Chapter two

6 0 0
                                    

"Galema Ano palang oras umalis si Auntie kahapon ?" Tanong ko kaya galema na kasalukuyang nagdadamo sa garden.
"Nung umalis ka , umalis na din siya hinintay ka lang pumasok oha ! Ma-touch ka !" Sabi nito with hand gesture pa.
Parang tanga.
"Ganun ba ? O siya ito-touch ko ang sarili ko mamaya" sarkastiko kong sabi
Tumawa si Galema
"Papasok kang may black eye ? Baka pagkamalan kang takas sa zoo niyan hahahaha" sabi niya
napasimangot ako.
Laitera din to e.
Wala nga si Auntie andiyan naman si Galema.
Wala akong takas sa tanikala.
"Ewan ko sayo galema " sabi ko at pumasok na sa loob para gumayak may pasok kase.
Himala nga dahil ang aga ko nagising ngayon. Siguro dala ng masyadong excited makita si Matt
Kinikilig pa din ako kahit kahapon pa nangyari yun.
Hahahaha sana ganun na lang lagi, panget ang araw ko tapos yung dadating siya para pagandahin.
Anubey nekekeleg eke.
Ang lantod ko na di ko naman bagay.
Nagbihis na ako pagkatapos ko maligo.
and as usual nakatitig nanaman ako sa salamin.
Tinanggal ko na yung papel na nilagay ko.
Gaganda din ako tiwala lang.
medyo nangingitim pa din ang mata ko pero kunti na lang natakpan naman ng concealer ba yun ?
Pinagamit lang kase ni Galema saken.
gamitin ko daw para matakpan yung black eye ko .
Sabi pa niya kung kayang takpan ang buong mukha ko gawin ko daw -.-
Halos hampasin ko siya ng walis ng sabihin niya yun.
Ang sama kase nung babaeng yun.
Pero thanks to her nakatulong naman.

nagsuot ako ng headband pero mukha akong tanga di ko bagay kaya inalis kong muli.
Nagclip naman ako
Pero mukha ako ulit tanga kaya inalis ko
eto ang nakakainis pag panget ka ,
lahat na lang di bagay
Pag maganda kahit basahan okay lang , kahit gulo-gulo buhok ang hot tignan pero pag ako ?
Dugyot hay buhay parang life.
Nilugay ko na lang buhok ko
At lumabas na sa kwarto ko.
Naabutan ko si Galema na nagva-vacuum
"gutom ka ba ? Kakain ka ?" Tanong niya .
Aba ang bait.
Concern. Nakakaiyak naman
"A. Salamat sa concern pero di na siguro kase male-late na ako " sabi ko habang nakangiti.
Aba ! Minsan lang maging concern si galema sa akin
Humarap naman si Galema.
"Buti naman di kase ako nakaluto busy ako masyado.o siya happy trip naway layuan ka ng kapangitan este ng kamalasan" sabi nito
Napapoker face ako. Akala ko pa naman concern !
Gustong-gusto ko nang iitsa ang bag ko sa kanya.
Akala ko mabait na with lait pa rin.
Umiling na lang ako at naglakad na papasok sa school.

Sanayan na lang sa lait ang drama ko.
Hay ! Math nanaman pala ang first subject.
Nakakaimbyerna
Kundi lang requirements ang mag-aral di na ako magaaral.
Bat ganun ? Sa ibang kwento kapag panget ang tali-talino.
Dito naman panget na nga bobo pa wala pang alam gawin.
Instant e. Grabehan lang.
Kinawawa ako ng author

Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagbusina sa likod ko

Sino ba ang hudas na ito ?!
Nasa gilid ako tapos bubusinahan ako ?! Alam kong mukha akong magnanakaw pero nakakainsulto yun e. Bubusinahan ?! Nasa gilid ako .

Bumaba ang salamin ng kotse at halos lumuwa ang mata ko
Ang gwapo niya !
Abo yung mata niya , ang tangos ng ilong
Kissable lips .
Ang puti niya
Mukha siyang artista.
Nabalik ako sa katinuan ng magsalita ito.

"Ale saan dito yung Walter High ?" Tanong niya

Napapoker face ako. Ale .
Mukha ba akong matanda ?!
Argh gwapo na sana kaya lang may attitude.

Sinamaan ko siya ng tingin.
"Di ko alam !" Sabi ko at naglakad na paalis.
Panira ng araw yun, maka ale wagas
Pwede namang Ate e pero ALE ?! Di ko matanggap.
Pumasok na ako sa school at dumiretso sa classroom.
Badtrip ako ngayon. Kahit di halata sa mukha ko.
Lagi namang kaseng mukhang ang init ng ulo ng mukha ko e.
Umupo na ako sa upuan ko at umubob.
Ganun ba ako kapanget para sabihan ng Ale ? Huhubels dinadamdam ko talaga yun. Ang gwapo kase e sayang ! Sama ng ugali.

Naramdaman kong umupo na sa tabi ko yung si Peter at nagsipasukan ang mga kaklase ko
Ibig sabihin lang nun. Andiyan na yung teacher namin.

Umayos na ako ng upo.
Pumasok na si Teacher Min dala-dala ang binder niya na may drawing pa na spongebob
Wahh. Spongebob ang kyut kyut nun.

The Handsome And The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon