Chapter 23

103 3 0
                                    


Chapter 23

*****

Lia's POV

"WHO THE FUCK TOLD YOU TO CANCEL MY MEETING!"

Yan agad ang bumungad sakin pagpasok ko pa lang ng office. Imagine, naka glass wall ang office ni Sir pero rinig na rinig yung boses niya bago ka pa man makasakay ng elevator. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Maghe-hello ba ako sa kanya dahil pumasok na ako?

Baka kasi sakin niya ibunton ang galit niya. Kitang kita ko pa naman kung pano niya pagalitan yung assistant na kinuha niya nung panahon na wala ako. Dumeretcho ako sa table ko at sinalubong kaagad ako nilang apat.

"Beshy! Bakit ngayon ka lang nagpakita!"

"Oo nga Lia akala namin nag quit ka na"

"Ano bang nangyari sayo ha?"

"Alam ba ni Sir Luke yung dahilan ng pag absent mo?"

Syempre. Siya nga yung dahilan eh

        Hindi ko nasagot ang sunod sunod nilang tanong. Nakatuon lang ang tingin ko dun sa umiiyak na assistant ni Lu--Sir Luke dahil sa mga mura na natatanggap niya. Naaalala ko tuloy yung mga araw na ako ang nasa posisyon niya.

         Ganyang ganyan din siya magalit sakin. Ganyan din niya ibuka ang bibig niya para magmura pero hindi ako katulad ng babaeng nakikita ko ngayon. Hindi ako kailanman umiyak sa harap ni Sir Luke dahil lang sa napagalitan niya ako. Kung umiyak man ako

Sa C.R ko yung ginawa

"Uhm...nagka LBM kasi ako kaya ako absent" mahina kong sabi

"LBM for two weeks? Grabe naman yun!"

Hindi kapani paniwalang dahilan pero naniwala sila. Minsan malaki din ang naitutulong ng pagiging uto uto.

"Puntahan mo na si Sir. Sabihin mo na nandito ka na" sabi sakin ni Kath

"A-ayoko nga! Baka mamaya sakin pa yan magalit!"

"Hindi yan! Ipapaalam mo lang na ikaw pa rin ang assistant. Kasi naghire siya ng bago nung nawala ka. Bilisan mo na! Pumasok ka na bili!"

"Ha? A-ah...eh..."

"Wag ka nang magsalita! Pumasok ka na!"

Tinulak nila akong apat papasok sa loob ng office. Sobrang lakas ng kabog g dibdib ko dahil sa takot. Nakatalikod si Sir Luke kaya hindi niya nakita na nasa likudan niya lang ako.

Kahit nakatalikod siya, alam kong badtrip na badtrip siya ngayon. Ay! Palagi pala siyang ganyan. Sanayan lang yan eh. Teka...

Anong gagawin ko dito?

Anong sasabihin ko? I mean...hihintayin ko ba muna bago siya kumalma saka ako magsasalita o kaya naman...

"Sir Luke!" Bigla siyang humarap sakin dahil sa narinig niya. Napatikom na lang ang kamao ko dahil sa sobrang takot. Hindi ako yung tumawag sa kanya kung di yung apat na bakulaw na nagtatago sa labas ng office niya!

"WHAT!"

Saka niya pa lang narealize na ako yung nasa likod niya kaya bigla siyang umubo at muling nagsalita

"I mean...*cough*...What?"

Biglang naging mahinahon ang boses niya kaya mas lalo akong na-weirduhan.

"S-sir...gusto ko lang pong sabihin na nandito na po ako"

"...and?"

Ang sungit pa rin niya.

"Uhm...bago na po ba ang posisyon ko? Janitress po ba? O taga linis ng kubeta?" Tanong ko

"No. Youre still my assistant" maikli niyang sabi

"Po? Eh may assistant na daw po kayo eh. Siya po" timuro ko yung babaeng umiiyak dun sa gilid.

"Oh about that, Emily......" tinawag niya yung assistant niya na nagpupunas ng luha

"Yes sir?"


"Youre fired" mahinahon niyang sabi

Hindi nagsalita yung babae pero iyak ng iyak na lumabas ng office niya. Pambihira naman oh! Kailangan talaga sa harap ko yun gawin?

"Bakit mo ginawa yun! Sabi mo magbabago ka na!"

Umupo lang siya sa upuan niya at saka nagbasa ng mga article. Yung mukha niya parang wala man lang nangyari. Kalmadong kalmado lang siya at parang walang pakialam.

"I told you na hindi na kita pahihirapan. And that will only apply to you, hindi sila kasama. Besides, she did her work wrong"

Oo nga naman.

Wala nga naman sa usapan namin ang magbago siya sa lahat. Tiningnan ko lang siya ng seryoso. So ibig assistant niya pa rin ako? Hindi nagbago ang posisyon ko?

"You can go and make me a coffee"

       Lumabas kaagad ako sa office niya at nagtimpla ng kape niya, habang ginagawa ko yun, tinatanong ko ang sarili ko kung posible kaya talaga na hindi na niya ako pahirapan? Kawawa naman kasi yung babaeng tinanggalan niya ng trabaho. Malay mo nangangailangan talaga yung babae ng trabaho. Parang ako lang noon

        Dapat kasi sinabi ko na lang sa usapan namin na dapat magbago siya sa lahat. Sayang naman. Pagkakataon na rin yun para maging anghel siya ulit

*****
His Runaway Bride
WayBackIntoMyHeart

His Runaway BrideWhere stories live. Discover now