4. Twin Brother.
Meah POV
Niyaya ako ni Jake.. ay este Josh pala na maglakad-lakad at makapag-usap narin.
"Uhm. Bat ngayon lang kita nakita?" Ask ko sa kanya habang kumakain kami.
"Ahh.. Nasa Korea kasi ako non, actually kakauwi ko lang kahapon." He said. "Magaling ka na ba? I mean bumalik na yung memorya mo?" Dagdag pa niya. Tumango ako sa kanya.
"May gusto sana ako tanongin sayo tungkol kay Jake." I said. Tumigil siya panandalian at umiwas ng tingin sa akin. "Kung may alam ka na kung nasan si Jake. Hindi na siya nagpapakita sakin eh. Actually ilang week nadin lalo na hindi pa siya sumipot nung anniversary namin." Tinignan lang ako ng deretso. Hindi ko namalayan na tumulo na naman yung mga luha ko kasi pagnakikita ko yung mukha niya naalala ko na naman si Jake sa kanya.
Kamukhang-kamukha niya kasi eh. Alangan twin brother nga diba.
"Uhmm. Yan ang hindi ko alam. Actually kasi hindi ko pa nakikita si Jake kahit sila mommy. Isusurprise ko sana sila kaso pinuntahan ko sila pero wala na sila sa bahay." He said. Nawala yung mga ngiti sa labi niya. "Ahh ganun ba. Wala karin palang alam." I said.
Naglakad kami ulit ni Josh pero bigla kami tumahimik. Ano ba nangyayari kay Jake? Tyaka sa pamilya niya. Nakaramdam nako ng pag-alala sa kanila. Gustong-gusto ko na makayakap si Jake at makita. Halos isang buwan na din kami hindi nagkikita eh. Nakakalungkot lang kasi birthday ko na sa sabado.
Naisipan na namin ni Josh umuwi. Pinauna ko na siya kasi dadaanan ko pa yung restaurant ko para kamustahin yung mga staff ko. Yes nag open na kami ulit, andami ngang bumalik eh. Hinihintay din nila kami magbukas.
"Hi friend." Coleen said. Nginitian ko siya. "Kamusta na?" Dagdag pa niya. "Hayyst. Ayun-ayon parin naghihintay at umaasa." I said. "Ganun talaga ang life." She said.
Tinignan ko siya ng maiigi. "Ehem. Bad mood ka ata?" I said. Umiwas siya ng tingin sakin. "Yung malandi kong boyfriend nakipaghiwalay na sakin. Duh, no cares ayoko na sa kanya at hindi siya kawalan." She said. Muntik na mahulog yung hawak niyang baso. "Opps. Sorey." Sabi niya. Pero natuluyan din ayon nahulog na talaga yung baso.
Lumapit ako sa kanya, at inakbayan. "I think you need to be careful. Yang baso nayan parang pag-ibig. Pag nahulog ng hindi inaasahan, diba? Walang sumalo. Kaya ingat-ingat lang. Hindi niya deserve mafall na walang sumasalol" I said. Nagsmirk ako sa kanya. "Tae ka. Meah hugot?" She said. Tumawa lang ako. "Ok ba? Ngayon lang ako humugot kaya pagbigyan mona."
Ngumisi siya pero bigla siya umiyak. "Oh bakit ka umiiyak?" I said. Hinimas ko yung likod niya para patahanin siya. Mukha na kaming tanga dito. "Masakit." She said. Tinignan ko yung kamay niya, may sugat. "Totoo nga na masakit kapag walang sumalo sayo pagnafall ka." She said. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hugot te?" I said. "Pagbigyan mona. Pinagbigyan nga kita eh." She said. Niyakap ko siya, hindi deserve ni Coleen masaktan.
"Sino ba yang siraulo na yan? Resbakin natin?" I said. "Nako wag na. Hayaan mo na karma yung rumesbak sa kanya." She said. "Tange. Ako karma niya. Ano!" Dagdag kopa.
"Tsk. Oh sha, magtatrabaho na ko. Marami ng tao eh." She said. Tumango ako sa kanya. Umupo muna ako para magpahinga pero bigla ko nakita yung mukha ni Jake. Oh may gad, eto na ba siya? Gusto ko umiyak. Lumabas ako para puntahan siya.
"Jake?" I said. Ngumiti lang siya sakin. Nawala yung mga ngiti ko nung ngumiti siya dahil hindi ganun yung ngiti ni Jake, si Josh pala ito.
"Alam ko na kung saan sila makikita." He said.
TO BE CONTINUED.
Author's Note: Hello! Sorry for being inactive this past week. Babawi ako ngayon dahil sembreak na. Malapit na mag christmas. Advance Merry Christmas to all.💓💘😘
YOU ARE READING
First Love Never Dies (Part 2) [ON GOING]
Short Story"We have to face the problem."-Jake Rosales. Masasabi pa ba nila na First Love Never Dies kung may darating na pagsubok sa kanilang pagmamahalan? O tuluyan na ngang mawawala ng kusa ang kanilang pagmamahalan?