Chapter 4

84 2 0
                                    


Chapter 4

~***~

Lia's POV

"Oh? Anyare sa fes mo girl? Hagardo Versosa ka na!" Bumungad kaagad sakin si Kath pagpasok ko pa lang ng office. Buti na lang wala pa si Sir Luke kaya kahit lalamya lamya ako na pumasok ng opisina ayos lang.

           Puyat ako kagabi dahil alas dos na ako nakauwi sa dorm. Nagdodorm lang ako mula ng magtrabaho ako sa kompanya ni Luke. Medyo malayo din kasi yung bahay namin. Sayang ang pamasahe kung araw araw akong magba-byahe.

"Over night kasi ako kagabi, may pinatapos sakin si Sir Luke"

"Ah kaya...oh siya, maiwan muna kita. Tatapusin ko muna yung trabaho ko bago dumating yung halimaw sa banga"

              Dumeretcho kaagad ako sa table ko. Halos dalawang oras lang ang tulog ko. Inayos ko yung schedule at mga papeles ni Sir kagabi. Buti na lang magaling na tong kamay ko. Magdamag kong binabad sa yelo.

              Umubob muna ako sa table ko. Wala pa naman akong gawain dahil wala pa rin si Luke dito. Balak ko munang matulog. May 30 minutes pa naman ako kaya pwede pa akong magpahinga.

"Nandyan na si Sir!"

             Nagtakbuhan silang lahat pabalik sa tables nila. Ako naman napabangon kaagad ng makita na parating na siya. Lahat ng inaantok sa office namin biglang nagising. Yung brain cells ko gumana ng kusa at yung mga mata ko na lalamya lamya biglang nanlaki.

"Into my office"

Senyas niya sakin. Nagmadali akong binuksan yung pintuan ng office niya tsaka pumasok sa loob kasama siya. Umupo siya sa table at nakita yung mga tinapos ko na papeles kagabi

"What's this?" Tanong niya.

Ang aga aga magkasalubong kaagad ang kilay niya

"Uhm...yung pinapatapos niyo po sakin na papeles"

"Why is it here?! Sinabi ko ba na ilagay mo to dito!" Itinalsik niya yung mga papel sa lamesa. Ako naman nagmadaling pinulot yun. Sabi niya gusto niya daw matapos ko kaagad yun. Tapos ngayon itatapon niya lang. Haish.

Pambihira ka talaga Luke

"S-sorry po...."

"Timplahan mo ko ng kape yung--"

"Madaming madaming creamer...okay po" aalis na sana ako ng bigla na naman siyang magsalita

"Pwede ba wag mo kong pangunahan? I don't want creamer on my coffee....even sugar. Bilis!"

           Lumabas kaagad ako ng office niya at dumeretcho sa kitchen. Habang nagtitimpla ng kape, napaisip ako bigla sa sinabi niya. Dati kasi gusto nya ng sobrang daming creamer. Ako pa mismo ang nagtitimpla nun para sa kanya. Ayaw niya ng walang creamer at hindi niya yun iniinom kapag purong kape lang. Matabang daw kasi

          Pero gayon pati mga hilig niya nagbago na. Ibang iba na nga talaga siya. Ilang buwan pa lang yung nakalipas pero an laki na ng pinagbago niya. Hindi ako sanay at hindi ko na makita sa kanya ang lalakeng minahal ko noon.

Siguro nga boss ko na lang siya ngayon at trabahador niya na lang ako ngayon.

          Pagpasok ko sa office niya, inilagay ko na lang sa table niya yung kape niya. Pinanood ko lang siya ng iinumin niya na yung kape na tinimpla ko sa kanya. Wala namang lason yun. Gusto ko lang makita kung talaga iinumin niya yung kape. Para akong tanga habang nagaabang dito kung iinumin niya yung kape pero

Ininom nga niya

"What? Ano pang tinatanga tanga mo dyan?" Tanong niya

"Uhm...wala po...sige po"

Lumabas kaagad ako ng office niya. Oh ano Lia? Nakita mo na ngayon na ibang iba na talaga siya. Ano pa bang inaasahan ko? Ako ang may gawa nun sa kanya. Hindi na dapat ako magtaka.

~***~

WayBackIntoMyHeart

His Runaway BrideWhere stories live. Discover now