An:
Enjoy reading!😘
Ate jamm,
Kasalukuyan akong nasa upuan ko at gumagawa nung assignment ko para sa last period na subject namin. Arts pa naman ito at syempre kailangan ko na maging mabusisi para mataas ang grades na matanggap ko."Award yown!" Narinig kong sabi ng classmate kong si Allen Paul Aquino A.K.A si Sanggre Allena Pauline. Lagi ko nalang naririnig sa kanya yang "Award yun" na yan. Kaloka.
"Nheil nasaan na yung blue crayon?" Tanong sakin ni Juwan.
"Nandyan lang yan. Uso kasi hanapin." Sagot ko at patuloy na nagkulay.
"Eh hindi ko nga makita eh. T*ngina. Saan mo ba kasi nilagay?" Sabat pa niya.
"Tinungtong ko nga lang dyan. Kingina to." Sagot ko at hinanap yung blue crayon. Nakita ko naman yun agad.
"Ayan oh. Yan! Mata kasi ang ipinanghahanap! Hindi bibig!" Sagot ko sa kanya at padabog na binigay agad yung blue crayon. Gusto ko na agad matapos yung gawa ko. Nakakangalay mag-kulay.
"Pahiram nung black." Sabi niya."Ginagamit ko pa. Mamaya na." Sabi ko naman. Para namang walang mata to.
"Ang bagal mo kasi." Nababagot na sagot sakin ni Juwan. Ano ba naman to di man lang makapag hintay.
"Eh, kung ikaw kaya ang mag-color nito? Nanghihiram ka na nga lang eh." Inis kong sagot sa kanya.
Habang nagkukulay ako, medyo napapansin ko na nakatitig lang siya sakin. Nakikita ko siya sa gilid ng paningin ko pero pinabayaan ko nalang kasi ayokong mag-aksaya ng oras sa kanya. Maiinis lang ako.
"Nheil..?" Mahina niyang tawag.
"Ano nanaman ba?" Sagot nang hindi man lang tumitingin sa kanya.
-_-
O_O
"ARAY KO, AH!" Sigaw ko sa sobrang sakit. Leche. Kinurot niya lang naman kasi yung pisngi ko ng sobra. Kainis ka talagang Juwan ka! Wala ka nang magawang matino argh!
"Leche ka wag kang manghihiram sakin ng crayons!" Pagalit kong sabi tapos ang sama ng tingin ko sa kanya habang hawak ko yung pisngi kong malambot. Pag nahawakan kitang Juwan ka kakalbuhin kita.
Tumakbo siya ate jamm sa bandang likod kasi akala niya siguro hahabulin ko siya. Neknek siya. Asa siya dyan!
"Wag na wag kang lalapit sakin ha!? Kundi papaslangin kita! Bwisit!" Padabog kong sabi sa kanya. Ate jamm nandidilim na ang paningin ko dyan! Sarap ipa-salvage ang peste!
Lumapit muna ako kila Andrea na nag-cocolor din ng assignment niya. Napatitig siya sa akin.
"Hala Nheil, yung pisnge mo ang pula." Bungad niya agad sa akin.
Napasimangot ako. "Epal kasi yang Juwan na yan eh. Ewan ko kung anong trip sa buhay kung bakit kinurot ako sa pisnge."
"Oo nga bal. Ang pula nga." Sabi naman ni Gem. Bal ang tawagan namin since matagal na kaming mag-besty.
"Kaya nga eh." Inis kong sagot at tumingin ng masama kay Juwan saka umirap. Yung bangs ko stress na ate Jamm. Sobra.
Buti nalang after nun tinigilan na niya ako. Nagsawa na siguro ang leche. Aba, kung hindi lang siya tumigil eh hahampasin ko siya sana ng upuan.
--
"Hays, nakaka-antok." Rinig kong sabi ni Daph. "Kaya ayoko ng pang-hapon na klase eh." Sabi pa ulit niya at nag-unat unat ng braso.
Well sang-ayon din ako sa kanya kasi feeling ko ang tagal ng oras kapag hapon na. 12:15 pm to 6:00pm kasi ang klase namin. Vacant kami ngayon kasi may biglaan na pinuntahan yung magiging teacher namin. May pina-iwan lang siya na lectures na dapat na kopyahin namin.
Feel ko ang sipag kong magsulat today.
Its Friday and yes buti nalang weekends bukas kaya may time akong mag punta doon sa plaza na malapit sa amin. Mahilig kasi ako tumambay doon to refreshen my mind. Nakakaloka kasi ang mga lesson namin. Char lang.
Since vacant time at kumo-kopya lang kami ng lecture, may mga classmate akong nagpapatugtog. Well hindi ko na pinapa-kelaman since I really enjoy music so much. Nakakarelax magsulat lalo nat may music kang sinasabayan. Basta patayin nalang nila yang tugtog nila pag may dumaan na teacher.
Since busy ako sa pag-susulat, hindi ko namalayan na umupo na pala sa tabi ko si Juwan. Tinatong lang niya ako about some stuff and nag-kwentuhan lang. Well, I really enjoy his company naman and may times na masarap talaga siyang kausap. May times rin na mababanas ka talaga sa kanya.
These past few days, napapansin ko sa kanya na ang hilig niya mangurot ng pisnge. Yun bang parang bigla siyang manggigigil sa akin. Ang weird niya talaga sa part na yun. Ang diin pa naman kaya yung inis ko talaga ay grabehan.
Parang dati di ko yan kilala. Tapos samantalang ngayon eh nagkakasakitan na kami.
"Uy Nheil!!" Kalabit niya sakin.
"Oh?" Sagot ko pabalik nang di man lang tumitingin sa kanya.
"Kilala mo ba to?" May pinakita siyang something sa phone niya na picture chuchu.
Sandali lang akong sumulyap sa phone niya. "Di eh." Maikli kong sabi at nagpatuloy na nagsulat. Gusto ko na kasing matapos agad tong lecture namin na ang haba. Ang sakit na sa kamay.
"Ang tanga mo naman! Di mo to kilala?!" Halos pasigaw niyang sabi at...
Hinampas ako ng bench bath na towel ni gagu! Letche ah! Masakit yun ah!
"Aray ko! Loko ka kung makahampas ka ah! Nag-aano lang ako dito eh. Umalis ka nga dyan!" Hinampas ko din siya ng towel ng tuloy tuloy kaya naman napa-alis siya at pumwesto na dun sa bandang likod.
Masama ang tingin ko sa kanya sa inis ko nun. May pa-ngisi ngisi pa siya sakin! Tss. Buti nalang wala akong period kaya pasalamat siya hindi ko siya nahampas ng upuan. Halos malaglag na ang bangs ko sa sobrang stress nun.
Maya-maya natapos ako magsulat at medyo gusto kong kumain kaya inaya ko muna si Andrea sa canteen since di yata siya kumopya ng lecture. Manghihiram nalang yata daw siya ng notebook.
Most of I bought is something sweet. Mahilig ako sa sweets and I love them so much. Candy, chocolates makes my day happy.
Nang papunta na kami sa room, naka-salubong ko sila Juwan kasama si matt. Sus lagi naman talagang magka-sama yang dalawang yan eh.
But meron talaga akong napuna...
Omg pandak siya! *insert natatawang face here*
Bigla akong napa-ngiti doon sa naisip ko. Pandak si real. May pang-ano na ako sayo. Kala mo ah.
"Oh ngiti-ngiti ka dyan?" Biglang tanong sakin ni Andrea.
"Wala, ang ganda ko kase." Sabay kagat doon sa Cream O cookie na pa-sexy. Sumulyap ako doon sa inuupuan ni Juwan.
>,<
Hahaha. Naalala ko nanaman.
Konsensya: Kala mo naman matangkad ka kung makasabi ka ng pandak. Di mo ikakatangkad yan uy.
Konsensya na to manahimik ka dyan. Panira ka ng momentum eh. Sungalngalin kita dyan eh makita mo. Shut up.
Hanggang dito po muna ate jamm.
Babalikan naman kita. Di kita iiwan.
😍An: Hows this chappy?
YOU ARE READING
Ate jamm series 01: ASARAN
Teen Fiction. "Ako si Nheil. Nheilanie Fauster Felix. Nandito ako para isulat ang kwento ng lovelife ko. Gusto kong isalaysay sa inyo ang lalaki na unti-unti kong nagustuhan. Siya si--" *booggshh* (nabunggo ng truck) Just kidding. Alamin ang storya. Tnx. Autho...