Chapter one

5 0 0
                                    


"Hella !"
Napabalikwas ako ng marinig ko ang nakakatakot na boses na iyon. Napalunok ako.
"Yes Auntie ?" Tanong ko habang nakatayo at naka salute pa kay Auntie
"Ikaw bata ka ! Sino nagsabi sa'yo na matulog ka sa tapat ng pinto ?! Akala tuloy ni galema isa kang warewolf ! Hahampasin ka na sana ng walis buti dumating ako ! Ganyan na nga ang kalagayan mo paharang-harang ka pa ?! " sabi ni auntie with matching pamewang effect pa.
Patay tayo diyan.
Serious mode si Auntie
"E kase Auntie ginabi na ako ng uwi ! Katok ako ng katok sa pinto kaya lang mukhang nakatulog na kayo at kinalimutang meron ako kaya no choice ako kundi matulog sa tapat ng pinto" pagdadahilan ko
Totoo naman kase
Ilang beses akong nagkakakatok sa pinto
Unti na lang mapupudpud na ang mga kamay ko kakakatok
Tinaasan lang ako ng kilay ni Auntie
"At saan ka nagpunta ? Hindi ibig sabihing walang sino man ang magkakainteres sa'yo ay pwede ka nang kung saan-saan nagpupupunta ?" Sabi ni Auntie

Ang hard a.
"E binili ko pa yung mga gagamitin ko sa paggawa ng project Auntie e" pagdadahilan ko.
Totoo naman kase kaya nga ako ginabi.
tsaka walang gustong magsakay saken kagabi.
Kaka-offend nga e.
Mukhang nakumbinsi naman si Auntie

"O siya pumasok ka na sa kwarto mo at maligo ! Late ka na " sabi ni auntie sabay tulak sa akin papasok sa bahay.

Sinarado naman na ni Galema ang pinto at nagsimulang mag walis muli
Si Auntie naman nagpunta sa Veranda
Lagi namang nandun yun
At ako ?
Pumasok na sa kwarto ko.

Hay ! Nabitin ang tulog ko a .
Pero mabuti na yun dahil baka malate nanaman ako
Ayaw ko na masermonan ng Teacher ko
Sakit sa tenga e.

Teka magpapakilala ako.
Ehem
Ako si Hellayna Cruz.
Tawag nila sa akin Hella
Kasing Hell daw ng mukha ko.
Ang hard di ba ?
Ulila na ako. Ni hindi ko alam ang mukha ng magulang ko basta ang alam ko lang kapatid ng mama ko si Auntie Marga na kasalukuyang nagaalaga sakin. At ang nanay ko ang nanganak .  Yun yun !
Si Auntie , matandang dalaga at magisa niya lang kaya siya na lang ang nagalaga sa akin simula bata ako.
Mabait naman si Auntie
Kahit araw-araw akong busog sa lait
Ewan ko ba.
Di na ako nasasaktan pag nilalait ako.
Ikaw ba naman
Mula kakapanganak mo nilalait ka na ? Di ka pa ba masasanay ? Aynaku.
Wala akong kaibigan.
wala namang gustong maging kaibigan ako
Bukod sa pagiging panget loser pa daw ako.
di ko na lang pinapansin
Di naman ako lonely dahil kay Auntie at Galema.
Si Galema ay Ang Trusted maid ni Auntie.
Mas bata lang siya ng konti sa Auntie ko
Matagal na siyang nagtra-trabaho kay Auntie
Kaya matagal na kame magkakilala.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may sunod-sunod na kalampag sa pinto ng kwarto ko

"Ano ba Hella ?! Late ka na ! Wag ka na magayos pa wala namang mababago " sigaw ni Auntie
Napasimangot ako at inilapag ang hawak kong suklay ngunit bago ako lumabas ay tumingin ako sa salamin at ginawa ang lahat ng uri ng pagpapacute
Pero sana di ko na lang ginawa dahil nasira lang ang araw ko

Tinakpan ko ng papel ang salamin sa kwarto ko nakakainsulto kase pagtumitingin ako dun at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko si Auntie na kumakain . Tinignan niya ako

"Ano ? Tatanga ka lang ? E kung umupo ka at kumain na din di ba ? Baluga" sabi ni Auntie

Dali-dali naman akong umupo sinalinan naman ni Galema ng juice ang baso ko.

Susubo na sana ako ng pagkain na nasa kutsara ng magsalita si Auntie

"Mawawala ako ng anim na buwan " sabi nito
Napatigil ako at tumingin sa kanya at inilapit ang mukha

"Saan ka pupunta Auntie ? Sa langit ? Pwede ka ba dun ?" Tanong ko

Imbis na sagutin ang tanong ko ay binato ako ng pandesal sa mukha

The Handsome And The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon