Chapter16- Meet The Family (part1)

66 2 0
                                    

Diego blurts guys!! --> --> (tignan niyo yung pic hehe thanks!)

Cassandra's POV

"Andito na tayo" pagmulat ng mata ko ay hapon na pala. Napahaba pala ang tulog ko at ang layo ng biyahe hmmm.

"Tara?" Sabi ni diego. Nasa labas na siya at pinagbuksan na pala niya ako ng pinto.

Tinanggap ko yung inaalok niyang kamay at inalalayan niya akong bumaba. Malamig ang simoy ng hangin, agad ang sumalubong sakin at tilay pahampas hampas pa sa aking katawan kaya naman gininaw agad ako. Malakas ang hangin dito kasi nasa tabi kami ng dagat.

"Isuot mo muna to para di ka lamigin. Malamig talaga dito" sabi niya habang sinusuot sakin yung black leather jacket niya.

"Thank you. Nasan ba tayo?" tanong ko.

Hapon na kaya maraming lovers ngayon. Nanonood ng sunset.

"Andito tayo sa probinsiya namin. Dapat iuuwi na kita sa bahay niyo kaya lang nagbago ang isip ko at gusto kitang ipasyal kaya dinala muna kita dito. Maganda kasi ditong tumambay pag sunset. Namiss ko na rin ito eh. Tagal ko ng di nakakapunta."

Oo nga. Maganda dito. Sobrang ganda! ^__^

Naglalakad lakad kami habang magkaholding hands, Bigla akong tumigil napatingin naman siya sakin

"Is there something wrong?" Tanong niya

"Salamat mahal" sabi ko sa kanya sabay yakap.

"H-ha? Bakit?"

"Salamat... Sobrang daming salamat. Salamat kasi dinala mo ako dito. Salamat kasi nakilala kita. Salamat kasi minahal mo ako" Sabi ko habang naiiyak. "Napakaswerte ko, kasi sa dinami daming babaeng nakapalibot at may gusto sayo ako ang pinili mo. Ako ang pinili mong ligawan at minahal mo, salamat" umiyak ako ng umiyak habang yapak yakap ko siya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil magkayakap kami ramdam ko na ang lapad ng ngiti niya. "Salamat dahil dumating ka sa buhay ko"

"Nagda-drama nanaman ang mahal ko ah" sabi niya ng natatawa. Bumitaw na kami sa pagkakayakap. Binatukan ko siya!

"Ano ba naman yan mahal! Panira ka eh! Ok na sana ang eksenang to eh" sabi ko sabay pout. Tumawa naman siya

"I love you mahal" sabi niya na ang lapad lapad ng ngiti.

"I love you too" sagot ko naman.

"Pfft. I love you more" aba! Ayaw magpatalo neto ah!

"I love you so so so so much" sabi ko haha! Oh ano ka ngayon?

"I love you mooooore than anything mahal" sagot nanaman niya. Ok nganga ako. Literal na napanganga ako. Talo ako wala na akong maisip eh. Nagpout nalang ako

Tumawa nanaman siya. Ganyan siya eh kapag nagpa-pout ako tumatawa siya. Hmp! Mukha ba akong joke?!

Bigla nalang niya akong hinalikan. Omg! Di ko inaasahan to

"Wag ka ngang magpout! Lalo akong naiinlab sa kapangitan mo eh" sabi niya sabay pitik sa noo ko.

"Hoy! Anong pangit ka jan?! Sapakin kaya kita!"

"Tara!" Sabi niya at hinila ako. Grabe naman makahila to! Matatanggal na ang kamay ko!

Pumunta kami sa isang kainan at umupo. Sosyal na kainan ito. Nasa beach pa rin kami. Spongebob ang theme nitong resto na ito. Hawig na hawig talaga yung krusty krab! Namangha ako

"Anong gusto mo?" Tanong niya.

"Krabby Patty" nakangisi kong sabi. Lumapit siya sakin at pinisila ng magkabilaang pisngi ko.

***

"Halika na!" Sabi niya at hinila nanaman ako! Hindi siya mahilig sa paghila noh?!

Huminto kami sa entrance nung resto. Tumingin siya dun sa spongebob at patrick na nasa tabi ng pintuan. Binigay niya sakin ang phone niya. "Picturan mo kami" Utos niya

"Hahahahahaha!" Di ko na napigilang tumawa. Oo nga pala naalala ko, fan na fan siya ni spongebob. Tinignan naman niya ako ng masama kaya pinicturan ko nalang siya kasama nung spongebob at patrick na mas malaki pa sa kanya.

Pagkatapos ko siya picturan ay hinila nanaman niya ako. Hayss. Bumalik na kami sa manila pagkatapos nun. 9:40 na kami nakadating sa pupuntahan namin. Di niya ako inuwi at pumunta kami sa airport. Wala pa syang tulog dahil siya ang nagdrive pero ako patulog tulog lang. Naaawa tiloy ako sa kanya

"bakit tayo andito?" Tanong ko sa kanya

"Napag isip isip ko na mas maganda kung ipapakilala na kita sa mga magulang ko"

Nagulat ako sa sinabi nya kaya hindi ako nakasagot kaagad, nagulat ako. bakit agad agad?

"Uhm. B-bakit? Parang masyado pang maaga ah"

"Pfft! 9:40 na kaya! Hindi na 5:30 kaya di na maaga" Pamimilosopo niya. Binatukan ko nga

"Umayos ka nga!" Bulyaw ko. "Kinakabahan ako. Paano kung di nila ako magustuhan? Paano kung sabihan nila ako ng masasakit na salita? Paano pag pinaghiwalay nila tayo? Lalo na yung daddy mo" dagdag ko.

Mayaman kasi sila diego. Kilalang kilala ang pamilya nila sa ibang bansa. Successful sila masyado at alam kong di ako magustuhan ng daddy nya dahil mapili yun sa babae kwento sakin ni sapphire, pinsan niya. I mean, mayaman naman kami tsaka isa sa pinaka kilala at pinaka mayaman ang pamilya namin gaya ng pamilya nila, kaso... Paano kung di matanggap ng pamilya niya na mafia boss ang daddy ko?

Yun ang kinakatakot ko. Baka kung ano pa ang mangyare.

"Teka, uuwi muna ako, magpapaalam ako kina mommy, tsaka wala akong dalang damit. Eh yung plane ticket natin ang problema natin" bakit ganito ang nafe-feel ko? Feeling ko may mali! Bat parang agad agad? Pwede namang next week pa or next month. Di ako nakapagready!

"Wala na tayong problema" sagot niya at bigla nalang may kinuha sa bulsa niya. Waaaah! Plane tickets! Tinuro din niya yung dalawang maleta na nasa likod niya. Yung isa parang familiar. Hmmm. Teka! Akin yan ah!

"Nakausap ko na ang mommy mo, pinaalam na kita at pumayag sila nung sinabi ko ang rason" ang lapad nanaman ng ngiti niya. Hindi ko inaasahan to. Nakaready na lahat? Teka san naman galing yan? Wala pa naman yan kanina ah. Bigla niyang tinuro ang dalawang lalaking nasa malayo na kumakaway sa amin "pinaayos ko kina b1 at b2 yan, sila narin ang bahala sa kotse ko pag umalis na tayo" waaah! Teka sino naman yang mga yan?! Hahaha! Di ko kinaya yung tawag niya sa kanila, b1 at b2.

"B1 and b2, bodyguard1 and bodyguard2 pfft" dagdag nanaman niya. Ok hinahangaan na talaga kita haha.

"Halika na!" Sabi niya at as usual, hinila nanaman niya ako for the nth time *pout*

***

The Mafia Heiress (ON- GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon