Chapter 14: Bigat Lang
-Jess POV-
Nasa bus na kami pauwi. Tinitignan ko yung mga pictures na kinuhanan ko kanina sa may retreat house para salast activity namin. Namimili ako ng mga magagandang kuha na ilalagay sa cd. Ipapasa kasi yun sa Tuesday kay Mrs. Santos.
Habang tinitignan ko mga picture di ko maiwasang mainis. Pano ba naman eh si Nessa at Joseph apaka sweet. Ako din naman kasi may kasalanan eh. Pumayag pa ko sa kagustuhan ni Joseph na si Ness ang ilove team sakanya. Tae! Nakakainis lang talaga!
Tapos, sinagot pa ni Nessa si Joseph habang nasa photoshoot sila. Taragis! Bat ba kasi kailangan pang ako yung photographer? Marunong din naman si Adam mag picture eh. Tsk!
"Tol! Maraming salamat sa picture namin ni Nessa! Grabe, sobrang saya ko ngayon! Hahaha" Nagulat ako ka Joseph katabi ko na pala.
"Ah. W-wala yun." Tipid ko namang sagot
"Tol, patingin naman ng pictures namin ni Nessa sa cam mo."
Ano pa ba magagawa ko? Edi, ipahram sakanya yung cam.
Nakakairita! Nakakainis! Nakakaulol! Nakakagago! Basta, lahat ng nakaka!
Nakarating din kami sa school ng matiwasay. Ayun, lahat sila inuusisa sina Nessa at Joseph. Ako? Eto nagiintay ng sundo. Ayoko na makielam. Wala ko sa mood. Gusto ko na umuwi at itutulog ko na lang pagka bad trip ko.
"Tol."Tae si Joseph nanaman, nakakaasar na ha. Nananadya ba to?
"Oh, bakit?"
"Pwede mo ba ihatid si Nessa sa kanila?"
"Bakit di mo kayang ihatid?" Trip ko lang mangasar.
"Hindi namn sa ganon. Ma meeting pala ang varsity ngayon eh. Late na ko makakalis sa school."
"Bakit? Wala ba siang sundo?"Bitter na ko. Gay na ba masyado?
"Wala eh. Sinundo ng Kuya niya ung magulang nila sa airport ngayon eh. Gagabihin daw. Si Adam naman may pupuntahan kaya di rin uuwi agad."--Joseph
"Ocge2. Asan na ba si Nessa?"Naglingap lingap pa ko.
"Nag cr lang. Sasabihin ko na lang na iniintay mo na siya dito sa labas."
"Ocge"
''Salamat! Salamat talaga ng marami Jess :)'' Todo smile pa siya. Eh kung sinasapak ko siya, mas inuna pa niya varsit kaysa kay Nessa.
Yun umalis na si Joseph at di rin naman nagtagal dumating din si Nessa.
"Jess :)" Bungad niya. Halatang halatang masaya siya. Swerte ni Joseph
''Oh, malapit na daw sundo ko." Nabawasan ata yung badtip ko nung nagkausap kami.
"Cge. Ay!" Gulat naman ako at sumigaw siya. May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin.
''Oo nga pala yung letter. "Kinuha ko rin yung letter ko para sakanya at inabot ito.
"Salamat! Sa bahay ko na toh babasahin ha?"Paalam niya
''Sure." Matipid ko namang sagot
Dumating din naman sundo ko at un sumakay na kami ni Nessa. Dinaan ko muna siya sakanila.
"Salamat ng marami Jess! :)" Ganda talaga lalo na pag nakangiti.
"Wala yun. Anytime!" Kahit all the time pa.
"Pasok ka muna." Pagaya naman niya sakin sa loob ng bahay nila.
''Wag na. Magpahinga ka na muna. Alam ko namang pagod ka eh. Sige mauna na ko. :)" Nagfake pa ko ng smile. Kahit na bad trip na bad trip ako nagawa ko pa ring ngumiti kahit sa harap niya.
"Sige. Diba wala namang pasok bukas?"--Nessa
''Oo. Bakit?"
"Wala lang naman. Sige text text na lang :)" Paalam niya. Bat kaya nagtanong toh kung may pasok kami bukas? Baka mag dadate sila ni Joseph. Tssss. Haaay =__=
"Cge. Good night!" At yun tuluyan na kong umuwi. At na bad trip pa ko lalo. Mag dadate sila? Tae!
Pagdating ko. Haong hapo ako at yun bigat lang sa pakiramdam na ang mahal mo ay masaya sa piling ng mahal niya. Oo ako na madram at so gay ngayon. BH eh </3
------------------------------------------------
A/N: Ganyan lang po ang kaya kong iUD ngayon. Masadong busy sa lakad eh. Haha. Alam na seselos na si Jess. Baka next weekend na ulit ang next UD ko ha? Busy sa school eh. Graduating kasi. Ok. Daldal ko na. Bye. Until next time. God bless everyone! :*
--Janina06 <3
BINABASA MO ANG
The Story of Us (on going)
Teen FictionMagiging tahimik pa kaya ang buhay ni Nessa pag natutunan niyang harapin ang problema tungkol sa pag-ibig?