MH/B :3 part 2

3.6K 32 0
                                    

*****

Tom's POV



Lumabas kami sa bintana na may kataasan kaya tinungtungan namin yung upuang kaninang pinagtalian ko. Binuhat ko si Tanya para mailusot sa butas. Medyo nahihilo parin ako dala nung drogang pinasinghot sa akin kanina. Wala kaming marinig na kahit anong salita, hakbang pati narin ang halakhakan nila. Mukhang wala ng tao. Sabi na eh, hindi tulad ni Tanya ang gusto ng hinayupak na Ian na yun. Pero kataka taka rin na may magandang katawan si Tanya kagaya ng huling babaeng nakita kong kasama niya sa bar. Siguro dahil may pagkanerd din ang itsura ni Tanya kaya siguro hindi niya nagustuhan.



Ano ba tong naiisip ko.
Napailing-iling ako.




"Tom." Rinig ko sabi ni Tanya sabay hawak niya sa braso ko.




Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay niya at nagtatakbo kami palayo sa lugar na yun. Nakakita kami ng tricycle sa di kalayuan kaya nilapitan namin. Pero parang nag-aalinlangan akong sumakay pero mukhang ayus naman ang pananamin niya at medyo may edad na rin. Siguro dala lang to ng pagkahilo at dahil narin sa pangyayari kanina kaya ako nagkakaganito. Wala namang masamang nangyari sa byahe namin at nagtungo kami sa bahay na tinitirhan ko. Hindi ko siya pwedeng i-uwi sa lagay niyang ito kaya minabuti ko nalang na sa tinitirhan ko siya dalhin.



Ipinagtimpla ko siya ng mainit na maiinom para mahimasmasan siya at ganun rin ako. Pareho kaming nakadroga pero hindi na kalakasn ang tama sa amin. Nakaupo siya sa kama. Naupo naman ako sa silya malapit sa pinto.





Tahimik lang kaming umiinom. Ni-isa walang umiimik. Naubos ko na ang iniinom ko at medyo bumuti buti naman ang pakiramdam ko. Tiningnan ko siya at..





"Baka inaantok ka na. Sa kama ka nalang dito nalang ako sa silya matutulog." Saad ko at lumapit ako sa kanya para kumuha ng unan ko.




"Tom.."




Napatingin naman ako sa kanya na wari ay nagtatanong kung bakit.




"Sa-salamat."





Sa halip na ikagalak ko ang sinbi niya parang my kumirot sa dibdib ko. Wala siyang dapat ipagpasalamat dahil sa may nagawa ako sa kanya na alam kong hindi niya magugustuhan kapag nalaman niya.




Pinilit kong ngumiti sa harap niya at tinap siya sa ulo niya.



"Matulog ka na." Sabi ko at nagtungo na ako sa silya at humiga na.




Ramdam ko naman ang paghiga niya at pagpapatong ng tasa sa ibabaw ng lamesa malapit sa kanya.





"Goodnight..best." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko. Hindi na ako umimik at ipinikit ko na ang mata ko.





KINABUKASAN




Nagising nalang ako na may nakabalot na kumot sa akin. Dali dali akong tumayo para tingnan si Tanya pero wala na siya sa kama.





"Tanya." Tawag ko at tumayo ako.





"Tanya." Pangalawa kong tawag pero mukhang wala siya dito. Napansin ko ang kapirasong papel sa ibabaw ng tasa malapit sa kama kaya kinuha ko ito.






Tom, hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Mukhang himbing na himbing ka sa pagtulog. Ayoko namang gisingin ka pa para lang sabihin yun. Salamat sa kagabi. Gusto ko sanang ipagluto ka pa ng makakain mo para sa paggising mo kaso wala nga pala akong pera at tanging phone ko lang ang nakuha ko. Kaya eto nalang kape, pinagtimpla kita. Siguro malamig na yan pero hayaan mo na. Wag ka ng mag-alala, nagpasundo na ako sa driver namin.



Ps. Salamat ulit



-Tanya




Kinuha ko yung kapeng tinimpla niya at tama siya, malamig na nga. Tiningnan ko ang phone ko at nakita kong may message siya na nakauwi na siya sa kanila.





*tok tok tok





Napabaling ang tingin ko sa pinto at lumapit ako para buksan.




"Hi bebe ko!!!" Sabay yapos sa akin ng baklang ito.


"Francis, anong ginagawa mo rito." Francis ang pangalan niya at kaibigan siya ni Tanya kaya parang kaibigan ko narin.



" Pahawak nga ng hoooootdog." Sabay dakma niya s part na yun kaya napa atras ang balakang ko.




"Owmeygod!! Tom, malaki na siyaaaaaa!" Tinabig ko ang kamay niya at tinalikuran siya.





"Makakaalis ka na." Sabi ko.




"Naman bebe ko! Magkwekwento lang ako kaya ako naparito.balam mo ba may nakita akong hotdog na pagala gala, let me correct jumbo hotdog talaga!" Kumikinang kinang ang mga mata niya na may pagtalon pa ng paa habang nakaupo.




"Alam ko na yan. Maraming beses mo ng nasabi." Sabi ko habang nag-aayos ng kama.




" Hindi, iba to! Super duper hot niya at ang hooooootdog niya kyaaaah!"





"Sarap na sarap ka naman?" Sabay harap ko sa kanya. Nakapamewang siyang tumayo at nagkekendeng.





"Oo naman, aabangan ko ulit siya dun, sige na babush! Teka si Tanya? Owmeygod magkagalit kayo? Diba mas maaga pa siya sa akin nakakaparito sa tinitirhan mo, why she's not here?" Tanong niya.




Huminga muna ako ng malalim at.



"Hindi kami magkagalit, nasa kanila siya ngayon. Siguro.. masama ang pakiramdam niya."





"Owem, pupuntahan ko siya. Tutal tito will allow me to come because I'm a girl unlike you. Ok bye." Sabay labas niya at sarado ng pinto.






"Tito will allow me to come because I'm a girl unlike you. Tss tae niya!" Panggagaya ko sa kanya.




*****




Eto muna for now at pinagtataka ko talaga bakit to RESTRICTED!



3 votes pls.

Story 4: My Husband/BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon