CHAPTER 8 Back to School

29 2 1
                                    

CHAPTER 8 

fast forward muna mula sa last chapter..

natapos ang buong linggo at ganon pa rin si Angela.. pasok sa school, at nagsisimula na rin magpractice ng kanta kasama ang bago niyang kapartner na si Rafael Martinez.. ang new heartrob ng 4th year Section A.. at pagtapos, derecho uwi sa bahay.. gumagawa ng assignment sa gabi at buong magdamag na nakatulala sa kawalan..

sabado ngayon at  walang magawa ang buong barkada, tumawag si Trish kay Enzo upang yayain itong mag mall kasama si Sam, Crizel, Angela, at Gino.. nagpasya ang lahat na sa cafeteria magkita upang mapagusapan ang susunod nilang pupuntahan.. nauna si Sam, Enzo at Angela sa Starbucks, habang si Gino at Crizel ay on the way na rin..

Sa Starbucks habang nagaantay..

"Angela, plano ko sanang bumili ng bagong shirt and skirt eh, pwede mo ba akong samahan? alam mo naman yang Kuya mo, madalas o.a. kung makapagbawal.."

"ok lang Sam, sige, ako na ang bahala.. anu bang bibilhin mo? casual lang ba?"

"hmf, pinag iisipan ko pa nga eh, hindi ko pa rin alam.. gusto ko sana yung kakaiba.. yung pwdeng pang rockstar ang dating, bibili rin ako ng converse na high-cut..hehe ^_^ "

"sige, yung parang kay Paramore ba o kay Avril?

"kahit ano basta babagay sakin.."

habang naguusap ang dalawa, sabay na rin dumating si Crizel at Gino.. nagusap ang lahat kung anu-ano muna ang kanilang bibilhin at pagtapos ay dederecho naman sila sa Enchanted Kingdom..

nagulat at nanlaki ang mga mata ni Angela ng biglang nagring ang cellphone at niya, at tumawag si...

Fast forward muna para exciting, balikan ang eksenang ito mamaya..

sobrang excited si Angela sa balitang nalaman niya, nakangiti lang ito habang kumakain ng ice cream..

"Gela, ang ganda yata ng ngiti mo ngayon ha? parang kanina lang hindi maipinta yung mukha mo?" nababaliw na ata talaga itong kapatid ko, dalhin ko na kaya ito sa mental.. pati etong si Sam nahawa rin yata, nakangiti rin siya kay Angela at hindi naman nagsasalita..

"hoy ano? anu bang nangyari sa inyo ha? ba't kayo nagkakaganyan?" etong mga taong ito talaga, may sayad na ata.. 

"hoy narinig ko yun ah! anung akala mo sakin nababaliw na? masaya lang talaga ako para sa kapatid mo.. itanong mo nalang sa kanya kung bakit.."

hindi na kumibo si Enzo at nagpatuloy nalang siya sa paglalakad.. kasama si Gino at Crizel..

Enzo's Pov

Ano nanaman kaya yun, ang strange talaga.. siguro may balita na si Angela tungkol kay Brad.. ba't hindi ko nga ba naisip yun?!hmff.. pero 2 years na mula ng umalis siya at wala ni isang communication tapos bigla nalang magpaparamdam? hay naku bahala na nga sila.. buhay nila yan eh..

"ui pare ang tahimik mo dyan?" biglang sabat ni Gino habang nagiisip si Enzo..

"ha? wala naman.. ang strange lang kasi ng kapatid ko pati ni Sam.."

"pre, ganyan talaga mga babae.. minsan para silang mga baliw na nakatingin sa kawalan, minsan naman iiyak bigla ng hindi mo maintindihan.. kaya ayokong mag girlfriend eh, mas masarap maging single.."

natahimilk nalang si Enzo sa comment ni Gino.. wala rin naman silang magagawa kung ayaw sabihin nung dalawa kung ano nga ba talaga ang nalaman nila..

pagtapos mamili ay dumerecho na sila papunta ng Enchanted Kingdom.. tinawagan rin ni Angela si Jasmine, Angelo, Vince, Anna at Chard, upang dumerecho na rin sa Enchanted Kingdom para siguradong kumpleto ang barkada..

I Could Not Ask For MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon