Chapter 11

78 1 0
                                    


Chapter 11

*****

Lia's POV

"LIA! WHERE ARE THE PAPERS THAT I TOLD YOU TO FINISH?!!!"

Pagbaba ko pa lang ng mga gamit ko sa table, sigaw niya agad ang bumungad sakin. Wala man lang upo upo o pahinga. Dapat deretcho agad sa tabaho. Kakarating ko lang galing sa Batangas. Inutusan niya ako na mag asikaso ng mga dokumento na kakailanganin niya para sa partnership ng kompanya niya sa De Villa.

Hindi ko na nagawang magpalit ng damit kahit ramdam na ramdam ko na pawis pawisan na ako. Dumeretcho agad ako sa office niya.

"S-sir...hindi ko pa po natatapos kas--"

"FOR PETE'S SAKE LIA! KAHAPON KO PANG INUTOS SAYO YUN!"

"I was about to finish it sir pero po inutusan niyo ako na ayusin yung dokumento niyo sa Batang--"

"And now youre blaming me?! What kind of assistant are you?! I want those papers NOW!"

Pagkasabi niya nun, nagmadali akong lumabas ng office niya. Sobrang lakas ng kabog ng dib dib ko. Pagbalik ko sa table ko, aligagang aligaga ang kaka stapler at kaka high lights sa mga papeles na pinapagawa niya.

Hindi na ako nakapag almusal tsaka nakapag tanghalian. Nangangatal na ako sa gutom pero tinitiin ko lang. Ayoko na mawala sakin tong trabaho kong to.

Kailangan ko to. Para to sa pamilya ko. Yan ang lagi kong iniisip para kahit gaano man kahirap ang ipagawa niya sakin magagawa ko.

"LIA! I NEED IT NOW!!!"

Sakto naman na ntapos ko yung mga ginagawa ko bago pa soga sumigaw. Pero sa kakamadali kong tumayo at tumakbo papasok sa office niya...

Nadapa ako at lahat ng papel na hawak ko, natapon lahat. Umupo ako sa sahig kahit na sobrang hapdi ng palad ko. Yun kasi yung napatama sa sahig nung nadapa ako. Pinulot ko ng isa isa yung mga papeles na naka kalat sa sahig. Tinulungan ako ni Joey pero habang pinupulot namin ang mga yun, bumungad sa harapan ko ang paa ng isang babae na nakatayo sa harap ko.

Heels pa lang, halata na may kaya siya sa buhay. Mula ulo hanggang makarating ako sa mukha, tiningnan ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon at pagtingin ko

"DAMN IT LIA WHERE IS--"

Natigilan si Lu-- Sir Luke ng makita niya yung babaeng nasa harapan ko. Magkakilala sila? Malamang. Hindi naman yan pupunta dito kung hindi niya kilala si Luke.

Maganda siya.

Yung ganda niya parang pang model. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng insecure. Siguro dahil na rin sa kung pano niya ako tingnan at kung pano niya ako pag taasan ng kilay. Teka, sino ba siya? Tsaka kaano ano ba siya ni Luke?

"Surprise Luke! I'm here"

Nilapitan niya si Sir at saka hinalikan sa pisngi. Napalunok ako ng ginawa niya yun at saka sinubukan na umiwas ng tingin sa kanilang dalawa. Nakakahiya naman kasi. Baka nakakaistorbo ako.

"Lexa what are you doing here?" Tanong niya

"I've missed you..." Sabi niya habang naka lingkis sa braso ni Sir.

Wow.

Ang gandang linta naman nito.

"...tsaka isa pa, i'm here for the papers that i will sign. So where is it?" Tanong niya.

"Let's go inside. Lia, dalhin mo sa loob yung mga papeles na pina asikaso ko sayo" dere deretcho niyang sabi at saka inalalayan na parang may sakit yung magandang babaeng linta papasok sa office niya.

Ang sweet nila. Kinikilig ako.

"Anyare sa fes bes?" Tanong ni Joey

"Wala... Ibibigay ko lang to"

Pumasok ako sa loob ng office. Nakita ko na minamasahe nung Lexa si Sir. Ay...bongga. May masahista na pala si Sir ngayon. Ayos.

"Sir, eto na po"

Nilapag ko sa table niya yung mga papeles na hinihingi niya. Naalala ko bigla, yan yung papeles na inasikaso sa Batangas kaninang umaga, at pipirmahan ni Lexa yung mga papel. Ibig sabihin siya yung kapartner ng kompanya ni Luke?

De Villa siya?

Kaya pala siya nandito. Bukod sa namimiss niya si Luke, paguusapan nila yung partnership ng kompanya nilang dalawa. Great couple. Habang pinipirmahan ni Sir yung mga papeles, alam kong nakatingin sakin yung babae at hindi ko alam kung bakit. May dumi yata ako sa mukha.

"Excuse me...what's your name?"

Humarap ako sa kanya para makasigurado na ako yung tinatanong niya. And guess what...ako nga

"A-ako po?" Tanong ko

"Sino pa ba ang nandito?" Sarcastic niyang tanong

"Lia po....Aliandra Castillo" nagbago yung expression ng mukha niya at agad na napatingin siya kay Sir. Medyo lumapit siya sakin ng konti at naglakad lakad paikot sakin. Pakiramdam ko sinusuri niya ako. Tinitingnan niya ako at ramdam ko ang mga salita na tumatakbo sa isip niya ngayon.

"She's your ex girlfriend right?" Deretcho niyang tanong

"Oopps...sorry, pardon me. Ex soon to be Wife' ...to be specific" hindi sumagot si Sir Luke. Pano niya nalaman? Tsaka anong rumor ang tinutukoy niya? Maglilimang buwan nang nangyari yun. Siguro sapat na panahon na yun para makalimutan yun di ba?

Hindi na niya kailangang ibalik yun

"Lexa stop it. You're here for business"

"I didnt mean to say anything Luke. I just want to know the answer."

"Yes" maikli niyang sagot. Gusto ko nang lumabas ng office niya. Sino ba naman ang matutuwa kapag nilalait ka sa pamamagitan ng tingin? Kasi nararamdaman ko yun ngayon. Nararamdaman ko na sobrang liit ko ngayon dahil sa tingin nilang dalawa sakin.

"...but it was before. Matagal na yung tapos"

Nang marinig ko yun sa kanya, malaki ang parte sa utak ko na hindi naniwala sa kaniya. Nagawa niyang sabihin na tapos na yun pero ni minsan....ni minsan hindi niya naiparamdam sakin na napatawad na niya ako.

"You can go"

Tumalikod ako sa kanila at nagsimulang maglakad palabas ng office niya. Huminga ako ng malalim at nagpanggap na ayos lang ako. Teka, ayos lang naman talaga ako eh. Wala naman akong dapat ipagpanggap. Kasi ayos lang ako. Tsaka yung nangyari dati....sa kanya mismo narinig na tapos na yun. Siya ang boss ko at dapat akong maniwala sa kanya.

Tapos na yun, at hindi na dapat yun balikan

His Runaway Bride
WayBackIntoMyHeart

His Runaway BrideWhere stories live. Discover now