MH/B :6

2.5K 23 0
                                    

MH/B :6

*****

Rick's POV

Binagsak ko lahat ng dala dala kong plastic sa lamesa. Gago! Nakakainis! Papunta na ako sa kusina eh para gawin yung plano ko kaso..

(Flashback)

" Iho?"

Napatigil ako sa paglakad at nilingon kung sino yun.

" Magandang hapon po." Sabay yuko ko. Tae! Hindi ko to gawain.


"Magandang hapon din. Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin.


"A-eh...ano ho."


" Nako iho, pakitulungan mo nga muna ako sa mga pinamili ko. Sumakit na tuhod ko eh. Mukhang kasintahan ka ni Tanya kaya ka nakapasok dito. Kahit nga bestfriend ng batang yun na si Tom hindi papasukin dito. Swerte mo at wala dito yung ama niya. Siya iho, pakuha nalang sa labas."

Ano daw?

Naglakad na ako palabas at nginitian ko nalang yung matanda. Pagkalabas ko ng gate. Maglalakad na sana ako paalis at matakasan na yung mga yun kaso..


"Iho, andito yung mga pinamili ni Manang Elma."


Tunguna.

(End of Flashback)


Bwiset! Nakapunta pa dine.

Umayos ako ng tayo at nagkunwaring inaayus yung mga plastic.

"Iho, kumain ka muna dito. Magluluto lang ako ng pangmeryenda nyo. " sabi niya sa akin.

"Nako wag---"

"Iha, kausapin mo muna aring boyfriend mo." Sigaw niya.



"Manang!" Sigaw ni Tanya na gulat na gulat at hinawakan ako sa wrist ko at hinila ako palabas ng kusina.



Dinala niya ako sa salas at..

"Anong boyfriend ang pinagsasasabi ni Manang?!" Gigil na gigil siya habang tinatanong ako.

"Aba malay ko bang mapagkamalan ako ng matandang yun na boyfriend mo. Ako pa lang pala ang unang lalaking pinapasok mo dito." Sabay ngiti ko ng nakakaloko. Achievement din. Mwahahaha!


" Kuh! Walang hiya ka umalis ka na nga dito! " Pinaghahampas niya ako at tinutulak papunta sa pintuan palabas.




Tanya's POV




"Layas layas! La--"






" Sino ang lalaking to?! Tanya!!" Sigaw ni Daddy.


Napaatras ako at napatago sa likod ng lalaking to. At mukhang natigilan din siya at nagulat sa pagsigaw ni Daddy.


*****

Nyahahaha~ small update but interesting mwahahahaha!

4 votes ok?

Story 4: My Husband/BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon