An: continuationEnjoy reading!
Ate jamm,
Hindi ko aakalain ate jamm. Sobrang bilis ng panahon. Hindi ko aakalain na almost 3 months na kaming magkaka-klase.
Sa lumipas na almost 3 months ay puno ng saya ate jamm. Marami saking mga kaklase ay makukulit at mahaharot. Pero mayroon pa akong naging kaibigan. Sina Marzia Theresa Pore at Sofie Andrea Castillo.
Naging close agad kaming lima. Masaya kami at palaging nagtatawan. Nga pala, na-elect as president si Daph. Pero nag-quit siya after ilang days. Mahirap daw. Nagre-elect tuloy ng bago.
"Guys! Punta tayo sa canteen? Sino ba bibili sa inyo?" Tanong ni Daph sa may labas.
"Uy ako! Wait lang! Tara canteen daw!" Sabi ko naman kaya lahat kaming lima ay sama-samang magpunta sa canteen.
"Naka-review na ba kayo? Malapit na exams ah. Hindi kasi ako nag-review." Sabi ni daph.
"Hindi pa din eh. Hahaha." Patawa kong sabi. "Ikaw ba Tere?" Dugtong ko.
"Hindi din. Sigurado ako di rin nagre-review tong dalawa na to." Sabi ni Tere at natawa.
"HINDI NGA! Hmmf. Hahaha." Sabi ni Gemina. Para talaga tong ano.
"Okay lang." Sagot naman ni Andrea. Pffft.
"Stock knowledge nalang mga bes." Tugon ni Daphnie. Hahaha gawain ko yan ah.
Maya maya bumalik din kami sa room na may bitbit na chips, biscuits at bottled water nang may biglang nangharang sakin.
"Uy Nheil! Nako baka may lason yan! Pahingi naman. Test ko muna kung safe yan!" Sabat ni.. Wait ano nga pangalan nito??
"Mga galawan neto ni Juwan eh. Hahaha!" Sabi ni Gemina.
Ayun! Juwan pala pangalan nito! Si Juwan Alfred Sayo. Palagi nalang yang nanghihingi. Nasanay na yata ah. Pati rin yung kasama niya na si Matthieu Alain Zabat. Hahaha. Pansin ko na laging magkasama yang dalawang yan. Tapos may kasama din sila na isa eh. Ang pagkaka-alam ko eh dancer yun.
"Heh! Tumigil ka Juwan. Palagi nalang ah?" Sagot ko at iniwas sa kanya yung hawak kong pagkain. "Kawawa naman ako sa inyo lagi kung ganyan." Dugtong ko pa at lumipat ng ibang pwesto. Pero ang dalawa sus, pumunta parin sakin.
"Nheil, konti lang naman eh. Gara naman neto. Dali na." Sabi ni Juwan.
"Hindi nga--" Naputol yung sasabihin ko nang bigla na siyang kumuha dun sa hawak kong bag of chips. Ang konti nga niya kumuha to be honest. -_-
"Hala ehhh!" Pagmamaktol ko. "Nakaka-inis ka arghh! Wag kang lalapit sakin ah! Tatadyakan talaga kita!" Sigaw ko sa sobrang inis. Ugh kainis. Punyeta.
"Eto nalang gurl oh." Alok sakin ni Daph ng chips since same lang kami ng kinakain. "Dali na kuha ka na. Grabe sila. Parang di naka-kain." Dugtong pa niya.
"Nako sinabi mo pa! Nakaka-inis nga eh. Next time itatago ko nga yung pagkain ko!" Sabi ko.
Ate jamm, nakaka-stress talaga pang may kaklase kang matakaw eh no?
--
2 N D G R A D I N G
Pagbasa ko sa sinulat ko sa notebook ko.
Bakit ganon? Ang bilis naman mag 2nd grading. Parang dati lang 1st grading palang ah. Hays.
Naging successful ang 1st quarter ng studies ko ate Jamm. Wala naman akong bumagsak na subjects pero may iba pa na kailangan ko pang ihabol like projects.
Naaalala ko tuloy nung exam namin...
*flashback*
"Andyan na si Sir!" Sumigaw si Daph habang tumatakbo papasok sa room.
Eh? Di pa ako nakaka-review hala! Patay naman oh.
"Ano bang subject yung susunod?" Tanong ng classmate ko na si Jayvee Caralde.
"Mapeh." Sabi ko at napatingin sa teacher naming si Sir John Felavel Sinocruz na naglalakad palang papunta sa room namin. Nang-hiram ako saglit ng notes kay Andrea at tumingin ng lesson doon pero pasadahan lang.
"Good afternoon class." Hala patay nandyan na pala.
"Good Afternoon sir Sinocruz." Pagbati namin.
Nang umupo na kami ay nakita kong ina-ayos pa ni sir ang ilang test papers kaya medyo may time pa ako na makapag-review ng kaunti.
"Okay paki-tago na yang mga notebooks niyo. Wala dapat akong makikitang notebooks diyan sa armchairs niyo ah?" Sabi ni sir kaya naman tinago na namin ang mga notebooks namin.
Kumuha na ako ng paper, pen at of course ang pamaypay ko. Medyo mainit kasi sa room namin. Pero minsan lumalamig din naman dito. Ganon naman diba? Pabago-bago nga kasi temporary lang. K.
Nung natanggap ko na ang test questionnaire tiningnan ko kung 1 to ano. Pusang gala! 80 items!?
Since ang subject na mapeh ay may 4 division. Music, arts, pe, at health. Tig- twenty items bawat division kaya 80 in total.
Binuklat ko yung pamaypay ko at tinakip sa mukha ko. Then lumingon ako kay Gemina since siya yung katabi ko. Tinanong ko siya kung alam niya. Pero sabi niya hindi daw.
Ang ending ate jamm eh success naman kasi nakapag-tanungan pa kami ng sagot sa pamamagitan ng pamaymay. Hahahaha.
*end of flashback*
Hahaha so ayun masaya naman ako sa results ng test ko. So thankful talaga.
Hanggang dito nalang muna ate jamm ah?
😘😎
An:Sooo, kamusta naman and 2nd chappy natin? What can you say sa ibang characters na na-expose?
YOU ARE READING
Ate jamm series 01: ASARAN
Teen Fiction. "Ako si Nheil. Nheilanie Fauster Felix. Nandito ako para isulat ang kwento ng lovelife ko. Gusto kong isalaysay sa inyo ang lalaki na unti-unti kong nagustuhan. Siya si--" *booggshh* (nabunggo ng truck) Just kidding. Alamin ang storya. Tnx. Autho...