelangan ko na namang pumasok, harapin ang mga tao, nakakasawa na

Naisip ko na kailangan ko ng bumalik kaya naman dapat ay kausapin ko na si Aaron ngayon..

Huminga muna ko ng malalim atsaka lumabas ng silid at kumatok sa kwarto nya

pero walang sumasagot..

kaya agad akong pumunta sa kusina..

7am palang at ang alamko 9am ang first subject nya sa semester na to.

At di nga ako nagkamali..nandun sya at nagluluto ng makakain..

Tila nagulat pa sya ng humarap sya sa akin

"gisng ka na pala..balak ko pa namang pagdalhan ka ng agahan sa kwarto mo..peace offering ba?" sabi nya sabay ngumiti

at sa ngiti nyang yon napangiti din ako

"Hindi na kailangan..kasi tinatanggap ko na sorry mo..tsaka mag sosorry din ako :)"

pagkatapos nun ay matagal na titigan ang nangyari..

*TOKTOK*

Panira ! hala ? ano ba yung sinabi ko???

bago pa ko tuluyang mawindang sa aking naiisip ay binuksan ko na yung Pintuan..

Laking gulat ko ng makita ang Mama ni Marco.

"A-ano pong kailangan nila?" Sabi ko

"Nandito sana ko para ta---" pero di na sya nakatapos pang magsalita dahil agad na nagsalita si Aaron na nasa likod ko na pala

"Diba sabi ko tigilan mo na ko ?! ayoko ng makita ka kaay pwede ba umalis ka na !!"

hinawakan ko ang braso nya para kahit paano ay kumalma sya pero walang epekto yun..ramdam ko ang pOot at galit sa kanya..

 "A-anak hindi ako nandito para guluhin  kapa ..nandito ako upang humingi ng tulong kay cupid" sabi ng Mama ni Marco..naramdaman kong nag iba ang itsura ni Aaron..

Pero anong sabi nya ?? ANAK ?

Anaka nya s Aaron ?

Pero...pano?

"Ako po ? Ano pong problema? paano po ako makakatulong ?" sunod sunod kong tanong

"nagtanan sila ni Ailyn...At.. at binantaan nila kami na kakasuhan si Marco ng kidnapping pag hindi sila umuwi within 48hours"

naiiyak na ang mama nila pero mukhang hindi naawa si Aaron

"Wag mong idamay Si Cupid sa problema ng anak mo!" at hinatak ako ni Aaron at akmang isasara ang pinto ngunit pinigil ko

"Tita mag-uusap lang po kami.."

tumango naman ang mama ni Marco at agad kong hinila si Aaron sa kusina

"Aaron..gusto kong tumulong..please"

ginawa ko lahat para payagan nya ko. Gusto kong tumulong ano man ang problema..

"Cupid..ayokong idamay kapa nila --" pinigil ko si Aaron sa pagsasalita

"Gusto ko...please payagan mo ko. kaibigan ko sila at may kasalanan ako "

napayuko ako..Isa akong kasabwat ..

itinaas nya ang mukha ko at iniharap sa kanya

"Cupid wala kang kasalanan.. tumulong ka lang..ikaw na din ang nag sabi si Kupido ka at ikaw ang namamahagi ng pag-ibig..kaya ...Pumapayag na ako .."

sabi nya at saka ngumiti..

isang ngiti na nagsasabi sa akin na kaya kong gawin lahat..

Na ako ang pinaka magaling para sa kanya..

Ngiti na naghatid ng ngiti sa labi ko ..at nagdulot ng pagbilis ng pintig sa puso ko

"pumapayag akong tulungan mo sila..pero sana pagnaayos mo iyong sa kanila.."

umiwas sya ng tingin..

"Ako naman ang tulungan mo sa babaeng mahal ko.."

pagtapos nun ay umalis na sya

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na iyo..

Alam kong masaya ko ngunit..

May kung anong kumirot sa puso ko..

Parang sa sinabi nya nawalan ako ng buhay..

nawalan ako ng kaluluwa..

Alam kong wala akong kaluluwa dati dahil isa akong Kupido pero iba na ngayon

Isa kong tao..

Pero pilit kong pinapaintindi sa sarili ko na isa kong kupido at di ako dapat malungkot..

bagkus dapat maging masaya ko dahil magiging maayos na ang misyon ko..

Kaya naman agad ko ng Tinungo ang Ina nila Marco at Aaron..

huminga ko ng Malalim at tsaka sya hinarap.

I fall for Cupid ◘COMPLETED◘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon