Kabanata 2: Ang Pagkahati Ng Inang Brilyante

245 4 1
                                    

Si Cassiopea ang sinaunang reyna ng Encantadia, na siya ring tagapangalaga ng Inang Brilyante na ipinagkaloob sa kanya ni Emre. Si Cassiopea ang pinakamalakas sa lahat ng encantadong naninirahan sa Encantadia. Si Adhara ay gustong mapasakamay niya ang Inang Brilyante kaya  pinuntahan ni Adhara si Cassiopea sa kanyang pulo. Dahil sa takot ni Cassiopea hinati niya ang Inang Brilyante kahit ayaw ni Emre na gawin niya ito.

Nahati ang Inang Brilyante sa apat na brilyante. Ang Brilyante ng Apoy, Brilyante ng Hangin,Brilyante ng Tubig at Brilyante ng Lupa.

Ibinigay ni Cassiopea ang Brilyante ng Tubig sa Kaharian ng Adamya upang mapanggalagaan ang kagandahan at kalinisan ng tubig.

Ibinigay naman ni Cassiopea sa Sapiro ang Brilyante ng  Lupa upang gamitin sa panggagamot sa ibang encantado at gamitin sa pag-aalaga ng ating kalikasan.

Sunod ay binigay ni Cassiopea ang Brilyante ng Apoy sa Hathoria upang gamitin sa paggawa ng mga kasangkapang panlaban.

At ang huli ibinigay ni Cassiopea ang Brilyante ng Hangin sa Lireo upang mapanggalagaan ang hininga ng lahat na naninirahan sa Encantadia...

Ang mga brilyante na ibinigay sa kanilang kaharian ay may iba't-ibang sinisimbolo.

 EncantadiaWhere stories live. Discover now