⚫️Chapter 5

9 1 0
                                    

5. Jake.

Now playing: Faded

"Alam ko na kung saan sila makikita."


Nabuhayan ako dahil sa sinabi niya. "Saan naman?" I said. Lumapit siya sakin at hinawakan ang balikat ko. "Kelangan mo tatagan ang sarili mo ah." He said. Tumango ako pero dahil dun kinabahan ako sa mga sinabi niya.

Umalis na kami at dumaan kami sa bahay para magpaalam. Nasa Batangas daw sila Jake at kasama sila tita. Nagulat din si mommy na malaman niya na may kambal pa pala si Jake.

Mahaba-haba din ang byahe namin ni Josh. Oo kaming dalawa lang ang pupunta sa Baguio. Minsan di ko maiwasan na mapatingin kay Josh, kasi naaalala ko talaga sa kanya si Jake. Nasan ka na ba Jake? Ano na nangyayari sayo?


.


"Meah? Andito na tayo." Josh said. Nakatulog pala ako. Nandito na pala kami, pagbaba ko napatingin ako sa isang malaking bahay. "Bahay din namin toh. Bahay bakusyanan lang naman." Josh said. Pumasok na kami, aaminin ko na kinakabahan ako.


Nakita na namin si Tita, nanlaki ang mga mata niya. "Josh? Meah?" Tita said. Niyakap ko si Tita, namiss ko sila. "Panahon mona para malaman ang totoo na nangyari kay Jake." Tita said. Sinundan ko si tita at pumunta kami sa isang kwarto. Sa puntong iyon, pagbukas palang ng kwarto na yon. Nakikita ko na yung taong mahal ko na si Jake, nakatalikod at tila ang layo ng tingin niya sa labas. Tumulo na bigla ang mga luha ko, dahil naka wheel chair siya.


Pumunta ako sa terrace at nilapitan siya ng dahan-dahan. Umupo ako sa harap niya. Ang nakakapagtaka lang, hindi siya lumilingon sakin dahil patuloy parin yung tingin niya sa malayo.

"Kaya nangyari sa kanya yan dahil may cancer si Jake. It's tumor. Ganyan na siya, hindi na masyado nakakapagsalita tas anlayo lang ng tingin niya."Tita said. Umiyak na din si tita habang sinasabi niya iyon. Diko maiwasan na umiyak na talaga ako.

Kaya pala hindi na siya nagpapakita dahil may sakit pala siya. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sobrang miss ko na siya. "Babe. Andito nako." I said.

"Iha, pwede dito ka nalang. Tulungan mo kami, ikaw ang gusto niya makasama. Sinabi niya iyon, nung anniversary niyo. Dapat talaga pupuntahan ka ni Jake nung araw nayon pero yung araw nayun. Yun din namin nalaman na may tumor siya sa utak. Malapit na operasyon niya Meah, kailangan ka niya. Sana maging successful yon, at makaya niya." Tita said. Tumango ako sa kanya. "Tita hindi ko po iiwan si Jake. Tiwala lang tita makakaya niya yan." I said. Niyakap ko si tita ng mahigpit.

"Oh siya. Alagaan mona si Jake at maipaghanda ko na kayo ng makakain niyo." Tita said. Tumango ako sa kanya.

Umupo ako ulit sa harapan ni Jake. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko, kahit ganyan parin itsura niya. Nakabonet siya at nakajacket ng makapal na naka jogging pants. Hinawakan ko lang ang kamay niya. "Pakatatag ka Jake, dito lang ako hindi kita iiwan." I said.

Hindi ko alam kung matutunaw na ba si Jake, dahil tinitigan ko lang siya. Namiss ko talaga siya eh.

.
Inalalayan ko si Jake sa paghiga niya sa kama, ganun parin tulala lang siya hindi siya nagsasalita. Masakir para sakin na nahihirapan siya sa kalagayan niya ngayon pero kailangan ko lakasan ang loob ko. Hinimas himas ko lang yung likod niya hanggang sa napatingin ako sa gilid doon sa isang lamesa. May isang box doon at puro papel lang ang laman non.

Hindi ko maiwasan na tignan yon, nacurious lang ako.

Puro mga sulat ni Jake toh. "Para sakin pala lahat toh." Binasa ko yung mga nakasulat doon.

TO BE CONTINUED.

First Love Never Dies (Part 2) [ON GOING]Where stories live. Discover now