That SMILE -------------------------------------------------------------------------------------------->
Chapter 19: ^^
-Joseph's POV-
Nagkaroon ng try outs sa basketball team namin sa school. So yun nagtry ako. Matagal ko na kasing pinapangarap magkasali sa isang team. Tapos yung sasalihan ko pa a laging nanalo sa mga laban nila.
Sa classroom namin ako lang ang magisang sumali kasi yung iba volleyball ang hilig. Ako lang ata ang may hilig sa basketball at si Paul.
Actually si Paul matagal na siyang kasali sa team ng school. Alam ko second year pa lang kami eh nasa team na yan. Magaling kasi eh.
Siya nga nagsabi sakin na ngangangailangan ng new members ang school team at siya rin ang pumilit sakin na sumali daw ako kasi daw MAGALING daw ako ^^
Hahaha. Mayabang na ba? Haha. Di naman ako ang nagsabing magaling ako eh. Si Paul kaya ang MVP ng school ang nagsabi. Hahaha. Kung naririnig lang ako ngayon ni Nessa panigurado maiinis nanaman yun. Ayaw niya kasi pag nagmamayabang ako. Hahaha
Kung nagpaalam kamo ako kay Nessa tungkol sa pagsali ko sa school basketball team? Oo naman nagpaalam ako. Edi nagalit yun sakin kung di ako nagpaalam. Hhaha. Parang nanay ko yun eh. Dapat lagi kang magrereport sakanya. Pero in a cute way siya. Di katulad ng nanay ko na laging galit. Hahahaha. Kaya naman mahal na mahal ko si Nessa eh. ^^
"Hi Beb!" Bati ko kay Nessa na busy magsulat.
"Oh, kaw pala." Sinulyapan lang ako at nagsulat na ulit. :(
"Ano yang sinusulat mo?" Tanong ko
"Para toh sa thesis namin Beb." Busy pa rin magsulat
"Oh diba last week mo pa ginagawa yan? Bat hanggang ngayon ikaw pa rin ang gumagawa? Sino ba mga kagrupo mo? Patulong ka naman." Ngaalala lang ako. Bat kasi siya ang gumagawa lahat?
"Eto lahat ng part ko sa thesis eh. Si Jess ang leader namin." Sulat pa din siya
'' Si Jess? Eh bat parang wala man lang siyang ginawa diyan? Di ko siya nakikitang gumagawa ng ganyan eh." Angal ko naman. Pinahihirapan ng bestfriend ko anag girlfriend ko.
" Hindi, may ginawa rin siya. Kaso konti lang di daw kasi siya marunong sa mga ganang researches na yan eh." Sabi niya habnag di nakatingin sakin.
"Ah ganun ba. Gusto mo tulungan na kita dyan para mapadali trabaho mo?"--Ako
"Wag na. Next next week pa naman toh eh. Kaya I'm taking my time."--Nessa
"Para mapabilis ka lang. Para wala ka ng hussel sa susunod na mga linggo." Offer ko pa din.
"Ok lang Beb :)"Nakangiti niyang sabi habang nagsusulat. Ganda lang :)
"Kasi Beb, may gusto sana kong ipagpaalam sao kaya gusto kong mamadali ang paggawa mo ng thesis."--Ako
At ayan tumigil na siya sa pagsusulat at tinignan ako na may confused face.
"Ano ba un? Di mo ba pwedeng sabihin sakin ngayon?"--Nessa
"Um. Gusto ko kasi yung di ka na busy."
"Ok lang naman na ngayon na eh. Di naman ako ganung kabusy."
Di na ko nagpadalos dalos pa at sinabi ko rin sakanya ang gusto kong gawin.
"Ano kasi Beb, gusto ko sanang magtry out sa school basketball team. Nagpapaalam lang ako sayo kung ok lang. Kung hindi naman aus lang sakin." Sabi ko.
Di pa muna siya sumagot dahil bumalik uit siya sa pagsusulat.
"Sure. Wala namang kaso yun Beb eh. Supportahan pa kita."
"Ok lang talaga sayo?" Panigurado ko pa.
"Oo naman. Bakit naman hindi?"
"Eh kasi kung sakaling matatanggap ako mas maraming time ang itutuon ko sa trainning. Malapit na kasi ang first game. At kung sakaling manalo ang team ng first game mas maraming time ang ibubuhos ko sa team kasi alam mo na. Baka mamaya magselos ka sa basketball. At medyo limitado yung pagsasama natin." Explain ko sakanya
Sinabi ko lang naman skanya ang mga possibleng mangyari pagnapasok ako sa team. Baka mamaya kasi magselos pa un sa basketball kasi wala na akong time sakanya.
Nakita kong nakikinig lang si Nessa sa explanation ko. Kasi tumigil siya sa pagsusulat pero nakatigin lang siya sa libro na pinagkokopyahan niya ng information. Di rin nagtagal sumagot din siya sa akin
"Kung san ka masaya susuportahan kita. Basta pangako mo sakin na ako lang ang nagiisang cheerleader sa puso mo." Sinabi niya yon the way I wanted to hear it.
Parang nabasa niya yung nasa utak ko. Hahaha
"Di ka naman mapapalitan sa puso ko eh. I promise. Thank you so much Beb. I love you."
Di siya sumagot at tinignan lang niya ko habang nakangiti. Di ko alam kung anong nangyari sakin at hindi ko napigilan ang sarili ko dahil.........................................
......................
.......................
.......................
........................
........................
.......................
Bigla ko na lang siya hinalikan sa labi......
Nung nagbitaw kami. Nakita ko sa kanya na nagulat siya.
Di na kami nagsalita at nginitian na lang namin ang isa't isa.
Pagkatapos ng ilang minuto nagpaalam na ko saknya
"Beb, puntahan ko lang si Paul para sa try out ha."Paalam ko. At ulit di siya nagsalita at nginitian lang niya ko.
Isang ngiti na hindi mabubura sa isip ko ^^
--------------------------------------------------------
A/N: Ayan. Hahaha. Mornyt everybody! :*****
--Janina06 <3

BINABASA MO ANG
The Story of Us (on going)
Ficção AdolescenteMagiging tahimik pa kaya ang buhay ni Nessa pag natutunan niyang harapin ang problema tungkol sa pag-ibig?