⚫️Daddy⚫️
Meah'POVAfter 2 weeks..
Hindi ko akalain na mangyayari toh sa akin at sa amin. Mahirap tanggapin pero kelangan eh. Ano ba magagawa ko? Eh nangyari na yung ayoko mangyari. Ewan ko ba bakit ko na nararanasan ngayon. Marami ng problema ako na kinakaharap ngayon. Yung sa restaurant ko, ilang araw ko na pinapasara dahil sa pagiging busy ko sa pamilya ko lalo na... nawala na si Daddy. Naapektuhan din yung mga katrabaho ko lalo na kelangan na nila ng sweldo dahil magpapasko na. Eto ganun paren si Jake, hindi parin nagpapakita saken.
Mas lalo ko tuloy nasasanay yung sarili ko na wala siya..
Andito ako ngayon sa harap ng puntod ni Daddy. Nung bago namatay si Daddy, nakapagpaalam siya ng maayos sa amin. Mabubuhay pa sana siya kaso siya na ang nagdesisyon dahil ayaw niya kami mag-alala.
"Dad. I miss you already." I said while my tears are falling. Yumuko ako at umiyak ng umiyak habang hawak ko ang puntod ni Daddy. "Sobrang hirap na tanggapin na wala kana Daddy. Hindi ko kaya na wala ka sa tabi namin." Patuloy parin ako sa pag-iyak.
.
Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa Quezon Memorial Circle. Nagbabasakali na nandun si Jake, kapag may time ako pumupunt ako dito at naghihintay sa kanya. Nakakapagod din pala maghintay at.. umasa.
Nakatulala lang ako habang pinapanood ng fountain sa harap ko. Hanggang sa nakarinig ako ng boses ng isang lalaki.
"Miss ok ka lang?" Tanong niya. Napalingon ako sa kanya. Totoo baton? Nanaginip bako. Pasampal nga ako. This time tumulo na ang mga luha ko at niyakap siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero niyakap ko siya ng mahigpit dahil sobrang namiss ko siya.
"Jake bakit ngayon ka lang? Nasan ka nung kelangan kita?" I said while i'm crying. Ramdam kona nilalayo niya ako. Tinignan niya ako ng deretso.
"Miss hindi..." Naputol yung sinabi niya dahil nagsalita ako. "Jake naman wag moko lokohin. May pamiss miss ka pa diyan. Eh namiss mo naman talaga ako." I said. Yayakapin ko sana siya kaso pinigilan niya ako. What's happening to him.
"Hindi kasi ako si Jake na sinasabi mo." Seryoso niyang sabi.
"What?" He nodded. Hindi ko siya maintindihan. Hindi naman ako namamalikmata eh. Alam kong si Jake toh pero hmmm.. parang may mali sa mukha niya. Napahawak ako sa bibig ko. "Babe nagparetoke kaba?" I said. Tumawa siya pero parang ibang tawa, parang hinding Jake natawang alien."Miss. oh. Meah pala, I remember you na. Si Josh toh." He said. Huh? Nababaliw na ata ako or pinapalito niya lang ako o niloloko lang. "Jake wag mo naman akong gawing tanga. Marami ka pang kasalanan sakin." I said. Tumawa na naman siya. Urgh naasar nako ah. "Miss. yung sinasabi mong Jake, kambal ko siya. Ako toh si Josh." He said. Napakunot ang noo ko. Kambal? Meron palang kambal si Jake. "Oh I forgot. Nagkaamnesia nga pala kayo. Kaya hindi moko matandaan." Dagdag pa niya.
"Uhm. Seriously? Kambal ka ni Jake?" Tanong ko. Tumango lang siya sakin. "Obvious ba Meah." Nagpogi sign siya sa akin. "Duh. Mas pogi parin yung boyfriend ko." I said. Tinarayan ko pa siya. Ginulo niya ang buhok ko. "Hindi ka parin nagbabago. Ikaw parin yung minahal ko.. ay este nakilala kong Meah." He said. Hindi ko masyado maintindihan yung sinabi niya. Nilayo ko ang kamay niya. "Ano FC ka lang?" (Feeling Close).
Tutal andito yung kambal ni Jake, baka may alam siya tungkol kay Jake.
TO BE CONTINUED
YOU ARE READING
First Love Never Dies (Part 2) [ON GOING]
Cerita Pendek"We have to face the problem."-Jake Rosales. Masasabi pa ba nila na First Love Never Dies kung may darating na pagsubok sa kanilang pagmamahalan? O tuluyan na ngang mawawala ng kusa ang kanilang pagmamahalan?